INDAY BADIDAY started it all. Si Lourdes Jimenez Carvajal also known as Ate Luds ang tunay na nagpasimula ng isang TV program na ang maiinit na paksa ay tungkol sa mga artista. Showbiz-oriented talk show. Halos isang reality show ito na may mga exciting scenario. Intriga at eskandalong aabangan mo talaga. Naganap ‘yan noong late 1970s. Hindi na mabilang ang mga naging talk shows ni Inday Badiday, kabilang na ang “Would You Believe?” “Nothing But The Truth,” “See True” at “Eye To Eye.” Yumao na ang Queen of Intrique. At lahat ng networks ay may kanya kanyang showbiz talk show.
Ang latest? Ang “Showbiz Police” ng TV5 na ipinalalabas every Saturday at 6:00 pm. I’m honored and excited dahil ang 2nd presentation nila this coming Saturday, Sept. 21 ay magtatampok sa kolumnistang ito. It will be taped as live this Friday sa isang studio ng TV5 located sa Reliance Street in Mandaluyong City. But last week ay one hour and a half akong na-interview ng field reporter na si Coco Sangga at kinalkal ang buong istorya ng aking buhay. Simula noong bata hanggang sa kasaluku- yang pinagdaraanan kong colon cancer. With matching photos ‘yun. But I really have no idea kung paano lalabas ang maintrigang kuwentohan namin.
Hinahangaan ko ang major hosts ng “Showbiz Police,” sina Lucy Torres, Raymond Gutierrez, Joey Reyes at Cristy Fermin. Kaya naman excited talaga ako to meet the four of them this coming taping namin. I’m not close to anyone of them except Cristy na malalim din ang aming pinagsamahan. Modesty aside, sanay din tayo sa talk show. Naging malaking bahagi ng buhay ko ang pagiging showbiz talk show host. I talked clearly, with substance, frank and honest. During the ‘80s ay nagkaroon ako ng ilang shows sa telebisyon gaya ng “Is It True?” (ABS-CBN), “Kumpletos Recados” (RPN-9), “Showbiz Na Showbiz” (TV 13) atbp. Napansin ako bilang panelist ng “Scoop” noong 1986 winning the title of the Best Panelist of the Year.
In the recent years ay nagkaroon din naman ako ng ibang talk shows sa ibang es-tasyon. Gaya ng “Look Who’s Talking With Chito Alcid” ng RJTV ng mga Jacinto na ang studio ay nasa Makati Avenue, “Chito Alcid Talk Show” ng ZOE-TV ni Bro. Eddie Villanueva na ang studio naman ay nasa Ortigas Center at ang segment kong “Back To Back With Chito Alcid” ng TV5 sa programa ni Jojo Alejar. Bida o suporta ay laging kong pinaghahandaan ang aking trabaho bilang TV host. Aside from movie wri-ting, ito ang sumunod na gawaing malapit sa puso ko. I love to talk and talk. Subalit ngayon ay meron nang pagbabago sa aking pakikipag-communication sa televiewers.
I asked the Lord to give me humility, to praise and not criticize, admit mistakes, welcome advice, to build and not to des-troy and to think of people at their best than their worst. Ayoko nang maging mapanira at mapagsuspetsa sa kapwa. Iiwasan ko ang lumikha ng isyung ikasasakit ng damdamin ng sinomang artista, mga kaibi-gan at mga tao. Na-realized ko na naging abusado rin ang gaya kong TV host sa aking pamamaraan na animo’y napakatalino at laging tumpak ang mga paha-yag. I have passed already those katarayan stages. Pero andito pa rin ako sa showbiz sharing my experiences.
Chito Alcid