IAANUNSIYO ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang muling pagsasahimpapawid ng mga laro ng men’s basketball sa ABS-CBN Sports sa Miyerkoles. Gagawin ang contract signing ng NCAA at ABS-CBN sa turnover ceremony ng liga kung saan ipapasa ng College of St. Benilde sa Mapua Institute of Technology ang pagiging punong abala ng liga para sa Season 91 na lalarga na …
Read More »Iskedyul ng PBA Governors’ Cup inilabas na
DALAWANG laro sa Dubai ang tampok sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup sa Mayo 5. Maghaharap ang Rain or Shine kontra Globalport sa Mayo 21 at ang Barangay Ginebra San Miguel kinabukasan sa pagbabalik ng liga sa Gitnang Silangan pagkatapos ng dalawang taon. Bago nito, maglalaban ang Blackwater Sports at Alaska Milk sa Mayo 5 sa alas-4:15 ng hapon sa …
Read More »Asawa ng mga manlalaro nag-away sa dugout
KAHIT sa labas ng court ay mainit pa rin ang sagupaan ng Talk n Text at Rain or Shine sa finals ng PBA Commissioner’s Cup. Sa katapusan ng Game 5 noong Biyernes ng gabi ay nagkasagutan sa labas ng dugout ang dalawang maybahay ng mga manlalaro ng dalawang koponan dahil sa mainit na aksyon at sobrang pisikal na laro. …
Read More »Baka maging harang ang labang Floyd-Manny?
ANG labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather ang tinatayang pinakamayamang laban sa kasaysayan ng boksing sa buong mundo. Inaasahan na masisira nito ang existing record sa pay-per-view buys, gigibain ng nasabing laban ang benta sa gates, siyempre pa ga-langit ang bayad sa magkaribal, etc., etc. Pero ang tanong ng ilang miron na nakakaintindi talaga ng boksing—mahigitan kaya nila o mapantayan …
Read More »Panalo na si Pacquiao!
WALONG araw pa bago umakyat ng ring si Manny Pacquiao sa Mayo 3 laban kay Floyd Mayweather ngunit na-knockout na ng People’s Champ ang kanyang kalaban sa isang mahalagang aspeto ng mega-fight: sa mga commercial endorsement. Sa kabila ng pagiging Amerikano ni Mayweather, si Pacquiao ang boxing superstar na umaani ng sunod-sunod na mga endorsement, kaliwa’t kanan, sa Estados Unidos. …
Read More »‘Business as usual’ lang para kay Mayweather
ITO ang paniniwala ni Floy Mayweather Jr., sa kanilang super fight sa Mayo 2 (Mayo 3 Ph time). Ayon kay Mayweather, ang laban ay magiging sagupaan ng dalawang ‘hall-of-famer’ na nasa kanilang prime sa labanang itinuturing na ‘richest fight’ sa kasaysayan ng boxing. Idinagdag ng unbeaten champion na wala siyang pangambang madungisan ang kanyang perfect 47-0 record. “Siya’y future …
Read More »Game Five
KAPWA ibubuhos ng Talk N Text at Rain Or Shine ang kanilang makakaya upang masungkit ang panalo sa Game Five ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven Finals mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Dinaig ng Tropang Texters ang Elasto Painters, 99-92 sa Game Four noong Miyerkoles upang itabla ang serye, 2-all. nanalo rin ang TNT sa Game …
Read More »Anak ni Benjie Paras lalaro sa San Beda
KASAMA ang anak ng dating PBA legend Benjie Paras na si Andre sa lineup ng San Beda College para sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup na magsisimula sa Sabado. Lumipat si Paras sa San Beda pagkatapos ng isang taon niyang paglalaro sa University of the Philippines sa UAAP kung saan doon naglaro ang kanyang ama. Makakasama ni Paras sa …
Read More »Tiket sa labang Manny at Floyd malapit nang ibenta sa publiko
HANGGANG ngayon ay naghihintay pa rin ang boxing fans na buksan na ng MGM Grand ang pagbebenta ng tiket sa publiko para sa bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Ilang araw na lang ang salpukan nina Manny at Floyd ay wala pa ring ibinebentang tiket ang MGM sa publiko. Hinala tuloy ng mga miron sa boksing na sadya nang …
Read More »Para kanino si De La Hoya? (Sa Pacquiao-Mayweather mega-fight)
SA pagtahak tungo sa tugatog ng listahan ng mga pound-for-pound king, limang mandirigma ang nakaharap nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.—kabilang na rito ang ‘Golden Boy’, Oscar De La Hoya. Ibinahagi ng boxer-turned-promoter ang kanyang opinyon sa binansagang ‘mega-fight of the century’ sa media workout para kay Saul ‘Canelo’ Alvarez at Pinoy fighter Mercito Gesta. “Basta maging maganda lang …
Read More »Mayweather mananalo sa puntos lang —Hatton
SAMPUNG araw bago ang kinasasabikang ‘Battle for Greatness’ sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., naniniwala si dating WBA welterweight champion Ricky ‘The Hitman’ Hatton na matatalo sa puntos ang Pambansang Kamao. “Angkin niya (Pacquiao) ang lahat ng husay sa boxing para talunin niya si Mayweather, pero maaa-ring hindi sapat ang mga ito,” ayon sa British boxer. Parehong …
Read More »So nangunguna sa Gashimov
NILAMPASO ni GM Wesley So si GM Rauf Mamedov kahapon para dapuan ang solo liderato matapos ang fourth round ng Gashimov Memorial Shamkir Chess 2015 na ginaganap sa Azerbaijan. Niratrat agad ng 21 anyos na si So (elo 2788) ang Sicilian defense ni Mamedov (elo 2651) ng host country upang pataubin nito sa 41 sulungan at ilista ang 3.5 puntos. …
Read More »Ginebra kailangan ng maraming tune-up — Lim
INAMIN ng bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Frankie Lim na kailangan ng maraming mga tune-up games ang Gin Kings para lalo sila masanay sa kanyang sistema. Pinalitan ni Lim si Ato Agustin pagkatapos na matalo ang Ginebra kontra Rain or Shine sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup. Ito ang unang beses na maging head coach …
Read More »Wild Wild West umentado
Mas umentado ang naipakitang panalo ng kabayong si Wild Wild West na nirendahan ni jockey Dunoy Raquel Jr. sa kanilang huling takbo nitong nagdaang Lunes sa pista ng SLLP. Sa salida ay nauna kaagad sila sa lundagan, subalit hinayaan muna ni Dunoy na kapitan ng bahagya ang kanyang renda. Pagdating sa medya milya ay hiningan ulit ni Dunoy ang kanyang …
Read More »Indonesia durog sa Batang Gilas
DINUROG ng Philippine national under-16 team, na mas kilala bilang Batang Gilas, ang Indonesia, 106-50, sa Cagayan de Oro para walisin ang oposisyon sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Under-16 tournament. Ang torneo ay nagsisilbing qualifying tournament para sa FIBA Asia Under-16 tournament na gaganapin sa Hulyo sa India, na kabibilangan ng top three teams na makakukuha ng slot sa …
Read More »UFC ginigiba si Mayweather Jr
KANYA-KANYA nang kampihan ang mga kilalang celebrities sa apat na sulok ng mundo kung sino ang mananalo kina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather jr. Ang isa sa kilalang tao na nagbigay ng pananaw ay itong si UFC President Dana White. Sabagay, hindi kategorikal na kinampihan niya si Pacman pero malinaw na lumabas siya sa limelight para gibain ang diskarte ni …
Read More »IGINAWAD ni Senator Antonio Trillanes (kanan) sa Philippines’ Head Delegation to the 28th Summer Universiade sa Gwangju, Korea at Chairman of the Organizing Committee of the 1st Asia Pacific University Games sa Disyembre ang special trophy kay Mr. Angel Ngu-President of the Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce at Deputy Head of Delegation to the 28th Summer Universiade sa …
Read More »So, Carlsen salo sa liderato (Gashimov Memorial Shamkir Chess)
PINALUHOD ni GM Wesley So si GM Michael Adams sa third round upang sumampa sa tuktok ng liderato sa nagaganap na Gashimov Memorial Shamkir Chess 2015 sa Azerbaijan. Umabot sa 45 moves ng Queen’s Gambit Declined bago pinisak ni 21-year old So (elo 2788) si Adams (elo 2746) upang ilista ang 2.5 points at makisalo sa unahan kasama si reigning …
Read More »Douthit babalik sa Blackwater
LALARO uli si Marcus Douthit para sa Blackwater Sports sa darating na PBA Governors’ Cup na magsisimula sa Mayo 5. Sinabi ng team owner ng Elite na si Dioceldo Sy na babalik si Douthit sa kanyang koponan pagkatapos ng kanyang paglalaro sa Sinag Pilipinas na sasabak sa SEABA at Southeast Asian Games na parehong gagawin sa Singapore. Nag-average si Douthit …
Read More »Abueva isasama sa national pool ni Baldwin
ISA si Calvin Abueva ng Alaska sa mga manlalaro ng PBA na inaasahang isasama ni coach Tab Baldwin sa bagong national pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships ngayong Setyembre. Kinompirma ng isang mapagkakatiwalaang source na isinama ni Baldwin si Abueva sa listahan ng 26 na manlalaro na inaasahang isusumite ng coach sa PBA kapag nakipag-usap siya sa …
Read More »NCAA babalik sa ABS-CBN?
MALAKI ang posibilidad na muling mapapanood ang mga laro ng men’s basketball ng National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA) sa ABS-CBN Sports. Isang source ang nagsabing nag-uusap ngayon ang mga opisyal ng NCAA at ang ABS-CBN para sa bagong kontrata para sa TV coverage ng Season 91 na magsisimula sa Hunyo. Dating napanood sa Studio 23 ang NCAA …
Read More »Walang rematch, KO si Pacquiao —Floyd Sr
HINDI na magkakaroon pa ng rematch sa sandaling matapos na ang May 2 fight ng kanyang anak laban kay Manny Pacquiao, pahayag ng ama at trainer ni Floyd Mayweather Jr. Ayon kay Floyd Sr., mabubugbog nang sobra ang Pinoy superstar kaya wala nang magnanais pang magkaroon ng pangalawang pag-haharap ng dalawa. “I don’t think people will want to see …
Read More »Tatakbuhan ni Floyd si Manny—De La Hoya
KAKAILANGANING lakihan pa ng People’s Champ Manny Pacquiao ang kanyang itataya kontra kay Floyd Mayweather Jr. Para maging ‘exciting’ ang laban, pahayag ni boxer-turned-promoter Oscar De La Hoya, na parehong tinalo ng dalawang kampeon. Malaki ang duda ng binansagang ‘Golden Boy’ na tatakbuhan ng wala pang talong si Mayweather kapag nakaharap niya sa ibabaw ng ring ang Pinoy icon kaya …
Read More »Dimakiling binulaga si GM Ghosh
INIAHON ni IM Oliver Dimakiling ang kampanya ng mga Pinoy woodpushers matapos manalo sa round five ng 15th Bangkok Chess Club Open sa Pattaya, Thailand. Binulaga ni No. 24 seed Dimakiling (elo 2417) si ranked No. 1 GM Diptayan Ghosh (elo 2512) ng India sa 35 moves ng Reti habang yumuko si GM Oliver Barbosa kay super grandmaster at top …
Read More »Mga kandidato sa komisyuner haharap sa PBA board
MAGSISIMULA sa susunod na linggo ang paghaharap nina PBA commissioner Chito Salud at board chairman Patrick Gregorio sa apat na natitirang kandidato para sa puwestong iiwanan ni Salud sa pagtatapos ng 40th season ng liga. Ang apat na natitirang kandidato ay sina Chito Narvasa, Vince Hizon, Jay Adalem at Rickie Santos habang tinanggal na sa listahan sina Mark Fischer at …
Read More »