Friday , November 22 2024

Sports

San Beda vs Arellano

PAGSOSYO sa liderato ang hangad ng defending champion San Beda Red Lions sa pagtutuos nila ng Arellano Chiefs sa pagwawakas ng first round ng eliminations ng 91st National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament  mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. Sa unang laro sa ganap na 2 pm ay magkikita ang Perpetual Help Altas at Jose …

Read More »

MVP nalungkot sa Gilas (Baldwin nagbigay ng deadline)

NAGPAHAYAG ng kanyang sama ng loob ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Manny V. Pangilinan sa nangyayari ngayon sa Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa susunod na buwan. Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, naipahayag ni Pangilinan ang kalungkutan dahil sa pag-atras ng mga manlalaro sa national pool na ititimon …

Read More »

Hindi lahat ng napili ay pipirma ng kontrata

ANIM na araw na lamang ang nalalabi at gaganapin na ang 2015 PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place Manila. Labing-dalawang koponan ang mamimili sa mga top amateur basketball players na nagsumite ng appplication sa Draft. Hindi lahat ng nag-apply ay mapipili. At hindi lahat ng napili ay mapapapirma ng kontrata. Iyan ang realidad ng buhay sa PBA. Survival of the …

Read More »

Garcia nasa radar ni Roach (Gustong ikasa kay Pacman)

KUNG si Freddie Roach ang tatanungin sa susunod na makakalaban ni Manny Pacquiao kapag nakarekober na ito sa “shouder injury”,  si  Danny Garcia ang No. 1 sa kanyang listahan. Nakatakdang bumalik sa ring si Pacman sa 2016 pagkatapos ng isang operasyon sa kanyang balikat.   Sa kasalukuyan ay sumasalang siya sa isang rehabilitasyon. Sa ngayon, matunog ang pangalan ni Amir Khan …

Read More »

McGee maglalaro sa Mavs

PARA palakasin ang gitna ng Dallas Mavericks, pinapirma nila ng dalawang taong kontrata ang sentrong si JaVale McGee . Nangyari ang pirmahan pagkatapos umatras ni DeAndre Jordan para sumama sa listahan ng Mavs at sa halip ay bumalik na lang siya sa Clippers. Ang 7-footer na si MacGee ay pang-18th pick noong 2008 NBA Draft.   Humataw siya ng laro sa …

Read More »

NATAWAGAN ng foul si Bradwyn Guinto (5) ng San Sebastian College nang sumabit ang kamay sa braso ni Allwell Oraeme (10) ng Mapua sa kaniyang lay-up sa kanilang laban sa NCAA men’s basketball. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Cotto vs. Canelo (Ang tunay na laban ng kasaysayan)

PORMAL na inunsiyo ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions ang magiging bakbakan nina Miguel Cotto at Canelo Alvarez sa November 21 para sa WBC middleweight title. Sa nasabing presscon ay hindi maiwasang pitikin ni De La Hoya ang walang katorya-toryang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.   At tinitiyak niya ang publiko na ang labang Cotto at …

Read More »

Mga Hapones nais maglaro sa PBA — Narvasa

IBINUNYAG ng bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association na si Andres “Chito” Narvasa na mas marami pang mga Asyano ang nais maglaro sa liga bilang imports. Sa pagtatapos ng planning session ng PBA board of governors sa Japan noong Huwebes, sinabi ni Narvasa na maraming mga Hapones na manlalaro ang nais sumunod sa yapak ni Seiya Ando na naging Asian …

Read More »

Tuso talaga si Floyd

NANG matanong ng isang sports writer si Floyd Mayweather Jr kung sino sa mga nakaharap niyang boksingero  na masasabi niyang nagbigay ng magandang laban sa kanya. Pinangalanan niya ang top 4 na boksingero at ang ikinagulat ng mga boxing fans ay wala ang pangalan ni Manny Pacquiao sa kanyang listahan. Malaking sampal iyon kay Pacquiao na itinuturing pa naman ng …

Read More »

Tatlong Pinay wagi sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships

ITINATAK sa isip nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang kanilang galing sa kani-kanilang kalabang taga-Uzbekistan para umabante sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships sa Wulanchabu Sports Gymnasium sa Wulanchanbu, China nang nakaraang linggo. Kinailangan lamang ni Gabuco, ang 2012 AIBA world champion, ng tatlong round para idispatsa si Atakulova Gulasal sa kabila ng tangka ng Uzbek na bumawi sa …

Read More »

NAAGAPAN pa ni Patty Orendain ng Foton Tornadoes na halos sumayad na sa buhangin nang maisalba ang bola sa maaksiyong laro sa Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup sa SM by the Sands sa MOA Pasay City. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Palestine unang kalaban ng Gilas (FIBA Asia Championships)

MAGIGING unang asignatura ng Gilas Pilipinas ang Palestine sa Setyembre 23 sa pagbubukas ng 2015 FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina. Magsisimula ang laro sa alas-11:45 ng umaga sa CSWC Dayun Gym at mapapanood ito nang live sa TV5. Kinabukasan ay makakalaban ng Gilas ang Hong Kong sa alas-9:30 ng umaga at ang Kuwait sa Setyembre 25 sa alas-4:45 ng …

Read More »

Lebron James balik-MoA arena

ANG Mall of Asia Arena sa Pasay City ang magiging venue ng pagbabalik ni Cleveland Cavaliers superstar LeBron James sa Pilipinas sa Agosto 20. Sa nasabing petsa ay iaanunsiyo ang mga 12 na miyembro ng Nike Rise team kung saan si James mismo ay magbibigay ng mensahe sa kanila. Makakasama ni James ang pinuno ng Nike Rise na si dating …

Read More »

Suntok sa buwan

NAKAPANGHIHINAYANG ang pangyayaring hindi natin nakuha ang karapatang maging host ng 2019 FIBA World Cup. Ang karangalan ay ipinagkaloob sa China noong nakaraang linggo. Sa totoo lang, suntok sa buwan talaga ang pangarap na talunin ang China sa bidding. Kung venue lang na pagdarausan ng laro, aba’y sandamakmak ang Arena ng China. Hindi nga ba’t sa kanila ginanap ang Olympics …

Read More »

Inter-Schoolastic Athletic Association (ISAA) 7th Season – PSA Forum

ANG mga kinatawan ng mga paaralang kalahok sa Inter-Schoolastic Athletic Association (ISAA) 7th Season sa kanilang pagdalo sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate. L-R. Raul Santos-PWU, Audie Cristobal-La Consolacion College, Ms. Melanie Florentino-FEATI, Host. Engr.Marlon Asuque-PMMS Phil Merchant Marine School, Rogelio Delos Santos-Manila Tytana Colleges. Kanilang ipinahayag ang pagbubukas ng liga at guest of honor si former PBA star …

Read More »

Pingris, Tautuaa idadagdag sa Gilas pool

DALAWANG bagong manlalaro ang sasabak sa ensayo ng Gilas Pilipinas ngayon pagkatapos na magpahinga kahapon. Kinompirma ni Gilas coach Tab Baldwin na darating sa ensayo ng Gilas sa Meralco Gym sina Marc Pingris ng Star Hotdog at ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa na inaasahang magiging top pick sa PBA Rookie Draft sa Agosto 23. “We’re gonna bring Marc Pingris …

Read More »

MVP: FIBA alam din ang problema ng Gilas

INAMIN ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan na isang miyembro ng FIBA Central Board ang nagbunyag tungkol sa problema ng Gilas Pilipinas tungkol sa mga manlalarong ipahihiram ng Philippine Basketball Association sa pambansang koponan. Ito, ayon kay Pangilinan, ang isa sa mga dahilan kung bakit natalo ang Pilipinas kontra sa Tsina sa karapatang maging …

Read More »

Encarnado: Bagong liga ibabalik ang sigla sa basketball

NANGAKO ang tserman ng bagong ligang Pilipinas Commercial Basketball League (PCBL) na si Manuel “Buddy” Encarnado na ibabalik nito ang konsepto ng komersiyal na basketball sa Pilipinas na sa tingin niya ay unti-unting nawawala. Sa panayam ng programang Aksyon Sports ng Radyo Singko 92.3 News FM kahapon, sinabi ni Encarnado na pakay ng PCBL na muling buhayin ang nasimulan nang …

Read More »

PBA lalong lalakas — Non

NANINIWALA ang bagong tserman ng Board of Governors ng Philippine Basketball Association na si Robert Non ng San Miguel Corporation na lalong sisigla ang liga sa pagdaos ng ika-41 na season nito simula sa Oktubre. Muling nahirang ng PBA board si Non bilang tserman kapalit ni Patrick Gregorio sa pagsisimula ng planning session ng lupon sa Tokyo, Japan. “We’ve long …

Read More »

SINA Hachalia Gilbuena at Jade Becaldo (gitna) ng SM by the Bay A kontra Champion Infinity B ang naghari  sa Inagural men’s Super Liga Beach Volley Challenge Cup. Iginawad ang medalya nina SM Prime Holdings Inc. executive Hans Sy at Super Liga president Tats Suzara. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Kia, RoS makakakuha ng “winner”

HINDI na siguro magbabago pa ang isipan ng mga taga-Talk N Text sa pagkuha sa Fil-Tongan na si Moala Tautuaa bilang number One pick sa darating na 2015 PBA Rookie Draft na magaganap sa Agosto 23 sa Robinson’s Place Manila. Ito ay kahit na lumahok pa sa Draft si Bobby Ray Parks. Sa pananaw ng mga basketball scouts, si Tautuaa …

Read More »

PCSO National Grand Derby

NATATAKA at nagtatanong ang Bayang Karerista kung ano raw ba ang ibig sabihin ng “Under Investigation” sa isang hinete na nakikita sa TV monitor? Ito ba ay papatawan ng parusang suspensiyon tapos maimbestigahan ng mga inuukulan. Bakit daw puro “Under Investigation” na lang ang napapanood ng Bayang Karerista at walang resulta kung ano talaga ang nangyari? Hindi magiging “Under Investigation” …

Read More »

Pacquaio kay Mayweather: ‘Huwag na natin patulan’

ITO ang naging reaksiyon ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao sa patutsada ni Floyd Mayweather Jr., kaugnay ng laban ng American pound-for-pound king kontra kay two-time welterweight champion Andre ‘The Beast’ Berto. “The difference between Berto and Pacquiao is you guys put all the hype in Manny. But this fight is a very intriguing matchup,” wika ni Mayweather. Iginiit ng …

Read More »

Taulava ganadong maglaro sa Gilas

HABANG tumatagal ang mga ensayo ng bagong Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin, unti-unting nararamdaman ni Asi Taulava ang kanyang pagnanais na muling dalhin ang bandera ng Pilipinas sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa Setyembre. Huling naglaro si Taulava sa national team noong 2011 FIBA Asia sa Tsina kaya hindi naitago ng 43-taong-gulang na sentro ng North Luzon Expressway …

Read More »

ANG tambalang Jane Diaz at Danika Gendrauli ng Gilligan’s team sa maaksiyong paluan ng Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup women’s division ang tinanghal na kampeon (19-21, 21-14, 15-11) laban kina Patty Jane Orendain at Fiolla Ceballos ng Foton Tornadoes na ginanap sa Sands by the Bay. (HENRY T. VARGAS)

Read More »