Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake at Ella, madalas makitang magkasama

MADALAS makita ngayon sina Jake Vargas at Ella Cruz na nagdi-date. Noong isang araw lang ay magkasama ang dalawa sa Bubble Tea sa Tomas Morato.

Pero deny to death si Jake dahil kaibigan lang daw niya si Ella. Wala raw ligawang nangyayari

“Bago pa lang kaming magbabarkada, kapag lumalabas naman kami kasama namin ‘yung mga non-showbiz friends namin at hindi ‘yung kami lang dalawa. Siguro lang ‘yung mga nakakakita sa amin, ang alam dalawa lang kami kasi nga hindi naman artista ‘yung iba naming kasama,” paliwanag ni Jake.

Aminado si Jake na crush niya si Ella Pero hanggang doon muna raw. Ayaw pa niya ng seryosohang relasyon although nag-eenjoy siya ‘pag kasama si Ella. Matagal na raw siyang naka-move-on sa hiwalayan nila ni Bea Binene pero gusto raw muna niyang atupagin ang pagtatrabaho. Okey naman daw sila ni Bea t mas maganda na ‘yung magkaibigan sila.

Anniversary ng Banana Split, mapapanood na!

SA 5th anniverary concert ng Banana Split na ginawa sa Music Museum, ramdam pa rin ang experience ng cast sa lindol sa Bohol. Nandoon ‘yung naramdaman na nila ‘yung nasa bingit ng kamatayan.

Malaki ang pasasalamat ng Banana Split dahil walang nasaktan sa kanila. Kaya naman habang kinakanta ni Kean Cipriano ang Pasasalamat kasama ang Callalily, ipinakikita rin ang nakunang video habang nandoon ang cast na lumilindol.

“Noong ipinakikita, roon talaga nag-sink-in lalo, roon ako naiyak! Grabe ‘yung nangyari,”reaksiyon ni John Prats nang mapanood ang naturang video.

“Hindi ako kasama nang pumunta sila kasi may shooting ako sa indie movie ko sa Cinema One, dapat, susunod lang ako the next day. Pero ‘yun nga, hindi na ako nakasunod. Umuwi na rin sila. Grabe ‘yung nangyaring yun,” aniya pa.

Buti na lang nakalabas na  ang mga taga-Banana Split sa hotel at nasa loob ng bus habang lumilindol. Minuto lang ang pagitan. Balita na dalawa sa nag-serve sa kanila sa hotel na ‘yun ay namatay umano.

Anyway, mapapanood ang Banana Split anniversary concert sa Nov. 2 at sa Nov. 9 ang part 2 sa ABS-CBN 2.
Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …