Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilalang actor, talo pa ang ka-loveteam sa sobrang kaartehan, Baguhang actor, ‘di nakatikim ng pork barrel ni gay benefactor

MAY problema ba ang kilalang aktor at hindi siya nakikipag-kaibigan?

Naimbitahan ang kilalang aktor sa isang paliga ng basketball ng mga kapwa niya aktor para sa mga kapuspalad nating kababayan at um-oo naman. Katunayan, excited ang lahat dahil kompleto na ang team ng mga sikat, pero ang ending hindi dumating ang nasabing aktor.

“Nakakataka nga, um-oo pa naman, expected pa naman siya kasi siyempre may press release, hindi sumipot at walang pasabi kung bakit hanggang sa nagkita-kita sila ng mga kasamahan niya, walang sinabi, hindi man lang humingi ng dispensa,” kuwento sa amin ng isa sa organizer ng paliga.

Kapansin-pansin din na kapag magkakasama raw sa iisang dressing room ang mga sikat na aktor sa show ay namumukod-tangi ang kilalang aktor na hindi nakikisali sa usapan at tawanan gayung niyaya naman daw siya.

Mas type pa raw ng kilalang aktor na manatili sa isang tabi at magkutingting ng kanyang cellphone at Ipad.

Heto na ang siste, ateng Maricris, ”may show ang grupo sa ibang bansa at kasama siya at ng malaman niyang makakasama niya ang isa ring aktor na hindi niya type, hayun, nag-inarte at maraming dahilan na hindi naman puwedeng hindi siya sumama dahil may kontrata sila.

“Pasaway itong si (kilalang aktor), hindi mo malaman kung ano ang gusto, ang arte-arte feeling sikat na sikat na talaga as in.”

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay nag-iisip kami kung bakit nga ba ganoon ang ugali ng kilalang aktor? Daig pa niya ang ka-loveteam niya sa kaartehan, pramis!

(Reggee Bonoan)

Baguhang actor, ‘di nakatikim ng pork barrel ni gay benefactor

BISTONG-BISTO ang  ginawa ng isang tsismosong bading tungkol sa isang poging male newcomer.

Alam niya kung saang condominium iyon nakatira. Alam din niya kung sino ang gay benefactor niyon kaya kahit na walang assignment ay okey lang at nakakapamuhay in luxury.

Ang maganda nga lang sinabi niya, walang kinalaman sa pork barrel ang nakukuha ng poging new comer mula sa kanyang gay benefactor.          (Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …