2016 Philracom “Commissioner’s Cup”

011116 philracom race horse
LALARGAHAN sa January 17 (Linggo) ang 2016 Philracom Commissioner’s Cup sa  Metro Manila Turf Club Inc., sa Malvar, Batangas.

Sa distansiyang 1,800 meters ay lalahok ang mga kabayong Biseng-bise, Dixie Gold, Hook Shot, Kanlaon, Love na Love, Low Profile at Manalig Ka.

May kabuuang papremyo na P1,200,000 na paghahatian ng mga sumusunod na mananalo:   1st Prize, P720,000;  2nd P270,000, 3rdP150,000 at 4th P60,000.

Kakabig naman ng P50,000 ang breeder ng mananalong kabayo.

Sa Enero 31 naman ay itatakbo sa pista ng Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite ang 2016 Philracom 4YO & above Stakes Race.

Patatakbuhin ang nasabing stakes race sa distansiyang 1,300 meters

Paghahatian ng mga magwawagi ang kabuuang papremyo   na P500,000.