ISA si Jed Madela sa paboritong pinakikinggan ng mahihilig sa musika dahil sa napakagandang tinig nito lalo na kung classical ang kinakanta dahil para kang idinuduyan sa lamyos ng tinig.
Akalain mo, 10 taon na pala ang mahusay na mang-aawit sa mundong ginagalawan niya ngayon at dahil isang dekada na siya ay gusto niya itong iselebra sa pamamagitan ng concert sa PICC Plenary Hall sa Nobyembre 15 na may titulong X The Jed Madela 10th Anniversary.
Kasabayan pala ni Jed sina Erik Santos at Sarah Geronimo na magse-selebra rin ng kanilang 10 taon sa industriya ng musika at pare-pareho silang may show.
Unang magtatanghal si Erik sa Nobyembre 9 sa parehong venue ni Jed samantalang si Sarah ay sa Nobyembre 15 sa Smart Araneta Coliseum.
At dahil tatlo silang may show ay hindi maiiwasang mahati ang audience kaya naman natanong si Jed kung hindi ba siya nababahala rito?
“Okay lang naman total sold-out na siya,” birong sabi ni Jed, sabay salo, “at first siyempre, I was really surprise kasi I knew all along is she was going to do her concert November 22, so okay lang naman, sabi ko, November 15, go tayo and then to my surprise, (November) 15 din pala siya (Sarah).
“But you know, iba naman ‘yung crowd niya sa crowd ko and Araneta is pretty far sa PICC.
“At first nakakatakot kasi siyempre, Sarah Geronimo na ‘yan and she’s the Pop Princess, but as I said, it’s a different crowd, so no worries,” katwiran ni Jed.
At ang pagkakaiba ay may 18 piece big brass AMP band si Jed kaya’t classical/ballad ang mga kakantahin niya kompara kay Sarah na pawang ballad at pop.
At dahil 10 taon na si Jed sa industriya ay natanong siya kung may girlfriend na dahil simula noon ay wala pa nga namang naipakikilala ang binata.
“Wow, lovelife, single po ako now,” napangiting sabi ng mang-aawit.
10 taong walang lovelife?
Sampung taong single si Jed, “hindi naman po, I’ll make it a point po na to separate the private life from public. Good thing that I’m a singer. I’m not more of a mainstream actor, you know.
“Sa movie kasi 100%, public property and everybody wants to be part of your life, so ako naman kasi, I really treasure my privacy.
“When it comes to private stuff and family, it’s really separate from work. During the ten years, hindi naman ako naging single lang. I just manage to keep it private,” punto de vista ng binatang mang-aawit.
At ang tipong babae raw ni Jed, “siyempre somebody who can understand the business that I’m in. Hindi madali kasi ang oras ko hindi fixed, somebody who can make me laugh, and somebody who can take care of me.”
Hindi rin naiwasang hindi tanungin ang binata tungkol sa kanyang sexual preference.
“’Yung mga ganyang issue, for everybody who steps in the world of showbiz, there will always be that questions, the sexual preference, your family background, ‘yung up bringing mo, lahat pakikialaman.
“And you cannot say one thing to put a period to it kasi kahit anong sabihin mo, mayroon pa rin silang sasabihin.
“So, I have learned for the past ten years that I have been in the business, I’ve learned how to go with the flow and let everybody talk, let everybody speak their mind and you know, hindi ko na kokontrahin.
“Kung anong gusto ninyong isipin o sasabihin, bahala na kayo, as long as I’m doing my job well, as long as I’m making people enjoy thru my voice and thru my performances that’s what matter,” pangangatwiran ni Jed.
Bright Halls Children Foundation
Muling napanalunan ni Jed sa nakaraang PMPC Star Awards for Music ang Male Recording Artist of the Year sa loob ng tatlong magkakasunod na taon at nanalo muli sa pangalawang pagkakataon sa nakaraang Aliw Awards bilang Concert of the Year.
Ang X The Jed Madela 10th Anniversary Concert ay co-presented ng Folded and Hung at major sponsors ang Cravings, PMX Audio, AD Central, Technomarine, Fernando’s Sanispring at media sponsors naman ang ABS-CBN ASAP 18, Inside Showbiz, MOR 101.9 at Crossover 105.1.
Ang 100% proceeds ng show ay mapupunta sa Bright Halls Children Foundation na matagal ng tinutulungan ni Jed sa loob ng tatlong taon.
Reggee Bonoan