Saturday , December 21 2024

Tag Archives: Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

Nora Aunor Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party lists na binutata ng Comelec. Kumalat ang listahan ng mga nabutatang party lists noong Sabado ng hapon. Wala namang naging paliwanag ang Comelec kung bakit nabutata ang mga party lists na iyon, pero may kapangyarihan ang poll body na bawasan ang mga nag-file na party lists para tumugon lamang sa tamang …

Read More »

Willie nalungkot sa pag-atras ni Go

Bong Go Willie Revillame

FACT SHEETni Reggee Bonoan INANUNSIYO na ni Sen. Bong Go na iniaatras na niya ang kandidatura sa pagka-Presidente ng Pilipinas. Pero magiging opisyal lang ang anunsIyong ito ni Go kapag personal siyang pumunta sa Comelec Office para i-withdraw ang pagtakbo niya. Ito rin ang pahayag ni Commission on Elections Director James Jimenez na wala pang nakararating sa kanilang balita na umaatras na si Go dahil hindi pa naman nila natatanggap ang …

Read More »

Duterte, Roque 2022 substitute senatorial bets

Rodrigo Duterte, Harry Roque

HINDI tinotoo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag na magreretiro sa politika pagbaba sa Malacañang sa 2022. Isinumite kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ni Atty. Melchor Jaemond Aranas  ang certificate of candidacy (COC) ni Pangulong Duterte bilang senatorial bet ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan party (PDDS). Pinalitan ni Duterte si Mona Liza Visorde na iniatras ang kanyang senatorial …

Read More »

Ambisyong politikal hahamakin ang lahat maging ang pamilya

Rodrigo Duterte, Sara Duterte

BULABUGINni Jerry Yap KUNG tutuusin wala namang iba sa pag-aaway o paghihiwalay ng magkakapamilya pagdating sa politika. Nagiging mainit lang itong usapin ngayon dahil nga mag-eeleksiyon, bukod pa sa pagkakasangkot ng unpredictable na mag-amang Duterte — Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte. Kahapon, nalantad sa publiko na mukhang hindi alam ni Pangulong Duterte na naghain ng kandidatura para bise presidente …

Read More »

Agawan sa Palasyo
‘HOUSE OF DUTERTE’ GUMUHO NA

111521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MISTULANG kastilyong buhangin na gumuho ang pamilya Duterte na nalantad dahil sa mga hakbang at pangyayari kaugnay ng eleksiyon sa Mayo 2022. Malalaman sa mga susunod na araw kung “blood is thicker than water” kapag tinotoo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta na anomang oras ay may ‘pasabog’ siya kaugnay sa disgusto niya sa pagtakbo ng kanyang anak …

Read More »

EXCLUSIVE/REMAT:
DQ ni BBM pinaghahandaan
SARA DUTERTE FOR PRESIDENT, ‘KASADO’ SA BALESIN TALKS

111121 HATAW Frontpage EXCLUSIVE REMAT

ni ROSE NOVENARIO IKINAKAMADA sa Balesin Island Resort ng mga Ongpin sa Polillo, Quezon ang pinal na plano ng opisyal na pagsabak ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 presidential race. Ayon sa source, ilalahad anomang oras ng kampo ng alkalde ang resulta ng negosasyon niya sa grupo ng partido Lakas-NUCD na pinangungunahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at …

Read More »

Sara’s political move, Déjà vu

Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Elections 2022

BULABUGINni Jerry Yap REPLAY ba itoo remake?         ‘Yan agad ang pumasok sa isip ng inyong lingkod nang pumutok ang pag-atras ni Davao City Mayor Sara Duterte  sa kanyang re-election bid sa kanilang lungsod.         Nabasa o napanood na ito ng sambayanang Pinoy. Sa katunayan, 16 milyong Filipino na naghangad  ng tunay na pagbabago ang naging biktima ng ganitong iskema. …

Read More »

Petisyon sa kanselasyon ng COC ni BBM bakit ngayon lang?

Bongbong Marcos, BBM, Comelec

BULABUGINni Jerry Yap MASYADO talagang mainit ang pagtakbo ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM). Sa simula pa lamang ng paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ay inulan na siya ng batikos  — anak ng diktador, masarap ang buhay sa nakaw ng tatay, pekeng diploma o certificate at iba pa. Dahil sa mga akusasayon na ‘yan, umuusok ang social media. …

Read More »

Kredibilidad ng 2022 elections nakasalalay
P536-M COMELEC CONTRACT SA ‘CRONY’ SELYADO NA

110421 Hataw Frontpage

NAGTAINGANG-KAWALI ang Commission on Elections (Comelec) sa matinding kristisismo ng publiko sa pagsungkit ng P536-M contract ng Duterte crony firm para sa distribusyon ng election materials at supplies para sa 2022 polls. Inihayag ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, walang nakikitang balidong dahilan ang poll body para kanselahin ang kontrata ng F2 Logistics Philippines Inc., kahit konektado kay Davao City-based …

Read More »

Pichay ipinadidiskalipika sa Comelec bilang Surigao cong’l bet

Prospero Pichay, Jr

IPINAKAKANSELA sa Commission on Elections (Comelec) ang muling pagtakbo ni Surigao Del Sur 1st District Rep. Prospero Pichay, Jr., dahil sa kawalan umano ng kalipikasyon para humawak ng posisyon sa public office. Sa petisyon ni Construction Worker’s Solidarity (CWS) partylist Representative Romeo Momo, iginiit na dapat kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Pichay. Aniya, wala nang karapatan si Pichay …

Read More »

Substitution rule ng kandidato isinusulong sa Senado

politician candidate

INIHAIN ni  Senador Win Gatchalian ang panukalang batas  na nagbabawal sa pagpapalit ng kandidatong nagdesisyong umatras sa pagtakbo sa halalan. Sa pangunguna ni Gatchalian, tumatayong kapwa may-akda sina Senate Majority Leader Migz Zubiri, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, at Sen. Joel Villanueva. Pinapayagan ng Omnibus Election Code, sa ilalim ng Section 77 nito, ang pagpapalit ng opisyal na kandidato …

Read More »

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

102221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa isinasawagang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong drug war ng kanyang administrasyon. Ayon kay Duterte, sinabi niya kay Bato na huwag mag-alala dahil sagot niya ang lahat ng nangyari kaugnay sa drug war at nakahanda siyang makulong kapag …

Read More »

Sa Kamara
Pagbabawal sa substitution ng kandidato isinulong

politician candidate

INIHAIN ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang dalawang panukalang naglalayong ipagbawal ang pagpapalit ng mga kandidato pagkatapos maisumite ang certificates of candidacy (COC). Kasama rin sa inihain ni Rodriguez ang panukalang ideklara ang isang nakaupong opisyal bilang nagbitiw sa tungkulin matapos magsumite ng COC para sa isang posisyon. “These twin measures aim to put …

Read More »

Kabayan umatras na sa pagka-Senador, balik-TV Patrol kaya?

Noli De Castro

FACT SHEETni Reggee Bonoan BABALIK ba si Kabayang Noli De Castro bilang lead anchor ng news program ng ABS-CBN na TV Patrol? Ito ang naisip namin nang mabasa ang kanyang official statement na ipinost ng anak niyang si Kat de Castro, PTV General Manager sa kanyang Facebook page. Wala pang isang linggo nang magpaalam si Kabayan sa TV Patrol noong Huwebes, Oktubre 7 at kinabukasan naman ay nag-submit siya ng kanyang …

Read More »

Sen. Bato ‘istorbong’ kandidato (Sa hayag na pagpaparaya kay Sara)

101221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring maideklarang nuisance candidate o istorbong kandidato si PDP Laban Cusi faction presidential bet Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pag-amin niyang handa siyang umatras para bigyan daan ang presidential  bid ni Davao City Mayor Sara Duterte.  “Puwede akong magparaya kay Mayor Sara. Alam ko may senaryo na ganoon …

Read More »

Ate Guy nag-file ng COC bilang Partylist Representative

ni Ed de Leon NAGSUMITE ng Certificate od Candidacy (COC) bilang partylist representative si Nora Aunor sa huling araw ng filing sa COMELEC center sa Pasay City.  Kung mahahalal at makakakuha kahit na sampung porsiyento ng kabuuang bilang ng mga botante, kakatawanin niya ang National Organization for the Responsive Advocacies for the Arts, o NORA A. Unang sumabak sa politika si Nora sa kanilang probinsiya sa …

Read More »

Robredo sumabak sa 2022 pres’l race

100821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SUMABAK na si Vice President Leni Robredo kahapon sa 2022 presidential race bilang independent candidate kahit nanatili siyang chairperson ng Liberal Party. Napaulat na si LP stalwart Sen. Francis Pangilinan ang kanyang magiging running mate. Bago ihain ni Robredo ang kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon sa Comelec ay nakipagkita muna siya sa mga kaalyadong sina Sen. …

Read More »

Suhulan, sindikato sa gov’t
UNANG TARGET NI REPORMA BET PING LACSON

Tito Sotto, Ping Lacson

SERBISYONG kahit minsan ay hindi tumanggap ng suhol.                 Ito ang naging pambungad na pananalita ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa kanyang talumpati sa loob ng Sofitel Tent Area matapos ang pormal na paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (COMELEC) bilang presidente sa 2022 sa ilalim ng nabanggit na partido.                 Ang naturang pangungusap ay nakapaloob sa …

Read More »

NTC inutil
SABOTAHE SA EMERGENCY TEXT BLAST ‘DI MAAWAT

100721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO WALANG kakayahan ang National Telecommunications Commission (NTC) para awatin ang mga nananabotahe sa emergency text blast para sa iba’t ibang agenda lalo kung ito’y politikal. Inamin ni NTC Undersecretary Edgardo Cabarios na bagama’t iniimbestigahan, mahihirapan ang ahensiya para alamin kung sino ang nasa likod ng kumalat na ‘illegal’ emergency text blast kahapon bilang patalastas sa 2022 presidential …

Read More »

Partylists pinakyaw ng political dynasties, celebrities, businessmen, atbp

party-list congress kamara

BULABUGINni Jerry Yap MARAMING lumalabas na ‘memes’ ngayon sa social media kaugnay ng eleksiyon para sa Mayo 2022.         May mga nagsasabing, ang mga kandidatong  bantad sa asuntong korupsiyon gaya ng plunder o pandarambong sa pondong mula sa buwis ng mga mamamayan ay parang mutant mula sa virus na CoVid-19 — ang bilis ng mutation — kaya mabilis din lumikha …

Read More »

Bianca Umali 13 oras pumila makapagparehistro lang

Bianca Umali

I-FLEXni Jun Nardo NAGDUSA at nagtiis ng 13 oras si Bianca Umali para pumila kasama ang pinsan sa isang shopping mall kamakailan para makapag-parehistro sa darating na eleksiyon. Alas tres ng madaling-araw ay nakapila na raw siya hanggang 4:00 p.m. ayon sa post ni Bianca sa kanyang Instagram. “Sa wakas isa na po akong REHISTRADONG BOTANTE, ang sarap sa puso,” bahagi ng caption ni …

Read More »

Comelec maglalatag ng alternatibong pagboto para sa CoVid-19 patients

Comelec, James Jimenez

MANILA — Sa posibilidad na maging super spreader event ang botohan sa iba’t ibang presinto sa halalan sa susunod na taon, hinihiling ng Department of Health (DoH) sa Commission on Elections (Comelec) na maghanap ng mga alternatibong paraan kung paano makaboboto nang ligtas ang mga pasyenteng may CoVid-19 na hindi makapanghahawa sa iba. Kasunod ng pahayag ng Comelec na maglalagay …

Read More »

Cayetano bet ng mga pastor na tumakbong presidente

Alan Peter Cayetano

BULABUGINni Jerry Yap HABANG papalapit ang filing ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa nasyonal at lokal na posisyon para sa halalan 2022, hindi na rin tumigil ang bangayan at patutsadahan ng mga kakandidato lalo sa panguluhan.         Tanging sa Filipinas na tuwing eleksiyon imbes mabubuting gawa ang itampok ng bawat politiko, mas inaasinta nilang halukayin ang baho …

Read More »

PacMan sasabak na pangulo 2022 (Sa nominasyon ng PDP Laban)

Manny Pacquiao President

TINANGGAP ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao ang nominasyon ng Partido Demokratikong Pilipino Laban (PDP-Laban) sa ilalim ng kanilang paksyon na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 Presidential election. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang paksyon ang partido at isa rito ang Cusi wing na nag-endoso ng kandidatura ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang presidente, at si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente. Hinihintay …

Read More »

Mga Bulakenyo, may 11 araw pa para magparehistro

Comelec Bulacan

MAY nalalabi pang 11 araw upang magparehistro ang mga Bulakenyo bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa 30 Setyembre. Nanawagan si Gob. Daniel Fernando sa lahat ng mga Bulakenyong hindi pa rehistrado na kunin ang pagkakataong gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno sa lalawigan ng Bulacan at sa bansa. “Sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, magparehistro na …

Read More »