Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing ni Vice, masusubok (‘Pag napaamin si Richard kung may anak na kay Sarah )

ANO kaya ang gagawin ni Vice Ganda para mapaamin niya si Richard Gutierrez sa tsikang umano’y may anak na siya sa girlfriend niyang si Sarah Lahbati.

Ngayong gabi ang taping ni Richard sa Gandang Gabi Vice na i-eere sa Linggo, Setyembre 29.

Isa ang aktor sa special guest ng GGV at dahil wala siyang kontrata sa alinmang TV network kaya madali siyang napa-oo, say mimso ng kampo ng aktor.

Nauna nang nag-guest si Richard sa pilot episode ng Showbiz Police noong Seyembre 14 na nag-trending ito dahil sa biro nitong mag-walk out nang tanungin siya ng kakambal niyang si Raymond kung may bagong miyembro na ang Gutierrez family.

Nakita naming tinweet ng kampo ni Richard na abangan ang guesting niya sa programa ni Vice kahapon habang tinitipa namin ito at base naman sa tsika sa amin ay pumayag daw ang ABS-CBN management dahil wala namang atraso ang aktor sa kanila.

Ayon sa kampo ng aktor, “nagpaalam sila (‘GGV’ staff) kung puwedeng mag-guest si Chard, eh, okay lang naman kasi wala naman siyang exclusive contract sa anumang network, so why not?”

Hmm, halos lahat ng prime artist ng GMA-7 ay nagi-guest na sa ABS-CBN shows (Dingdong Dantes at Marian Rivera), sino kaya susunod Ateng Maricris? (Mayroon pa ba silang prime artist Regs?! ‘Di ba sila lang namang tatlo?!—ED)

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …