Monday , December 23 2024

Sports

SMB mahirap na kalaban — Compton

NGAYONG nilampasan na ng Alaska Milk ang Rain or Shine sa semifinals, paghahandaan ngayon ng Aces ang kanilang sagupaan kontra San Miguel Beer para sa titulo ng PBA Philippine Cup. Noong Linggo ay tinapos ng tropa ni coach Alex Compton ang Elasto Painters sa kanilang serye sa semifinals sa pamamagitan ng 79-76 panalo sa Game 6 sa Mall of Asia …

Read More »

Reklamo ng bayang karerista; Ang pamunuan ng PHILRACOM

Lubos na nagpapasalamat ang tatlong karerahan dito sa ating bansa sa Bayang Karerista na walang sawang tumataya tuwing may karera. Ang tatlong karerahan ay ang Manila Jockey Club, Santa Ana Club at ang Manila Metro Turf Club. Pagpasok ng 2015 buwan ng Enero ay mayroon agad tayong natanggap na puna o reklamo sa mga mananaya noong nakaraang karera sa karerahan …

Read More »

Negosasyon nagsimula na! (Para sa Pacquiao-Mayweather mega-fight)

ni Tracy Cabrera SA panayam ni Lem Satterfield ng Ring magazine, kinompirma ng adviser ni Manny Pacquiao na si Michael Koncz na tunay ngang may negosasyon na para sa tinaguriang mega-fight sa pagitan ng eight-division at kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion at Number 1 pound-for-pound fighter at World Boxing Council (WB) welterweight champion Floyd Mayweather Jr. Ayon kay …

Read More »

So kampeon sa Nevada

NAG-IWAN ng magandang alaala si super grandmaster Wesley So bago natapos ang taong 2014, ito’y ang pagsungkit ng titulo sa katatapos na 24th Annual North American Open chess championships na ginanap sa Bally’s Casino Resort sa Las Vegas, Nevada. Tumarak ng dalawang tabla at isang panalo si World’s No. 10 player So (elo 2770.7) upang masiguro ang pagbulsa sa US$9,713.00 …

Read More »

Last trip sinungkit ni IM Dimakiling

  NAKA-last trip sa taong 2014 si IM Oliver Dimakiling matapos sumungkit ng kalahating puntos sa eight at final round upang hiranging kampeon sa katatapos na 6th Gov. Amado T. Espino Jr. Cup Open Chess Tournament (Open division) na ginanap sa Lingayen, Pangasinan. Nangailangan ng kalahting puntos si Dimakaling (elo 2419) upang itarak ang seven points sa event na inorganisa …

Read More »

Sino si Floyd sa hinaharap?

KINUKUNSIDERA sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na pinakamagaling na boksingero sa kasalukuyang panahon. Nasa pareho silang dibisyon pero mukhang hindi magkakaroon ng kaganapan ang minimithing laban ng dalawa. Sa kasalukuyan ay pinilipilit ikasa ang bakbakan ng dalawa at ginagawang lahat ng kinauukulan ang masusing negosasyon pero masyadong maraming demands si Floyd na nakakaantala ng realisasyon. Kung sakaling hindi …

Read More »

Paggunita kay Gabriel ‘Flash’ Elorde

ni Tracy Cabrera NAKATAKDANG lampasan ni Donnie ‘Ahas’ Nietes ang record ni Gabriel ‘Flash’ Elorde bilang ‘longest reigning Pinoy world champion’ pero sa kabila nito ay dapat din natin malaman na ang Hall of Famer at ang Ahas ay magkatulad sa pagi-ging relihiyoso at mapagkumbaba. Gunitain ngayon natin kung sino nga ba ang tinaguriang Flash na naghari bilang world super …

Read More »

Compton: Handa kami sa giyera sa Game 6

ISANG panalo na lang ang kailangan ng Alaska para makuha ang huling silya sa finals ng PBA Philippine Cup. Pero para kay Aces head coach Alex Compton, hindi dapat muna magselebra ang kanyang mga bata lalo na’t naniniwala siyang makakabawi pa ang Rain or Shine at maipupuwersa ang Game 7 sa kanilang serye sa semifinals. “All we did is to …

Read More »

Lahat ng sisi ibabato kay Floyd

MAY grupo sa Amerika na gumagalaw ngayon para dagdagan ang pressure sa balikat ni Floyd Mayweather Jr. na magdesisyon na para labanan si Manny Pacquiao. Ang grupo ng boxing aficionados na sinasabi natin ay pinangalanang FLOYDCOTTS. May layon ang grupo na presyurin si Floyd na harapin ang hamon ni Manny na siyang pinakahihintay ng lahat ng nagmamahal sa boksing. At …

Read More »

SMB handa sa Finals — Austria

NGAYONG pasok na ang San Miguel Beer sa finals ng PBA Philippine Cup, umaasa ang head coach nitong si Leo Austria na muling magbabalik ang pagdomina ng Beermen sa liga. Winalis ng Beermen ang kanilang serye sa semifinals kontra Talk n Text sa pamamagitan ng 100-87 panalo noong Biyernes sa Game 4. “Everybody doubted us at the start of the …

Read More »

Broner humihingi ng rematch kay Maidana

PAGKATAPOS matalo si Marcos Maidana kay Floyd Mayweather via unanimous decision sa kanilang rematch kamakailan, nagpapapansin naman si Adrien Broner para sa isa ring rematch kay Maidana. Matatandaan na noong isang taon ay ipinalasap ni Maidana ang nag-iisang talo ni Broner na kung saan ay dalawang beses na humiga sa lona ang huli para manalo via unanimous decision. Si Broner …

Read More »

David kasama sa coaching staff ng Lyceum

KINOMPIRMA ng bagong head coach ng Lyceum of the Philippines University na si Topex Robinson na magiging assistant niya ang superstar ng Meralco sa PBA na si Gary David para sa NCAA Season 91. Si David ay dating manlalaro ng Pirates bago siya lalong sumikat sa PBA. Pinalitan ni Robinson si Bonnie Tan sa paghawak ng Lyceum pagkatapos na nagbitiw …

Read More »

NLEX lalaro sa Dubai

BILANG paghahanda sa PBA Commissioner’s Cup, sasabak ang North Luzon Expressway sa 2015 Dubai Invitational Tournament sa United Arab Emirates . Aalis ang Road Warriors sa Enero 14 pagkatapos ng kanilang bakasyon ngayong Pasko at Bagong Taon. Ang nasabing torneo ay dating sinalihan ng Gilas Pilipinas ni coach Rajko Toroman noong 2011. Sinabi ng team manager ng NLEX na si …

Read More »

Samboy inalis na sa ICU

MALAPIT nang dalhin sa kanyang bahay ang dating Skywalker ng PBA na si Avelino “Samboy” Lim pagkatapos na maalis siya sa intensive care unit ng Medical City Hospital sa Ortigas. Isang kamag-anak ni Lim ang nagsabing humihinga na si Lim at nasa stable na kondisyon ang kanyang mga vital organs kaya umaasa ang pamilya niya na tuluyan na siyang gigising …

Read More »

Fajardo vs Abueva

KUNG sakaling makakadiretso ang San Miguel Beer at Alaska Milk sa best-of-seven Finals ng PBA Philippine cup, malamang na ang maglaban para sa best Player of the conference award ay sina Junemar Fajardo ng Beermen at Calvin Abueva ng Aces. Sila ang main man ng kani-kanilang koponan. Alisin mo sila sa kanilang team, mahihirapang makausad ang mga ito. Patunay lang …

Read More »

Ginebra, TnT maggigibaan

PAGLALABANAN ng Talk N Text at Barangay Ginebra ang huling semifinals ticket ng PBA Philippine Cup sa isang sudden-death game mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Makakatagpo ng magwawagi sa larong ito ang elimination round topnotcher San Miguel Beer sa semifinal round na mag-uumpisa sa Biyernes. Kapwa dinaig ng Tropang Texters at Gin Kings ang magkahiwalay …

Read More »

Alaska handa sa Rain or Shine — Compton

NGAYONG inilaglag na ng Alaska Milk ang Meralco sa kanilang knockout na laro noong Linggo, susunod na paghahandaan ng Aces ang Rain or Shine sa semifinals ng PBA Philippine Cup na magsisimula sa Huwebes sa Mall of Asia Arena. Ayon kay Alaska coach Alex Compton, magiging maganda ang serye nila kontra Elasto Painters na tumalo sa kanila sa semifinals ng …

Read More »

Samboy inalis na sa ICU (Mga PBA legends tutulong kay Lim)

ILANG mga dating kasamahan ni Avelino “Samboy” Lim sa PBA ang nagpaplanong magtayo ng isang exhibition na laro para tulungan sa paglikom ng pera para sa pagpapaospital niya. Ito’y kinompirma ni Purefoods Star team manager Alvin Patrimonio habang unti-unting inaayos ang paglilipat ni Lim mula sa intensive care unit ng Medical City Hospital sa Ortigas sa isang regular na kuwarto. …

Read More »

GM Villamayor hari sa Penang Chess Open

NAKUNTENTO sa kalahating puntos na tinapyas ni Pinoy GM Buenaventura “Bong” Villamayor kay GM Susanto Megaranto sa ninth at final round upang sungkitin ang titulo sa katatapos na 6th Penang Heritage City International Chess Open 2014 sa Malaysia. Nakaipon ng seven points ang 3rd seed Villamayor (elo 2440) mula sa five wins at four draws matapos makatabla kay top seed …

Read More »

Gaganti ang hotshots sa 2nd conference

ANG apat na koponang nagtaglay ng twice-to-beat advantage sa unang yugto ng quarterfinals ng PBA Philippine cup ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa’t idinispatsa na kaagad ang kanilang mga kalaban. Sa totoo lang, expected naman na didiretso ang tatlo sa mga ito nang walang kaabug-abog. Llamado kasi ang Alaska Milk sa NLEX, ang Talk N Text sa Barako Bull at ang …

Read More »

Malayo pa sa Done Deal

DONE DEAL na nga ba ang ikinakasang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr? Whew!   Sa totoo lang, hilong-hilo na ang lahat ng boxing aficionados sa tunay na estado ng ikinakasang laban. Sa totoo lang, wala pa talagang malinaw na resulta ang pinag-uusapang laban nina Manny at Floyd, pero ang mahalaga, patuloy ang pagpupunyagi ng malalaking tao sa sirkulo ng …

Read More »

Golovkin abot-kamay ang Boxer of the Year Award

MALAKAS ang kontensiyon ngayong taon ni Gennady Golovkin para talunin ang mga llamadong sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather para sa presitihiyosong Boxer of the Year Award. Sa pinakahuling on-line voting, kumulekta ng 68.7% votes si Golovkin at ang pinakamalapit sa kanya ay ang boto ni Pacquiao na may 25.3%. Ang iba pang kandidato para sa prestihiyosong award ay sina …

Read More »

Tenorio: Di kami magkaaway ni Caguioa

PINABULAANAN ng superstar point guard ng Barangay Ginebra San Miguel na si LA Tenorio na may away silang dalawa ng kapwa niyang superstar na si Mark Caguioa. Noong Lunes ay lumabas ang ulat sa programang PTV Sports ng Channel 4 na matagal na naghihidwaan sina Tenorio at Caguioa na isa sa mga dahilan kung bakit nalasap ng tatlong sunod na …

Read More »