Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, ‘di raw nagdo-droga (Glutathione raw ang itinuturok nito…)

HUMARAP si Claudine Barretto sa  mga press people sa Rembrandt Hotel  kasama ang magaling na lawyer na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Junelet Mataro at ang kanyang ama na si Mike Barretto.

Isa-isang ipinaliwanag ni Atty. Topacio na hindi droga ang itinuturok ni Claudine kundi glutathione at ‘yung isang ay para sa anti-allergy.

“Imposible naman na magturok ako ng drugs sa harap ng mga anak ko at sa publiko,” aniya.

Sinabi ni Daddy Mike ini-request niya kay Claudine na magpa-drug test nang tanungin ng aktres kung ano ang gusto nitong gift sa birthday niya noong September 29.

Buong ningning na pumayag ang aktres at negative ang resulta nito na ginawa sa Hi-Precision Diagnostics sa Del Monte Ave, Bgy. Sienna, QC.

Raymart, pinapa-drug test din

Hinamon ni Daddy Mike na magpa-drug test din si Raymart Santiago. Sabi pa niya, siya na raw ang magbabayad sa drug test ni Raymart dahil baka sabihin daw nito na pinagastos pa siya.

“Napapagod na  ako,” bungad ni Claudine sa gulong nangyayari sa kanila ni Raymart Santiago.

“Matagal kong pinaghirapan ang  pangalan ko para sirain lang ni Raymart Santiago,” bulalas pa ng aktres.

“It‘s hard for an actress to undergo drug tests. It‘s very humiliating,” sambit pa niya.

“Sana naiisip niya na nasa akin ang mga anak ko at anak niya rin. At  habang salita siya nang salita ng masasakit tungkol sa akin na napapanood ng mga anak ko, sana ma-realize niya na sinisira niya ang pinaka- pundasyon para sa anak namin,” deklara pa niya.

Gretchen

at Marjorie, ‘di na raw niya kapamilya

Tinanong din siya sa away ni Claudine sa mga kapatid niya gaya nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto.

“Like I said, hindi ko na sila pamilya. And sana palitan na rin nila ang apelyido nila,” sey niya.

Pagkatapos ng presscon, tumuloy si Claudine at ang kanyang lawyer sa Marikina-RTC para kasuhan si Raymart sa walang pahintulot na pagkuha ng ng video at larawan na hindi niya alam. Invasion of privacy daw ‘yun.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …