MASAYA si Vince Tañada sa kinalabasan ng kanilang pelikulang Otso ni Direk Elwood Perez. Bukod sa marami ang nagandahan sa malalim na mensahe at istorya nito, naging number 2 din sa box office sa Sineng Pambansa ang naturang first movie ng pamosong stage actor-director.
Dahil dito ay may follow-up movie na agad ang lawyer actor. “May kasunod po ito, pero aarte lang po ako. Ito ‘yung kay Ronnie Liang po na pelikula, magkokontrabida po ako dun.
“Indie po yun, si Direk Edwood po ang magdidirek. Next week na po yung shooting namin. Parang ano po ito e, sex drama po ito. May homosexual undertones po itong pelikulang ito,” saaad niya.
Parang My Husband’s Lover ba ito? “Hindi po, actually obsession po e, obsession ni Ronnie Liang sa isang hindi ko po alam kung ako na po yun, pero kasama po namin dito si Carlos Celdran, ‘yung tour guide na sumikat dahil sa Damaso issue,” esplika pa ni Vince.
Iyong art film, hindi raw masakyan ng masa, ano ang comment mo rito?
“Kailan pa tayo magsisimula? Kailangan po siguro ibahin na natin… Kasi, masyado na tayong nasasanay sa mga teleserye. The formula ay paulit ulit na lang po, kasi ay wala tayong hinahain na iba. Siguro, we just attempt to present something new at kapag nasanay na po iyong mga tao, they will appreciate it naman. Kasi ang nangyayari, wala silang choice, iyon at iyon na lang din e, kaya kailangan po nating magbigay ng bago sa mga manonood.”
Nasabi rin niya na ang kagandang ng indie films ay nagbibigay ito ng alternatibo sa mga audience. “Opo, marami na nga pong nakaka-appreciate ng indie e, most especially young people. Kanina po may mga audience kami from La Salle, they were telling me, sorry for my term, ‘Mind fuck! Mind fuck, direk…! Sabi nila sa akin at nang tinanong ko sila kung happy sila sa product, sabi nila sa akin, ‘Yes sir, kasi it gives us the opportunity to think.’
“Kasi, napakarami po kasi na mga material ngayon na given na lahat. ‘Di ba part naman ng entertainment ‘yung meron ka ring kino-contribute dahil after watching the movie, when you go home, mayroon ka pa ring pag-iisipan,” saad pa ng founder-CEO ng Philippine Stagers Foundation.
Ano ang masasabi niya sa ilang negative na komento ukol sa kanilang pelikula?
“Marami pong nagsasabi considering that I am a stage actor, stagey daw ‘yung acting ko, ‘di raw pampelikula. Gusto ko nga rin pong sabihin na absurd yung movie. It’s an absurd movie kaya hindi po natin pwede i-judge what is stagey and what is not. Para din po itong buong movie na tungkol dun sa kasinungalingan, so, hindi po natin puwedeng sabihin kung ano yung tama at kung ano yung mali, kasi nga kasinungalingan yung kabuuan.
“Hindi nyo rin po naman maisip na baka naman si Direk, directed it that way. Kasi I guess the entire film ay inaarte rin ni Direk. Hindi po ba? Baka po inarte ni Direk yung kabuuan ng movie, na instrument lang kami pero siya ‘yung umaarte for us.
“So, iyon yung acting side. Pangalawa po yung sa story. I’m so glad that we have to present something new. Hindi naman po tayo madalas makakita ng ganito. I truly believe that this is similar to world cinema, hindi po siya pang sa atin lang and I’m so glad that people are appreciating it.”
Sunshine, gustong gawing legal ang pakikipaghiwalay kay Cesar
PLANO raw ni Sunshine Cruz na gawing legal ang hiwalayan nila ng actor na si Cesar Montano.
Dahil dito, tila malabo na nga talagang magka-ayos sina Sunshine at Cesar.
Ayon pa sa aktres, open daw siya sa kanyang mga anak ukol sa plano niyang ito na tuluyan na silang maghiwalay ng kanilang ama.
Ito malamang ang rason kaya mas aktibo ngayon si Sunshine sa showbiz. Kailangan niya kasing magkaroon ng mga project upang maipantustos sa kanyang mga anak.
Nonie V. Nicasio