Saturday , April 19 2025

Gobyerno hinimok ni Cayetano na ibigay sa Marikina shoemakers supply ng combat shoes sa AFP

HINIMOK ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na kuning supplier ng combat shoes  at  iba pang uri ng sapatos o tsinelas na ginagamit ng ating mga sundalo at iba pang men’s uniform sa bansa ang mga shoe factory o  shoe maker  na nakabase sa Marikina upang matiyak ang pagtangkilik sa sariling atin at higit na masuportahan ang industriya ng sapatos sa bansa.

Ayon kay Cayetano sa kanyang pagdalo sa Marikina Shoe Festival na ginanap sa Eastwood Plaza, Quezon City, maghahain siya ng panukalang batas na higit na makatutulong para lalo pang tumibay at maging matagumpay ang lokal na industriya ng sapatos sa pamamagitan ng pagpapautang ng dagdag na capital sa mga namumuhunan na maliit na interes lamang ang ipapatong.

Kamakailan ay napaulat sa isang telebisyon na habang nakikipagbakbakan sa Zamboanga ang mga sundalo laban sa grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay nagtitiyaga sa butas-butas o sirang combat shoes.

“While our soldiers fight tooth and nail to protect the liberties we enjoy today, we are practically shooting ourselves in the foot when we fail to provide them with even the bare necessities such as reliable combat boots,”  ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na ito ang tamang panahon upang ating tangkilikin ang sariling atin na bukod sa mataas ang kalidad ng mga produkto ay abot-kaya pa ang presyo.

Iginiit ni Cayetano na dahil dito ay hindi lamang napagkalooban nang maayos at sapat na kagamitan ang ating mga sundalo sa gitna ng kanilang pakikipagbakbakan kundi natutulungan din natin ang insdustriya ng ating sapatos sa bansa.

Kung magkaganito, sinabi ni Cayetano, ipinakikita lamang ng pamahalan sa bawat mamamayan ang kanyang paghimok na tangkilikin ang sariling atin o gawang Pinoy.

“A strong and vibrant local industry will lead to lower and more competitive prices of local goods, more jobs, and higher income for Filipino workers,” giit ni Cayetano na nakahandang ipasok ang programa sa ilalim ng Presyo, Trabaho, Kita (PTK) para iahon ang pamumuhay ng bawat mamamayang Filipono.

Tinukoy ni Cayetano na lubhang nakaaalarma ang mga datos dahil noong 1994 mayroong 104,8000 trabaho ang available at 513 pagawaan ang tumatakbo ngunit noong 2003 ito ay bumaba na lamang sa 42,3000 trabaho at 1888 manufactures at nitong 2011 ay naging 6,000 na lang at 31 manufactures na lamang.

Binigyang-diin ni Cayetano hindi lamang dapat na iasa sa pamahalang lokal ng Marikina ang pagsuporta sa industriya kundi talagang tulungan ng ating national government.

Nais din solusyonan ni Cayetano ang umiiral na five-six na higit na nagbabaon sa mga mangagawa at manufacturers kung kaya’t nais din niyang gamitin ang sistemang kanyang ipinairal sa mga tindera sa Pritil Market sa Tondo na pagpapahiram ng puhunan sa maliit na interes para tiyak na napangangalagaan ang kabuhayan.

(Niño Aclan)

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *