Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV5, nirespeto ang pag-alis ni Amy (‘di na nag-renew ng kontrata)

 

Amy, ‘di na nag-renew ng kontrata sa TV5

NAGPAALAM na pala si Amy Perez sa TV5 kaya’t hindi na siya mapapanood sa programang Good Morning Club, say mismo ng manager niyang si Boy Abunda.

Ang TV host na raw mismo ang hindi nag-renew ng kontrata niya sa TV5 nang mag-expire ito dahil gusto raw niyang magpahinga.

Ayon kay Kuya Boy, ”nagpaalam na ng maayos si Amy sa TV5 at gustong magpahinga muna kaya as of now, wala siyang shows at hindi rin siya nagmamadaling magkaroon. Alam ko, nag-enrol siya ngayon sa culinary, ganoon muna ang gusto ni Amy.”

Wala ring binanggit ang TV host/manager kung anong next plan ni Amy pagkatapos ng culinary course niya dahil as of now ay hindi pa nila napag-uusapan ito.

Marami pa kaming gustong itanong kay Kuya Boy pero kasalukuyan siyang nasa Cebu nang makausap naming ito para sa isang commitment.

Reggee Bonoan

 

 

TV5, nirespeto ang pag-alis ni Amy

TINANGGAP ng TV5 ang hindi na pagre-renew ng kontrata ni Amy Perez sa kanilang network.

Ayon sa TV5, maayos ang kanilang naging usapan ni Amy ukol sa hindi na nito pagre-renew ng kontrata.

Iginagalang din daw ng Kapatid Network ang desisyong ito ng aktres/TV host dahil sa personal na rason. Narito ang kabuuang official statement na ipinadala ng TV5.

“TV5 Management and Ms. Amy Perez have mutually agreed to part ways. TV5 respects the decision of Ms. Perez to leave the Network due to personal reasons. She had been a valuable talent of TV5. We wish her well and the best of luck in all her endeavors.”

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …