Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, nalungkot sa pagkawala ni Binoe sa TODA Max

INAMIN ni Vhong Navarro na nalungkot siya sa pag-alis ni Robin Padilla sa kanilang sitcom na TODA Max sa ABS CBN ilang buwan na ngayon ang nakalilipas. At the same time, pinabulaaan din ng komed-yante ang napabalitang pera ang rason ng pag-alis ni Binoe sa kanilang sitcom nina Angel Locsin.

Ayon kay Vhong, nalungkot siya nang husto sa pag-alis ni Robin sa sitcom nila, pero iginiit niyang hindi pera ang ugat nito. “Ang ganda ng rapport namin, ang ganda na ng samahan, nalungkot ako actually,” ser-yosong wika niya.

Itinanggi niyang TF o talent fee ang dahilan sa pagbabu ng action star sa kanilang show sa Dos. “Hindi totoo ‘iyon na dahil sa TF, kasi si Idol nga wala namang pakialam sa pera ‘yan e. Ipinapamigay pa nga niya ‘yung pera niya e.”

Idinagdag pa ng isa sa hosts ng It’s Showtime na ang nasagap niyang dahilan sa pag-alis ni Robin sa kanilang sitcom ay ang pagiging busy nito sa paggawa ng pelikula at kagustuhang gumawa ng drama project, kaya iwas muna siya sa comedy.

Kasaluku-yang tinatapos ni Robin ang pelikulang 10,000 Hours na entry niya sa forthcoming Metro Manila Film Festival.

Hinggil naman sa sa isyu na parang napabayaan daw si Robin sa show nila dahil wala silang naibigay na kapareha sa action star na kilala rin bilang Bad Boy, nilinaw din ito ni Vhong.

Dapat daw ay si Cristine Reyes ang kapareha ni Robin, pero na-pull-out ito sa kanilang sitcom nang nagkaroon ng soap opera ang aktres. At ganito rin ang nangyari sa sumunod na ipapareha dapat kay Robin na si Valerie Concepcion.

“Tapos si Valerie, na nagkaroon din ng conflict. Siyempre hinahanapan din natin ng magandang leading lady si Idol sa sitcom. Kasi may Angel tayo e, siyempre mayroon din tayo dapat na isasabay natin kay Ms. Angel. ‘Tsaka naglalaro naman kasi talaga ang istorya niyon e. Si ‘Tol, si Idol ay talagang family man lang,”  paliwanag pa ng komedyano.

Sinabi rin ni Vhong na na-nanatili ang kanilang friendship ni Robin kahit na sila ay iniintriga ngayon.

Gelli at Tintin, sinulot ang show  ni Amy sa TV5?

WALANG katotohanan ang intrigang sinulot umano nina Gelli de Belen at Tintin Bersola siAmy Perez sa isang bagong show sa TV5.

Sina Gelli at Tintin ang mga host ng bagong TV5 reality talk show na Face The People.

Nilinaw ni Gelli na hindi raw niya inagawan ng trabaho si Amy. Dapat daw ay magkasama sila ni Amy sa naturang show. Kaya lang ay may mga pangyayaring hindi maiiwasan na naging sanhi para hindi ma-tuloy si Amy sa Face The People.

Sa panig naman ni Tintin, may blessing daw ni Tiang Amy ang pagpalit niya sa puwesto nito bilang partner ni Gelli sa bagong show ng Kapatid Network. Ang presidente raw mismo ng network ang nagsabi sa kanya na mag-host sa bagong reality talk show kaya tinanggap niya ang naturang offer.

Naging maayos naman daw ang lahat sa pag-alis ni Amy at walang nasirang pagkakaibi-gan sapangyayaring ito.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …