ISA kami sa nagulat sa balitang aalis na sa TV5 ang isa rin sa hinahangaan naming TV host na si Amy Perez.
Gustong-gusto ko siya nang maging host ng Face-to-Face bilang isang Kapitanang pumapagitna sa mga nagkaka-problemang mga tao sa kanilang barangay.
Ayon naman sa mga naglabasang balita mula sa side ng TV5, mutual naman daw ang desisyon nang magpaalam si Amy at pakakawalan nila ang artist na naging kapatid nila sa loob ng talong taon. Ayon sa kanilang statement, personal ang mga rasong ibinigay ni Amy sa kanila na they wished her well sa mga susunod pa niyang gagawin.
Kaya ang tanong nga eh, kung lilipat ba uli ng estasyon si Amy? At kung ganoon nga, eh saan? Umalis siya sa ABS-CBN noong 2010 na marami na rin siyang nasalangang mga programa. At medyo may naging ‘gulo’ noong 2013 nang si Gelli de Belen naman ang pansamantalang pumalit sa kanya sa F2F.
Nagpahinga siya noong 2012 dahil sa kanyang pagdadalantao.
Kaya kinulit ko na lang ng pagtatanong sa Facebook si Amy. At ang kanyang mga pahayag:
“Hello! Yes ‘di na kami nag-renew ni Tito Boy (Abunda). We both feel na it’s time to graduate na and view our other options. Thankful kami na may offer pero wala pang final kung saan. Thanks sa support God bless. Pero may ‘Good Morning Club’ pa ako till Oct 11.”
Ask ko pa rin kung bakit siya leave.
“Time to do something else naman.”
Iiwan ang showbiz for family life?
“’Yan pa, esep-esep ko may offer naman kaya thankful din me I’m so blessed talaga now sa family wala na ako ma ask pa kaya super thank you kay Lord after ng mahaba kong chapter, eto bumabawi naman.”
Sabi ko I’m happy for her dahil sa family life—sinagot na ni Lord ang matagal na niyang dasal at binata na nga ang kanyang si Adi. Meaning, dumating na ang takdang katuwang niya sa buhay.
“Oo mare patience itinuro ni Lord sa akin at thankful ako at nabigyan pa ako chance ulit. Ay oo 16 na at mem ng kundirana may pictorial tom kaya nag-buy kami outfit kanina stage mother na ako heeee!”
Aba! May bago ng katunggali sa pagiging stage-mother si Kris Aquino, ha!
“Heeee excited lang for Adi pero mag-work pa naman din sayang ang offer minsan lang ‘yung ganoon.”
So, kongkreto na ba kung saan siya at ang Papa Carlo (Castillo) niya lilipat? Magkasama ba silang aalis?
“Nxt week ‘pag naayos na sabihin ko sa ‘yo salamat mars. Yes promise ko ‘yan alam mo naman simple lang akong tao at totoo dyosko tayo pa 80s gen hahahaha hapoy din ako reading ur mga posts. Happy reading ur posts napapa-smile ako lagi.”
Mahaba-habang pag-esep-esep ito for Kumareng Amy!
Ai Ai, isa sanang stewardess kung ‘di nag-artista
HINDI maka-get-over si Ai Ai delas Alas sa nakasama niya sa Kung Fu Divas na siMarian Rivera at gandang-ganda kay Marian ang Box-Office Comedy Queen na ikinompara pa niya ang kaputian kay Virgin Mary at sa isa pang Mary na si Maricel Soriano.
Eh, kung aanalisahin nga ang mga Mary na ikinukompara kay Marian—na tinawag pang Marian Devotees ang kanyang mga tagahanga ng mga nagbuo nito, clearly, sinasakyan ng buong pagkatao ni Marian ang kabutihan at kalinisan ng puso. Kaya nga, hindi nakapagtataka na sa simula ng kanyang pag-alagwa, may mga tao nang nagpilit na ibagsak siya.
Pero, paano niya nilabanan ang mga ito? Sa matahimik na paraan. Sa hindi pagpatol. Sa paghihintay ng tamang pagkakataon na makilala siya mismo ng mga tao sa akmang paraan o sitwasyon.
Ang dream daw noon ni Ai Ai eh, ang maging isang stewardess in the 80s. Kaya, hindi naman daw sumagi sa isip niya na maging isang beauty queen. Eh, that time raw, lahat ng stewardess naman 5’7″ pataas ang height eh, siya eh 5’3″ lang.
“Tapos, may peklat pa ako sa hita. Hindi pa ako masyadong kagandahan.”
Samantala, si Marian naman pala, maliit pa lang kontesera na talaga. Sa pagiging muse! At never daw siyang natalo, ha. Isang beses lang!
“Pero ang dream ko talaga noon, maging cover lang ako ng isang magazine, okay na ako. That time din kasi, ang lagi kong mga kasama eh, ang mga pinsan kong mga lalaki kaya lumaki rin ako na boyish sa kilos at galaw.”
Ang mahal daw niyang Lola ang tumulong sa kanya na magdesisyon sa kursong kukunin niya.
“Psychology ang kinuha ko kasi sabi ko sa Lola ko, gusto kong pag-aralan ‘yung mga bagay-bagay tungkol sa mga tao. ‘Yung mayroon kang nalalaman sa kanila. Eh, kahit gusto ko mag-Nurse, hindi naman pwede kasi takot ako sa karayom at saka sa dugo. Kaya, totoo naman ‘yung nag-OJT ako sa ABS-CBN kasi may oras kami na kailangang kompletuhin so, naranasanan ko rin ang office work. Nakikita ko na noon sina Heart (Evangelista) at Kristine (Hermosa).”
Tunggalian ang isa sa aabangan sa mga eksena sa Kung Fu Divas ng dalawang reyna na eh, mga divas pa.
Think of House of Flying Daggers na paborito pala ni Ai Ai. At ang stunt director nila sa mga liparan nila eh, hindi basta-basta—si Larry Ang-at ang crew nito na mula pa sa Guangzhou, China.
Aliw sa tsikahan pa lang sa dalawang Reyna. Walang kaprete-pretensiyon. Ramdam mong totoong isang pagkakaibigan ang nabuo sa kanila. Hindi nagbuhatan ng bangko. Nagsabi lang ng obserbasyon nila sa isa’t isa. Tamang-tama lang!
Kaya, sugod na sa mga sinehan this week at magpa-aliw sa kakaibang komedyang hatid ng partnership nila mula sa Star Cinema Productions, produced by Reality Entertainment.
(Pilar Mateo)