Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymart, hinamon si Claudine na sa NBI magpa-drug test ‘

HANDA raw tumugon si Raymart Santiago sa hamon ng ama ni Claudine Barretto na si Mr. Miguel Barreto na magpa-drug test din ito tulad ng ginawa ng kanyang anak kamakailan.

Sa statement na ipinadala ni Raymart sa ABS-CBN News, handa siyang magpa-drug test din sa kondisyong magpapa-random blood test si Claudine na isasagawa sa National Bureau of Investigation (NBI). Tugon ito sa controversial legal spat ukol sa alegasyong domestic violence at drug abuse.

Iginiit din ng legal counsel ni Raymart na si Atty. Ruth Castellon, “willing to take the challenge of drug-testing anytime of day and night (because) he has nothing to hide.”

Itinanggi rin ni Raymart ang akusasyon ni Claudine na gumamit siya ng illegal means para mai-record ang photos at videos na isinumite kasama ang kanyang counter-affidavit.

“Sana tumigil na sila ng kalalalabas ng hindi totoo,” giit ni Raymart. “Marami pa akong matinding ebidensiya na puwedeng ilabas ngayon, pero hayaan na lang natin si judge ang makakita nito. Huwag na sa public.

“Napilitan akong maglabas ng ebidensiya sa media para ipangtanggol ang pangalan ko. Masyado niya akong sinisira kaya nagsabi lang ako ng totoo. Ngayon alam na nila kahit paano, puwede na ako tumahimik,”  dagdag pa ng actor.

Tila lalong lumalala ang usaping ito nina Raymart at Claudine, kung kailan ito magtatapos at maaayos, tanging ang nasa Itaas lang ang nakaaalam.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …