Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Delta theater ng TV5, malas?! (Lahat kasi ng nagso-show doon, natsutsugi)

NOONG isang araw kasi ay marami rin kaming lakad, kaya nakibalita na lang kami kung ano nga ba ang nangyari sa last show ni Willie Revillame. Nagulat kami nang sabihin ng isa naming kaibigan na wala raw Wowowillie na palabas sa TV noong araw na iyon. Tapos ang sabi sa amin ang napanood daw niya ay Huhuwillie. Umiyak daw kasi si Willie Revillame nang magpaalam sa kanyang audience at siyempre inulit ang world war 2 slogan ni Mac Arthur, ”I shall return”.

Isipin mo nga naman ang takbo ng buhay ano. Mga isang taon lamang ang nakararaan, ang tapang ng dating ni Willie sa telebisyon. On the air, kinagalitan niya sina John Estrada at Randy Santiago, dahil kausap na raw niya ang management ng TV5 para matulungan iyong dalawa.

Ngayon ibinagsak din siya ng management na iyon. Ilang buwan lang ang nakararaan sinabon niya sina Ethel Booba at Ate Gay sa mismong show nila, dahil wala raw karapatan ang mga iyon na umangal pa dahil siya rin ang producer ng kanilang show at siya lang ang may karapatang gumawa ng ano mang desisyon. Ngayon wala na ang show na iyon na siya ang main host at producer. Palagay namin babakbakin na rin ang pangalan ng kanyang show sa kanilang studio riyan sa Delta Theater, na pinaglalagyan niyon, may maliwanag pang ilaw para kita kahit na gabi.

Isipin ninyo, maski ang show ng megastar na si Sharon Cuneta, sinibak sa studio na iyon para lang may magamit si Willie. Ngayon ang show na niya ang sinibak.

May nagsasabi nga, hindi kaya malas nga ang studio na iyon dahil lahat ng shows doon nasisibak?

Huwag nating sisihin ang studio. Tanggapin natin ang katotohanan na hindi nag-rate kagaya ng inaasahan ang kanilang mga show, at kagaya nga ni Willie na milyong piso na ang ipinamimigay na premyo wala pa ring nangyayari, ano nga ba ang gagawin mo? Ang masama nga lang, hinintay pa ni Willie na malugmok siya sa ratings kaya wala nang kumukuha sa kanya ngayon. Naniwala siyang kaya niyang iangat ang TV5.

Matagal na naming sinasabi, ang problema riyan ay hindi naman ang kanilang shows. Marami silang magagandang shows noon ha, lalo na noong panahon pa ni Perci Intalan. Noon sumipa iyong Face to Face. Sumipa rin angTalentadong Pinoy. Pero hindi nga rin nakatagal dahil ang problema nila ay ang mahina nilang signal. Nakuha na nila ang “the best” at lahat ng mga sikat na stars. Bakit hindi nila asikasuhin ang kanilang signal?

Sunshine, gusto nang ma-annul ang kasal kay Cesar

MABUTI naman at si Sunshine Cruz, maliwanag ang hinihingi, iyong annulment na lang ng kasal nila ni Cesar Montano. Hindi naman daw iyon nangangahulugan na gusto niyang mag-asawang muli. Sinasabi nga niyang kung mangyari man iyon ay matagal pa dahil talagang nadala siya sa kanyang buhay may asawa. Gusto lang niya para maging malaya na siya, at malaya na rin naman si Cesar, after all buo na sa loob niyang hindi na sila magsasamang muli.

Ang maganda kay Sunshine, ang hinaharap lang niya ay ang problema sa kanyang asawa. Wala siyang kaaway na mga kapatid o kaanak niya.

Concert ng bakla-serye, ‘di kumita?

FLOP nga ba iyong concert niyong bakla-serye ng channel 7? May nagpadala kasi sa amin ng pictures ng venue, puno sa ringside, pero walang tao sa upper at lower box. Nangyayari iyan kung walang taong nanood. Maski iyong nasa upper at lower box, pinabababa na lang sa ringside.

Ang laki naman kasi ng venue na ginamit nila para sa concert na iyon, hindi na lang sa gaybar.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …