Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iba-ibang tradisyon ng Undas tampok sa Gandang Ricky Reyes

INAALALA natin ang mga umakabilang-buhay na mga kamag-anak at kaibigan tuwing Nobyembre 1 kada taon na sa mga Katolikong bansa tulad ng Pilipinas ay tinatawag na Undas (All Saints Day).

Samahan natin ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh sa paglilibot sa iba-ibang lugar na may kanya-kanyang tradisyon sa araw na ito.  Dadalaw din ang host-producer na si Mader Ricky sa isang “hapi sementeryo” na may karnabal, live concert at tiyangge.

Tampok ang isang Australyanong designer na naka-display sa kanyang studio sa Kyusi ang mga nakatatakot na “prosthetic” obra niya na nagwagi ng award sa Hollywood.

Sa edad na 94 ay yumao na si Madam Amada Enriquez Zabarte.  Hanggang ngayo’y damang-dama pa rin ng kanyang anak na si Ricky ang kawalan at kalungkutan sa pagkawala ng ina na ayon sa kanya’y naging inspirastyon, huwaran, at gabay sa hagdan paakyat sa tagumpay.

Sasariwain ni Mader ang magaganda at masasayang alaala ng butihing ginang na ang labi’y nakalagak sa isang libingang nasa gitna ng isang man-made lake at palibot ng mga paborito nitong halaman sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado, 9:00 a.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …