Wednesday , August 10 2022

Racal, Pogoy pararangalan ng UAAP-NCAA Press Corps

010516 Racal Pogoy UAAP NCAA Press Corps
BIBIGYAN ng parangal ng  UAAP-NCAA Press Corps sina Kevin Racal ng Letran at Roger Pogoy ng Far Eastern University sa taunang College Basketball Awards sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills.

Parehong pinili bilang Pivotal Players sina Racal at Pogoy dahil sa kani-kanilang papel upang magkampeon ang Knights at Tamaraws sa NCAA at UAAP, ayon sa pagkakasunod.

Nag-average si Racal ng 20 puntos sa NCAA Season 91 finals kung saan tinapos ng Letran ang limang sunod na taong paghahari ng karibal nilang San Beda College.

Humataw naman si Pogoy ng 14.7 puntos bawat laro sa tatlong laro sa UAAP Season 78 finals kung saan nakalusot ang FEU kontra University of Santo Tomas.

Si Racal ay naglalaro na ngayon sa Alaska Milk sa PBA habang sasabak si Pogoy para sa Phoenix Petroleum sa darating na PBA D League Aspirants Cup.

Ang iba pang mga nanalo bilang Pivotal Players ng UAAP-NCAA Press Corps ay sina Garvo Lanete, Ryan Buenafe, Dave Marcelo, Kirk Long, Art dela Cruz, Alfred Aroga at Anthony Semerad.

Halos lahat sila ay nasa PBA na maliban kina Long at Aroga.

Naunang napili bilang Coaches of the Year ng mga manunulat ng UAAP at NCAA sina Nash Racela ng FEU at Aldin Ayo ng Letran na head coach na ngayon ng De La Salle University. ( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

Leave a Reply