TIYAK na maninibago ang mga tumututok sa Kapatid Network o TV5 dahil sa paglulunsad ng kanilang Everyday All the Way na mga bago at exciting entertainment at public affairs programs ang mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes na matutunghayan na sa October 14.
Gigisingin ang ating umaga ng TV5 ng kanilang must-see segments ng Good Morning Club na magbibigay ng kaaya-ayang impormasyon sa publiko ng tinatawag nilang “bite-size” structure. Ang bagong segment na ito ay ang Good Morning Grace! niGrace Lee, 6:00-6:10a.m.; Good Morning Sir nina Erwin Tulfo at Martin Andanar, 6:10-7:00 a.m.; Morning Girls nina Cheryl Cosim, Tuesday Vargas, Twink Macaraig at Grace Lee, from 7:00-7:45 a.m.; at ang Good Morning Moms! Ni Christine Bersola-Babao, 7:45-8:00 a.m..
Mapapanood naman sa kauna-unahang pagkakataon sina Gelli De Belen at Christine Bersola-Babao sa Face the People tuwing hapon ng weekdays, 4:30-5:30 p.m.. Nariyan din ang new primetime block na barangay-serye sa television, ang Madam Chairman tuwingweeknights, 7:00 p.m. ni Megastar Sharon Cuneta. Bale ito ang kauna-unahang teleserye ni Sharon at makakasama niya sina Jay Manalo, Ciara Sotto, Bayani Agbayani, Cita Obrero, Hermes Magpantay, Fanny Serrano, Akihiro Blanco at Shaira Mae Dela Cruz.
Tiyak namang mai-inspire ang lahat sa mga guest ni Ogie Alcasid sa kanyang The Giftgabi-gabi, 7:30 p.m. sa paghahanap ng love at joy after a loss.
Ang isa pang exciting show na dapat huwag palampasin ay ang Let’s Ask Pilipinas ni Aga Muhlach. Ito bale ang local franchise ng US hit na Let’s Ask America. Let’s Ask Pilipinas takes advantage of modern Internet technology as contestants get to play in the comforts of their home. Imagine sa pagsali rito sa pamamagitan lamang ng video calls sa kanilang computers, tablets o mobile phones, posibleng magwagi na agad sila ng limpak-limpak na salapi.
Simula naman October 17, mapapanood na ang mga makabagbag damdaming serye, ang Positive at For Love or Money na magtatampok kina Martin Escudero, Derek Ramsay, Ritz Azul, at Alice Dixson.
Pinalakas din ng NEWS5, TV5’s news and public affairs arm ang kanilang commitment sa pagbibigay ng credible source of information at ito’y sa pamamagitan ng KBO Block of Knowledge, Information and Opinion where viewers can now look forward to various informative and educational shows every night starting at 10:30 p.m..
Ang mga show na ito ay ang Demolition Job, Numero, History, Dayo, at Astig. At bago matapos ang gabi, mayroong 25-minute news program sina Paolo Bediones, Cheryl Cosim, at Jove Francisco, ang Pilipinas News na susundan ng Reaksyon na nagtatampok kay TV5 Head Luchi Cruz-Valdez.
Itatampok din ng TV5 ang isang social experiment involving “half-local but full-global” Fil-Brits sa Juan Direction na ang mga YouTube sensation na sina Brian Wilson, Daniel Marsch, Michale McDonnell, Charlie Sutcliffe, at Henry Edwards ay magso-showcase ng daily lives ng mga Pinoy.
Maricris Valdez Nicasio