Friday , December 27 2024

“Der Kaufmann,” Enrile et al

SHAKESPEARE is always current and universal. Siyempre, depende sa “reading” at “interpretation,” lalo na ng mga sinasabing “attentive observers” ng mga nagbabasa at nanonood nito, at ng human condition.

Timely at maganda ang reading at interpretasyon ng manunulat at direktor na si Rody Vera sa klasikong dula ni William Shakespeare, ang “The Merchant of Venice.” Mula sa orihinal na konsepto at panulat ng The Bard hanggang sa tapat na pagsasalin ni Rolando Tinio (“Ang Negosyante sa Venecia”), ang mapangahas at makatotohanang paghalaw ni Vera sa pinaigting na version na “Der Kaufmann” ay sumasalamin ng tunay nating kalagayan sa kasalukuyan.

At ang pagsasadula nito sa setting ng mga Nazi at Holocaust noong World War II, ay lalong nagpatingkad ng tema at dramaturgy nito sa “dehumanizing effect  ng racism and intolerance,” ayon sa production notes ng “Der Kaufmann.” At idadagdag natin na ang “corruption” sa lahat halos ng antas nito.

Sa pagpapatuloy pa ng Tanghalang Pilipino: “Der Kaufmann” is not meant to condemn any race for atrocities committed in the past, but rather, to underscore the artists, equality, justice, mercy and forgiveness.”

Ang naturang rationale ng “Der Kaufmann” ay nagsisilbing paliwanag sa naging “peg” ni Vera sa pagbibigay ng panibagong bihis sa lumang obra ni Shakespeare. Ayon pa sa kinuhang quote ng director mula sa “review” ng writer na si Harold Bloom sa nabanggit na dula, “One world have to be blind, deaf and dumb not to recognize that Shakespeare’s grand, equivocal comedy, ‘The Merchant of Venice,’ is nevertheless a profoundly anti-Semitic work.”

Sa madaling salita, anti-Jew o laban sa Hudyo si Shakespeare. At ginamit ng mga Nazi ang pagiging anti-Jew ng “The Merchant of Venice” upang paglaruan at isulong ang kanilang “Aryan cause” laban sa mga Hudyo at iba pang “dregs of society” o mga latak ng lipunan gaya ng mga bugaw, puta, pulubi, gypsy, criminal, political  prisoners at bakla.

So there goes the “operative word”—BAKLA. Ito ang “focus” at bagong dimension ng halaw na version ni Vera, gamit mismo ang isinaling lenggwahe ng National Artist na si Tinio. At matagumpay na naitawid ni Vera ang baklang “Der Kaufmann” sa hanay ng mga “persecuted” na nilalang sa mundo hanggang ngayon.

At dahil sa ang teatro o pagsasadula ng bawat obra ay nangangailangan lagi ng kakaibang “reading” o “interpretation” sa sinumang magtatanghal nito—upang maging epektibo at “relevant”—the same rationale should apply to each and every “review or critique” of any staging of a play.

Call it “meta-criticism” or something, but Vera’s reading/interpretation of Shakespeare’s “Merchant of Venice” could be extended further and be re-worked in critical text.

In other words, mayroon din “re-reading” at “re-interpretation” sa pagre-review  ng makabagong pagtatanghal ni Vera ng “Der Kaufmann” gaya nang kakaiba niyang “reading” at “interpretation” ng “The Merchant of Venice” ni Shakespeare, na ginamit at iniba naman ng mga Nazi noong panahon ng Holocaust.

KAHIRAPAN, ANG ‘PANIBAGONG HOLOCAUST’

KUNG kabaklaan ang naging “character motif” ni Vera sa “Der Kaufmann” ng Tanghalang Pilipino, palalawakin naman natin ang saklaw nito sa kahirapan, or poverty, which is the new Holocaust. Both physical poverty of the mind and spirit.

Napapanahon ang pagsasadula ng TP sa “Der Kaufmann” ni Vera sa panahon ng kontrobersya ng PDAF o pork barrel dahil ipinamumulat nito ang corruption na dulot ng kapangyarihan ng salapi at ng naghaharing rehimen.

Sa panahon ni Shakespeare noong 16th century, sa panahon ng mga Nazi noong Holocaust sa World War II at sa kasalukuyang panahon nina Erap, Enrile, GMA, PNoy at Napoles; theirs are the varied faces of corruption, the evil root of racism, intolerance and injustice wherever and whenever one finds them.

Noong panahon ni Hitler at ng mga Nazi, ang concentration camps ay nasa Dachau, Auschwitz at Buchenwald , na milyon-milyong mga Hudyo at iba pang “undesirables” ang minasaker sa mga gas chamber.

Sa ngayon ang makabagong concentration camps ay nasa slums at squatter areas na laganap ang matinding kahirapan ng maraming mamamayan. In many ways, at one time or another, sila’y hinahayaan, ginagamit, sinusuhulan, inuuto, sinusunog at dini-demolish ng nasa poder ng kapangyarihan.

For those afflicted with poverty of the mind and spirit, ang bagong concentration camp ay ang Kongreso (Kamara at Senado), at Malakanyang at iba pang tanggapan ng gobyerno mula Barangay hanggang sa mga munisipyo at kapitolyo ng mga lalawigan. Idagdag pa rito ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa buong kapuluan na kinukulapulan ng talamak na katiwalian, pang-aabuso at kawalang hustisya.

Sabi nga ng National Artist for Literature na si F. Sionil Jose: “But this country needs more Eraps, more Ping Lacsons, more Gringo Honasans, more coup attempts, more religious quacks, more Abu Sayaffs—all of these to hasten the implosion that hopefully will redeem the masa.”

Sa madaling salita, para madali ang tunay na rebolusyon!

Halos lahat ng mga politiko natin ay ‘nagpapakamasa’ o nag-a-identify bilang isa o kabilang sa masa o mahihirap. Una na si Ramon Magsaysay, tapos si Diosdado Macapagal at nitong huli nga ay sina Erap at Enrile. Maging si Villar ay nagpanggap din na galing sa mahirap. Pero lahat sila ay hanggang salita lang at porma sa harap ng kamera.

Sa totoong buhay, silang lahat ay pawang malalayo sa mahihirap at ginagamit lang nila ang kahirapan ng masa para sa kanilang political agenda. Isang nagdudumilat na katibayan nito ay ang tumitinding pagkalugmok sa ibayong kahirapan  ng marami nating kababayan magpahanggang ngayon.

The irony of  it all, ang “Der Kaufmann” na nagmumulat  sa mapait na katotohanang ito ay ipinalabas sa CCP, ang “fascist complex” that Imelda Marcos built, according to F. Sionil Jose, and the “suppository” of Philippine culture.

“Culture” as in “culture of corruption and impunity.” Ito ang malaking kabalintunaan sa buhay natin, ‘di ba, Rody “Der Kaufmann” Vera?

***

Binabati ng isang makabuluhang pagdaraos ng 45th Taon ng Pagkakatatag, ang Tau Gamma Phi (Triskelion) Oktubre 4, 2013, partikular ang Maricaban Chapter. Nawa’y maging malaking ambag sa pagsusulong ng tunay na pagbabago ang samahan para sa kapakanan ng mas maraming mamamayan. Mabuhay ang Tau Gamma Phi! Ang pagbati ay mula kina: Jefferson del Rosario  at James Aguilar, Richard ‘Labo’ Tañote et al,  ng Brgy. 178, Zone 19, Maricaban, Pasay City.

Samantala, magpapa-sopas tayo para sa mga bulilit sa St. Mary Street at  ang Tau Gamma Phi (Brgy. 178 Chapter) ang mamahala sa pangunguna ni Nanay Norma Cacas. Aasistehan siya nina Leo at Nolie Cacas, Delmar, Onyok at JR Mendoza, JR at Christian Manlapaz, Eduard at Eric Duquilar, Paul John at Eric Clemente, Jojo Frias, Junjun Rabino, Edwin Roldan et cetera.

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *