ILANG araw na lang at makikipag-upakan na si current WBO World Jr. Flyweight champion Donnie “Ahas” Nietes upang depensahan ang kanyang titulo sa Pinoy Pride 28 na gaganapin sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino sa Cebu City sa Sabado (Nobyembre 15).
Makikipagbuntalan si Nietes may record na 33 wins (19 KOs), 1 loss, 4 draws kay Mexican Pug Carlos “Chapito” Velarde na ipinagmamalaki ang 26 W/14 KOs, 3L, 1 draw karta.
Napanood ni Nietes ang video ng kalaban at nakahanda naman ito sa istilo ng pakikipaglaban ng Mehikano na ayon sa kanya ay mailag at maraming binibitawang suntok.
Si Nietes na ang 2nd longest reigning Filipino world champion una sa kanya si Gabriel Flash Elorde (7-year champion).
Samantala, makikipag-upakan din sina Pinoy boxers Milan “El Metodico” Melindo at Albert “Prince” Pagara.
Kabaragan ng mukha ni Melindo si Saul “Babay” Juarez ng Mexico para sa IBF Jr. Flyweight habang isa ring Mehikano ang kaupakan ni Pagara para itaya ang kanyang IBF Intercontinental Jr. Featherweight crown kontra sa No. 1 contender Raul Hirales.
Importrante kay Melindo ang kanyang laban dahil kapag makalusot siya ay world championship na ang susunod niyang laban.
May malinis na record si Pagara (21 wins/15 knockouts) habang ang challenger na si Hirales ay may kartang 22 wins victories (11 KOs), tatlong talo at isang draw.
ni ARABELA PRINCESS DAWA