Wednesday , November 30 2022
Bianca Umali

Bianca Umali 13 oras pumila makapagparehistro lang

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGDUSA at nagtiis ng 13 oras si Bianca Umali para pumila kasama ang pinsan sa isang shopping mall kamakailan para makapag-parehistro sa darating na eleksiyon.

Alas tres ng madaling-araw ay nakapila na raw siya hanggang 4:00 p.m. ayon sa post ni Bianca sa kanyang Instagram.

“Sa wakas isa na po akong REHISTRADONG BOTANTE, ang sarap sa puso,” bahagi ng caption ni Bianca sa IG.

Hinikayat din ng isa sa Legal Wives star na mag­pa­rehistro at bumoto.

“Ito ay ating karapatan at kaila­ngang gam­panan. Tung­kulin at pa­nanagutan natin ito bilang mga Filipino,” saad pa ni Bianca.

Ipinagmalaki ni Bianca ang hinlalaki niyang may thumbmark.

Siyempre pa, super-like naman sa post ng Kapuso actress ang rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid sa ginawa niya, huh!

About Jun Nardo

Check Also

Hannah Nixon

Newbie Hannah Nixon, singing at acting pinagsasabay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng maganda at talented …

My Father Myself

Sean de Guzman may pakiusap: “PELIKULANG MY FATHER, MYSELF HUWAG SANANG I-JUDGE HANGGA’T HINDI NILA NAPAPANOOD

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY pakiusap si Sean de Guzman, bilang reaction sa ilang …

Alden Richards Atom Araullo

Alden, Atom binigyang pagkilala sa Man at His Best ng Esquire 

RATED Rni Rommel Gonzales SPEAKING of hindi nakadalo, sayang at parehong hindi nakadalo sina Alden Richards at Atom …

lotlot de leon

Lotlot sobra-sobra ang pasasalamat sa pagwawagi sa The EDDYS

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL sa pagmamahal sa kanyang trabaho, masakit man sa loob niya …

Sean de Guzman Jake Cuenca

Sean De Guzman saludo kay Jake Cuenca 

MATABILni John Fontanilla HINDI itinanggi ni Sean de Guzman na looking forward siya sa Parade of Stars …