IBINUHOS ng Alaska Milk Aces ang kanilang galit sa defending champions San Mig Super Coffee Mixers matapos higupin ang 93-84 panalo ng una sa nagaganap na PLDT Home TelPad PBA Governors Cup eliminations sa Cuneta Astrodome sa Pasay City Biyernes ng gabi. Bago ang laban ng Aces sa Mixers, lumasap muna ito ng malaking kahihiyan dahil natalo sila sa Rain …
Read More »NLEX pinayagan ng extension
PUMAYAG na ang Philippine Basketball Association na bigyan ng dagdag na palugit ang North Luzon Expressway (NLEX) para bayaran ang P100 milyon na franchise fee upang tuluyang makapasok sa liga bilang expansion team sa susunod na season. Ito’y kinompirma ni Komisyuner Chito Salud pagkatapos na tinanggap niya ang sulat mula sa team manager ng Road Warriors na si Ronald Dulatre …
Read More »PINANGUNAHAN nina movie/tv actors at sports enthusiasts (R-L) Piolo…
PINANGUNAHAN nina movie/tv actors at sports enthusiasts (R-L) Piolo Pascual, Gerald Anderson, Gretchen Ho, Marco Benitez at Coach Eski Repoll ang inilunsad na sports program na “Team U” sa The Lounge sa Tomas Morato, Quezon City. Mapapanood ang premier epoisode sa June 15, 11:30 am sa ABS-CBN Sports + Action at June 16, 1:30 pm sa Balls channel. (HENRY T. …
Read More »Nagpakuha ng larawan ang mga maglalaban sa Main event…
Nagpakuha ng larawan ang mga maglalaban sa Main event ng United Cup2 Champions Carnival nagaganap sa Makati Square Arena, Makati City. Mula sa kaliwa ng larawan Wars Parrenas ng United Boxing Gym, Junior Bajawa ng Jakarta, Indonesia, Namphol Sithsaithong ng Bangkok, Thailand, Richard Claveras ng United Boxing Gym, Momoko Kanda ng United Boxng Gym at Nongnum Mor Krong Thep-Thongburi ng …
Read More »Programa sa Karera: San Lazaro leisure park
RACE 1 1,300 METERS WTA XD – TRI – QRT – DD+1 MJCI SPECIAL RACE 1 LUCKY LOHRKE j v ponce 54 2 CANDY CRUSH f m raquel 54 3 BABY DUGO j b bacaycay 54 4 BLACK CAT k b abobo 53 5 GOOD FORTUNE e l blancaflor 54 6 DRAGON LADY m a alvarez 54 RACE …
Read More »San Mig vs Alaska
IKAAPAT na sunod na panalo at patuloy na pangunguna ang hangad ng Talk N Text at defending champion San Mig Coffee sa magkahiwalay na laro sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamaya sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Makakaharap ng Tropang Texters ang Globalport sa ganap na 5:45 pm at susundan ito ng laro sa pagitan ng Mixers at …
Read More »PBA maririnig na rin sa FM radio
SIMULA sa Hunyo 9 ay maririnig na sa FM radio ang PBA Governors Cup sa pamamagitan ng Radyo Singko 92.3 News FM na kapatid na himpilan ng radyo ng TV5 na brodkaster ng mga laro. Ito’y kinompirma kahapon ng pinuno ng Sports5 na si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes. “This is great news for PBA die-hard fans. They can listen …
Read More »Prangkisa ng Alaska bibilhin ng NLEX?
NAPAKATAGAL nang hindi nagkakaroon ng 50-point blowout sa Philippine Basketball Association at parang hindi na magkakaroon nito sa kasalukuyang panahon kung kailan halos pantay-pantay na ang lakas ng mga koponan. At kung sakali mang magkaroon ng tambakang matindi sa kasalukuyan, walang mag-aakalang ang Alaska Milk ang siyang matatambakan. Aba’y pinaglaruan nang husto ng Rain Or Shine ang Alaska Milk noong …
Read More »Parker posibleng maglaro sa game 1
MAY iniindang injury sa kaliwang paa si San Antonio Spurs point guard Tony Parker kaya naman napabalitang hindi ito makakapaglaro kontra two-time defending champions Miami Heat sa Game 1 Finals ng 2013-14 National Basketball Association, (NBA) na gaganapin sa Sabado, (Biyernes ng umaga sa Pilipinas). Subalit ayon sa star player ng Spurs na si Parker ay plano nitong maglaro sa …
Read More »Spurs-Heat finals rematch sa ABS-CBN
Sa taong ito, mauulit ang isa sa naging pinakaaabangang salpukan ng dalawang teams sa NBA, ang San Antonio Spurs at ang Miami Heat. Ang Spurs at ang Heat ay nagkita na noong finals ng nakaraang taon, kung saan nanalo ang Heat pagkatapos ng 7-game series. Ngayong 2014, nakahanda na ang lahat para sa pangalawang taong pagkikita ng mga ito sa …
Read More »Harris balik-TNT
NAGDAGDAG ang San Mig Super Coffee ng dalawa pang mga bagong manlalaro sa pamamagitan ng trade para palakasin ang tsansa nitong makuha ang Grand Slam ngayong PBA Governors Cup. Nakuha ng Coffee Mixers ang serbisyo nina Ronnie Matias at Yousef Taha mula sa Globalport kapalit nina Val Acuna at Yancy de Ocampo. Inilipat naman ng Batang Pier sina Nico Salva …
Read More »Alapag deadly sa tres
ISANG dahilan kung bakit rumaratsada ngayon ang Talk n Text sa PBA Governors’ Cup ay ang mga mainit na kamay ni Jimmy Alapag mula sa labas ng arko. Sa huling tatlong panalo ng Tropang Texters ay halos 70 porsiyento ang naipasok na tira mula sa three-point line si Alapag kaya tabla sila sa San Mig Coffee na may parehong 4-1 …
Read More »Hook Shot horse to watch
Bahagyang patapos na ang usapin tungkol kina Hagdang Bato at Pugad Lawin, dahil ang panibagong topic nila ay kung sino ang magandang maidagdag o makalaban ng isa sa kanila sa sunod na maisali sila. Kaya naman inaabangan na ng mga BKs ang lalargahan sa darating na Linggo na 2014 PHILRACOM “3rd Leg, Imported/Local Challenge Race” sa pista ng Metro Turf. …
Read More »Air 21 vs Meralco
PATULOY na pag-angat buhat sa ibaba ang pakay ng Meralco sa duwelo nila ng Air 21 sa PLDT Home TVolution PBA Governors Cup mamayang 5:45 pm sa Philsports Arena sa Pasig City. Magkikita naman sa ganap na 8 pm ang maghihiwalay ng landas na Alaska Milk at Rain Or Shine na kapwa may 2-3 records. Napatid ang four-game losing skid …
Read More »Simon nagbida sa ratsada ng San Mig
ISANG dahilan kung bakit nangunguna ngayon ang San Mig Super Coffee sa ginaganap na PBA Governors’ Cup ay ang mahusay na laro ni Peter June Simon. Napili ng PBA Press Corps si Simon bilang Player of the Week para sa linggong Mayo 26 hanggang Hunyo 2 dahil sa kanyang kontribusyon sa tatlong sunod na panalo ng Mixers at makuha ang …
Read More »Cone naisahan si Cariaso
PINATUNAYAN noong Linggo ni Tim Cone na marami pang dapat kaining bigas si Jeffrey Cariaso upang maging magaling na head coach sa PBA. Naging mahigpitan ang laro ng San Mig Super Coffee at Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Governors Cup sa harap ng 17,118 na katao sa Smart Araneta Coliseum nang biglang nakalayo ang tropa ni Cone kontra sa …
Read More »Pangilinan hari sa Asian Youth Chess
PINITAS ni whiz kid Stephen Rome Pangilinan ang titulo sa 2014 Asian Youth Selection Boys Division – Under 12 matapos kaldagin si Lee Roi Palma sa sixth at final round na ginanap sa Philippine Sports Commission canteen sa Rizal Memorial sa Vito Cruz kamakalawa. Tumipa ng 5.5 points si top seed Pangilinan (elo 2093) upang makuha ang kampeonato sa event …
Read More »Reid pang-semis lang?
SA ikatlong conference ay import ng Rain Or Shine si Arizona Reid at kahit paano ay mataas ang expectations ng Elasto Painters sa kanya. Actually, ang kanilang expectation ay hindi bababa sa semifinals. Bakit? Kasi, sa unang dalawang pagkakataon na naglaro sa kanila si Reid ay umabot sila sa semis. Hindi nga lang sila nakalusot at nakadirecho sa championship round. …
Read More »Pugad Lawin dinagit muli si Hagdang Bato
Nakasilat muli ang kabayong si Pugad Lawin ni Jesse Guce laban sa outstanding favorite na si Hagdang Bato ni Unoh Hernandez sa isinagawang “PCSO SILVER CUP” nung isang hapon sa pista ng Sta. Ana Park sa Naic, Cavite. Ayon sa mga klasmeyts na aking nakausap ay mas maganda ang itinakbo at pangangatawan sa ngayon ni Pugad Lawin kumpara kay Hagdang …
Read More »Donaire nasungkit ang ika-5 world titles
NAAGAW ni Nonito Donaire ang koronang tangan ni WBA featherweight champion Simpiwe Vetyeka ng South Africa via unanimous technical decision noong Sabado sa CotaiArena sa Macau. Naging madugo ang nasabing sagupaan nang maputukan sa left eyebrow si Donaire na hindi nilinaw ng reperi kung galing iyon sa accidental headbutt o lehitimong suntok. Pagtunog ng bell sa 4th round ay parang …
Read More »Pacquiao-Marquez 5 ‘di pa done deal
SINABI ni Bob Arum nung isang araw na naka-program na sa November sa Macau ang posibleng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, pero hindi pa ito matatawag na done-deal. Pag-uusapan pa ang nasabing laban sa pagtatapos ng June ayon kay Arum. Sinabi ni Arum sa press conference ng Featherweight Fury sa Venetian’s CotaiArena na si Marquez ang nasa …
Read More »Nanalo na si Donaire
DESMAYADO ang mga karerista sa pagsasahimpapawid ng mga karera sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Nakansela kasi ang karera pagkatapos ng Race 7. Ang dahilan daw ay ”technical”. Anak ng tipaklong. Hindi mo maikakatwiran ang ganoon sa mga karerista lalo na dun sa mga adik talaga sa pananaya. Ang tagal na nga namang nakabalik ang karera sa Santa Ana …
Read More »San Mig malaking hamon sa amin — Cariaso
HABANG tumatagal ang PBA Governors Cup ay lalong sasabak ang Barangay Ginebra San Miguel sa mas matinding hamon. Kahit tatlong sunod na nanalo ang Gin Kings ngayong torneo ay iginiit ni head coach Jeffrey Cariaso na magiging malaking pagsubok ang pagharap nila sa San Mig Super Coffee sa Linggo. Ito ang unang paghaharap ng Kings at Coffee Mixers mula noong …
Read More »Pinoy citizenship ni Blatche oks na sa Senado
LUMUSOT sa Senado noong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas ni Senador Sonny Angara na magbibigay ng Philippine citizenship kay American NBA player at Brooklyn Nets center Andray Blatche para mapasama sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2014 FIBA World Championship ngayong Agosto. “Isa si Blatche sa malalakas na center sa NBA ngayon. Kaya niyang tanggihan ang …
Read More »PBA D League Finals magsisimula bukas
GAGAWIN bukas sa Smart Araneta Coliseum ang best-of-three finals ng PBA D League Foundation Cup na paglalabanan ng North Luzon Expressway at Blackwater Sports. Ang Game 1 ng serye ay magsisimula sa alas-1:30 ng hapon bago ang dalawang laro ng PBA Governors Cup simula alas-5:45 ng hapon. Winalis ng Road Warriors ang Cebuana Lhuillier samantalang blinangko ng Elite ang Jumbo …
Read More »