TUWANG-TUWA ang boy band na 1:43 sa nakuha nilang apat na nominasyon mula sa kanilang 2nd album na Sa Isang Sulyap Mo under MCA Music sa 5th PMPC Star Awards for Music. Ang mga ito ay ang Song of the Year, Album of the Year, Pop Album of the Year, at Best Duo or Group.
Ang 1:43 na binubuo ng apat na talented, charming, at stylist lads ay sina Anjo Resurreccion (UST Psychology graduate at MYX VJ search finalist); Argee Golding (Taekwondo athlete ng UST); Gold Aquino (Business Administration graduate ng CEU); at Yuki Sakamoto, (HRM student ng CEU-Makati at main vocalist ng grupo).
“We are truly honoured to have been nominated in four categories in the 5th PMPC Star Awards for Music alongside with the most respected names in Philippine music industry,” anang spokesperson ng grupo na si Arjo.
“The recognition inspires us to advance our mission to bring back the Filipino youth interest to OPM,” dagdag pa ni Arjo.
Taong 2012 ini-release ang Sa Isang Sulyap Mo album bilang parte ng Mang Inasal Mang-Aawit Advocacy Campaign at simula noon ay nag-hit na ito. Naging No. 1 OPM song din ito sa ilang radio countdowns nationwide at itinanghal na Youtube Philippinesbilang isa sa viral videos last year matapos makakuha ng over 35 million views.
Ginamit ding official soundtract ang awiting Sa Isang Sulyap Mo ng PBB Teens Editionat ng fantaseryeng Juan dela Cruz ng ABS-CBN. Noong isang taon naman ay nakatanggap din ng dalawang nominasyon ang 1:43 mula sa kanilang debut album naTime for Love mula sa Awit Awards bilang Best New Group para sa awiting Pag-Ibigt Na Kaya? at Besst Christmas Song para sa Merry Christmas Na.
Sa October 19 naman ay matutunghayan ang 1:43 sa show na Rated SPG (Sobrang Patawa at Galing sa Komedya) Oktoberfest kasama sina Gladys Guevarra, Tuesday Vargas, Ate Gay, Joy Viado, Roy & Ver (D Pak-Yaw Duet, parang Jose at Wally ang peg) sa Zirkoh, Tomas Morato.
Kasama rin dito ang Mr. Pogi Grand Winner ng Eat Bulaga na si John Edric Ulang,Asia’s Singing Sensation Clifford Allen Estrala, TeenGen at Protege’ ng GMA 7 na siMikoy Morales, at ang comebacking singer na si Tyrone Oneza. Maghahandog din ng awitin sina Martina Ona, Nathan Francisco, Cherryz Mendoza, at Engr. Roweo Tecson. Mabibili ang tikets sa Zirkoh Bar Tomas Morato, SM Tickets (https://www.smtickets.com/marketing/view/1765 ) o tumawag sa 09176265310 para sa ibang detalye.
Maricris Valdez Nicasio