Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan, may ginamit na mantra para maging Miss World 2013

ALAM n’yo bang may ginamit na mantra si Megan Young sa pagwawagi n’ya bilang kauna-unahang Miss World ng Pilipinas?

Binubuo ng dalawang pangungusap ang mantra na ‘yon. ‘Yung pangalawang sentence ay: “I am Miss World 2013.”

Ang mantra na ‘yon ay lihim na inuusal-usal ni Megan ng buong panahon na nasa Bali, Indonesia siya at nagko-compete para paging Miss World 2013. Wala siyang pinagsabihan na may lihim na mantra siyang ginagamit, at ‘di n’ya ibinunyag ‘yon kanino man. At maaaring hindi pa n’ya ibinubunyag kahit kanino hanggang ngayon.

Napag-alaman namin ang pangalawang bahagi ng mantra mula mismo sa life coach na nagturo niyon kay Megan—walang iba kundi si George Sison na malapit na kaibigan ni Cory Quirino, ang organizer ng Miss World Philippines. Ayon kay George, si Cory mismo ang tumawag sa kanya para pakiusapan siya na i-psyche up si Megan bago ito lumipad papuntang Bali. Nang pumayag si George, ipinatawag ni Cory si Megan sa kanya—at alas tres ng madaling araw sila nag-usap ni Megan nang dalawang oras (night owl po talaga si George).

“In those two hours, I discovered how intelligent, how well-bred, and how open Megan is as a young woman. I really felt that with the right consciousness, she can be our first Miss World ever,” kuwento ni George sa amin at sa ilan pang malalapit na kaibigan n’ya noong Linggo ng gabi sa Old Swiss Inn restaurant sa Makati.

“I asked her to recite back the mantra to me right after l dictated it to her and she recited it to me with full confidence and without stuttering. I knew then she believes in her self,” dagdag pa ni George.

In-emphasize pa ni George kay Megan na kahit na may mapuna siyang contestant na mas maganda at mas personable sa kanya, huwag n’yang pagdudahan na siya ang magiging Miss World. Okey lang na tanggapin n’yang posibleng may mas maganda sa kanya at may mas personable na contestant pero siya na mismo ang Miss World 2013.

Si George ang isa sa mga laging unang tinatawagan ni Cory para i-update ito sa nangyayari sa Miss World contest sa Bali.

Sa pagbabalik ni Megan sa Pilipinas ay at saka pa lang sila magkikita  ng personal ni George. Dahil exclusive para kay Megan ang ginawa n’yang mantra, hihingi raw muna siya ng permiso kay Megan na i-share ‘yon sa madla sa pamamagitan ng kolum na ito. Abangan n’yo ‘yon dito, pati na ang iba pang I Am techniques na itinuro n’ya kay Megan.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …