Wednesday , September 11 2024

Garcia nasa radar ni Roach (Gustong ikasa kay Pacman)

081715 Danny Garcia pacman
KUNG si Freddie Roach ang tatanungin sa susunod na makakalaban ni Manny Pacquiao kapag nakarekober na ito sa “shouder injury”,  si  Danny Garcia ang No. 1 sa kanyang listahan.

Nakatakdang bumalik sa ring si Pacman sa 2016 pagkatapos ng isang operasyon sa kanyang balikat.   Sa kasalukuyan ay sumasalang siya sa isang rehabilitasyon.

Sa ngayon, matunog ang pangalan ni Amir Khan bilang susunod na makakaharap ni Pacman sa kanyang pagbabalik sa ring.

Pero iginiit ni Roach na mas ideyal na kalaban si Garcia kesa kay Khan na dating nating sparringmate ni Pacquiao.

”I want Danny Garcia, that’s my choice. That’s the easiest fight in the f****** world, you can tell his dad [Angel Garcia] that as well,” pahayag niya.

“His dad psyched Amir Khan out but he won’t psych Pacquiao out I promise. Pacquiao will knock Garcia out. I like the dad but he talks too much s***.”

Ngunit magiging malaking problema sa dalawang fighters ang sumalang sa ring na magkatunggali dahil si Garcia ay lumalaban sa bandera ng Premier Boxing Champions samantalang si Pacman ay under naman sa HBO.

Isiniwalat ni Roach na maganda ang kinalalabasan ng rehabilitasyon ng shoulder injury ng kanyang alaga pero kinumpirma niya na tatagal ng ilang buwan bago ito muling sumalang sa ring.

“Manny’s shoulder is getting better. We had a little trouble with the rehab because he didn’t want to come to American so we got a guy to go out there [to the Philippines] and work with him every day,” pahayag ni Roach.

“He tells me it feels better, he went swimming the other day, he’s playing a little basketball so he says it’s coming along fine. But it won’t be a while until he’s in the ring again, three to six months.”

About hataw tabloid

Check Also

Alas Pilipinas Women japan

Alas Pilipinas Women binigyan ng kaba ang siyam na beses na kampeon ng liga sa Japan

IPINAKITA ng Alas Pilipinas Women ang makabuluhang pag-unlad sa maikling panahon, binigyan ang siyam na …

Marlon Bernardino Laos International Chess Open Championship

Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024

Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …

Roll ball angkop para sa mga atletang Pilipino

Roll ball angkop para sa mga atletang Pilipino

Isang bagong sport na tinatawag na roll ball – isang kumbinasyon ng skating at basketball …

Half Court 3x3 Basketball Tournament

Half Court 3×3 Basketball Tournament inilunsad

TINALAKAY ni Coach Mau Belen dating Gilas 3X3 head coach ang brainchild ng Half Court …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *