HINDI kataka-taka kung marami agad ang nahumaling sa pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Honesto na pinagbibidahan ni Raikko Mateo. Nagbibigay halaga kasi ito sa katapatan ng tao. Kaya naman nanguna rin ito sa national TV ratings at nag-trending topic agad sa Twitter.
Sa nakuha naming datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Oktubre 28), pinaka-tinutukang programa sa buong bansa ang pilot episode ng Honesto taglay ang 30.5% national TV ratings o 20 puntos na kalamangan kompara sa katapat nitong programa sa GMA na Genesis na mayroon lamang 10.5%.
Bagamat masasabing talamak ang korupsiyon sa ating bansa, napapanahon ang usaping may kaugnayan sa katapatan at kabutihan. Kaya naman wagi rin naman ang ‘tapat at totoong’ kuwento ng Honesto sa social networking sites tulad ng Twitter na pinag-usapan at naging nationwide trending topic pa ang isa sa mga bida nito na si Paulo Avelino at ang hashtag na #HonestoPromisePilot.
Bumuhos ang positibong tweets tulad ng “@LhieDeJesus: #HonestoPromisePilot Nakakatuwang isipin na may ganitong palabas. Pinapakita ‘yung importansya ng pagiging honest; @mybunny88: Maganda at mabilis ang takbo ng istorya. Napakagaling umarte ng buong cast. Tiyak na magiging patok ito! Congrats! #HonestoPromisePilot @mepauloavelino; at “@JCMWalkersBC: Ang galing ng cast ng Honesto. Parang comedy na puno ng aral. #HonestoPromisePilot Sarap ng feeling ‘pag nagsasabi ng totoo.”
Tuloy lang sa pagtutok sa Honesto dahil tiyak na mapapakapit ang TV viewers gabi-gabi ngayong natuklasan na nina Felipe (Spanky Manikan) at Fina (Maricar Reyes) ang tunay na kulay nina Diego (Paulo Avelino), Cleto (Nonie Buencamino), at Hugo (Joel Torre).
Mababago pa ba ni Diego ang kanyang mga pagkakamali upang mapatunayan ang pag-ibig para kay Fina o tuluyan na silang paghihiwalayin ng kasakiman at kasinungalingan ng kanyang pamilya?
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng kuwentong tapat at totoo, Honesto, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.
Maricris Valdez Nicasio