Wednesday , March 22 2023

Teodoro lakas ng JRU

082015 JRU Tey Teodoro
ILAN taon ding naghahanap ng clucth players ang Jose Rizal University Heavy Bombers at nagkaroon na sila ngayong season ng 91st NCAA senior men’s basketball tournament.

Nahagilap ng Heavy Bombers si Tey Teodoro para pagkunan ng puntos kapag kinakailangan.

Naghahabol ng 18 puntos sa fourth quarter nang kumana si Teodoro ng 18 points sa kanyang career-high 32-point performance upang angkinin ng Jose Rizal ang come-from-behind 90-87 panalo laban sa Mapua Cardinals noong Martes sa The Arena sa San Juan City.

Dahil sa kabayanihan ni Teodoro, lumalakas ang tsansa ng Heavy Bombers na makasampa sa magic four at mapaganda ang karta sa 5-3 (win-lose) mark.

Nasikwat ni Teodoro ang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week award matapos talunin sa botohan sina Nigerian center Ola Adeogun ng San Beda at Rey Nambatac ng Letran.

May average na 16 points per game si Teodoro kaya siya ang sinasandalan ng Kalentong-based team para makahablot ng titulo.

Pinasalamatan naman ni Teodoro ang kanyang coach at teammates sa tiwalang ibinibigay sa kanya. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply