6-0 na ang Aces
MATAPOS na mapasabak sa apat na heavyweights, dalawang lightweights naman ang makakalaban ng Alaska Milk na nangunguna s PBA Philippine Cup.
So kung tinalo ng Aces ang Purefoods Star, Talk N Text, Meralco at San Miguel Beer, ano pa kaya ang laban na puwedeng ibigay sa kanila ng mga expansion teams na Kia Sorento at Blackwater Elite?
Makakaharap ng Alaska Milk ang Kia bukas at ang Elite sa Biyernes.
E di ilista mo na iyan!
Six-zero na ang Aces!
Abaβy pagbali-baligtarin mo man ang mundo, tiyak na panalo ang Alaska Milk diyan.
Milagrong napakalaki kung masisilat ang Aces sa klase ng larong ipinamamalas nila ngayon.
Kasi, kahit na mahirap (yata) ang sistema ni coach Alex Compton, abaβy tila nag-eenjoy ang Aces. Takbo lang sila nang takbo. Lahat ng gamitin ni Compton ay nagde-deliver.
Kung tutuusin nga, ang susunod na apat na kalaban ng Aces para sa buwan ng Nobyembre ay tila kaya nila. Kasi matapos ang Elite ay makakaharap nila ang Barako Bull at pagkatapos ay ang Globalport.
Sa pananaw ng mga eksperto, sa Disyembre pa talaga masusubukan nang husto ang Aces.
Itoβy sa pagtatapat nila ng Barangay Ginebra sa Disyembre 2 at Rain Or Shine sa Disyembre 5.
Pero bago mangyari iyon, abaβy parang solid na ang kapit ng Aces sa first place.
At mataas na mataas na ang kanilang kompiyansa.
Huwag lang magbabago ang ihip ng hangin, tila napakalayo ng mararating nina Compton!
ni Sabrina Pascua
