Sunday , December 22 2024

Sports

Niigata iniangat ni Kobe Paras sa panalo

MANILA, Philippines—tinulungan ni Pinoy Kobe Paras ang opensa ng Niigata Albirex BB para matuldukan ang kanilang  14-game skid nang talunin nila ang Osaka Evessa, 73-66 sa pagpapatuloy ng Japan B.League nung Miyerkules sa Ikeda City  Satsukiyama Gymnasium. Kumana si Paras ng 10 puntos kasama dun ang dalawang three-pointers, limang rebounds, at dalawang assists para prenuhan nila ang kamalasan at mag-imprub …

Read More »

Alvin binilinan ng ina: ‘Wag magbago tulungan ang nakararami

Alvin Patrimonio

MA at PAni Rommel Placente TUMATAKBONG mayor ng Cainta ang PBA Superstar na si Alvin Patrimonio.  Sa naganap na presscon para sa kanyang pagpasok sa politika, ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siya na tumakbong mayor sa nasabing lungsod. “Gusto ko lang pong mas lalong mapaganda at mapabuti ang aming bayan. Puwede naman po na ang isang basketball player ay manglingkod,” simulang sabi …

Read More »

Ex-PBA superstars ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

Yeng Guiao Olsen Racela Leni Robredo Johnny Abarrientos Jojo Lastimosa

PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa 9 Mayo. Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela, at Johnny Abarrientos. Una nang nagdeklara ng suporta …

Read More »

Alvin Patrimonio, ipinagdarasal na makapaglingkod sa Cainta

Alvin Patrimonio

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NANINIWALA ang retired PBA superstar na si Alvin Patrimonio na puwedeng maglingkod ang isang basketball player bilang public servant. SiAlvinay tumakbong mayor ng Cainta, ka-tandem niya ang broadcaster at dating mayor nito na si Mon Ilagan, na tumatakbo naman bilang Vice Mayor. Maraming magagandang plano sa Cainta si Alvin. Kabilang dito ang gawing priority ang senior …

Read More »

Chess tourney tutulak sa Zamboanga

Chess

HANDA na ang lahat sa pagtulak ng NM Zulfikar Aliakbar Sali 2022 Inter-Cities & Municipalities Chess Team Championship sa Mayo 21-22, 2022 sa Zamboanga City. “Each team composed of three players with a maximum NCFP average rating 2100,” sabi ni tournament organizer National Master Zulfikar Aliakbar Sali. Ipatutupad ang eleven round Swiss system format na may 15 minutes plus 10 …

Read More »

Biado lalahok  sa National 10 Ball Tour sa Naga City

Carlo Biado 10 Ball

BABANDERAHAN ni dating World Champion Carlo Biado ang mga kilalang cue masters sa bansa  sa pagsargo  ng National 10-Ball Tournament sa Mayo 3 hanggang 7, 2022 sa Robinson’s Mall sa Naga City. Si Biado, 38.  Isa sa paboritong kalahok dahil sa magagandang inilalaro nito sa abroad partikular sa United States na kung saan ay ilang major tournaments ang sinungkit niya. …

Read More »

Ricky Hatton vs, Marco Antonio Barrera sa  Hulyo 2

Ricky Hatton Marco Antonio Barrera

PANAUHIN si Ricky Hatton sa Talk Sport kahapon, at ang dating 140-pound king ay isiniwalat ang kanyang pagbabalik sa ring laban kay Mexican great Marco Antonio Barrera Ang paghaharap ng dalawa sa isang ‘exhibition bout’ ay mangyayari sa Manchester  sa July 2.  Kasalukuyan nang nag-eensayo si Hatton at sinabi nitong magbabakbakan sila ni Barrera sa loob ng walong rounds. Isang …

Read More »

Alvin emosyonal habang ipinaliliwanag dahilan ng pagtakbong Mayor ng Cainta

Alvin Patrimonio Mayor ng Cainta Mon Ilagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ng basketball superstar Alvin Patrimonio na matagal niyang pinag-isipan ang tumakbong Mayor ng Cainta, Rizal. Matagal nang may alok sa dati ring Regal baby na pasukin ang politika pero tinatanggihan niya iyon dahil aktibo pa siya sa pagba-basketball. Anang team manager ngayon ng Magnolia, “Kahit noong naglalaro pa lang ako, nag-i-invite na sila sa akin na tumakbo, sabi ko, …

Read More »

Dating PBA superstars ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

Yeng Guiao Olsen Racela Leni Robredo Johnny Abarrientos Jojo Lastimosa

PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela, at Johnny Abarrientos. Una nang nagdeklara ng suporta kay …

Read More »

Programa sa Karera 
Metro Turf – Biyernes

Metro Manila Turf Club

WTA          (R1-7) RACE 1     1400 METERS XD – TRI – DD1 PHILRACOM RBHS CLASS 3 1 MY PRANCEALOT  n c lunar 52.5 2 VICTORIOUS RUN  j a guce 52.5 3 ROCKSTAR SHOW  c p sigua 56 4 HEADMASTERSHIP  g v mora 54.5 5 HEROESDELNINETYSIX  c p henson 53.5 PICK 6            (R2-7) RACE 2          1400 METERS XD – TRI – DD1 …

Read More »

2022 PhilRaCom “Road to Triple Crown Stakes Race” sa Linggo

PHILRACOM ROAD TO TRIPLE CROWN STAKES RACE

NAKATAKDANG lumarga ang mga baguhan pero magagaling na kabayo sa 2022 Philracom “Road to Triple Crown Stakes Race”  sa pista ng San Lazaro Leisure & Business Park sa Carmona, Cavite sa Linggo. Ang nasabing stakes race ay prebyu sa paparating na pantaunan at prestihiyosong Triple Crown.  Dito masusukat ng mga aficionados kung sino ang dapat abangan na  aangat sa mga …

Read More »

Kaparusahan ng BBBofC  kay Casimero pinaiimbestigahan ng GAB

John Riel Casimero BBBofC GAB

IPINAG-UTOS  ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang masinsin na imbestigasyon hinggil sa ipinataw na kaparusahan ng British Boxing Board of Control (BBBofC) laban sa Pinoy boxing champion na si John Riel Casimero. Nitong Miyerkoles, ipinag-utos ni Mitra sa GAB Boxing and Other Contact Sports Division na magsagawa ng ‘independent investigation’ upang matukoy kung tama ang …

Read More »

PBA Finals
GAME 6 LALARGA NGAYON SA MOA ARENA

PBA Finals Merlaco Ginebra

NAGKAABERYA ang Games 6 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts kaya hindi natuloy nung Miyerkoles ang laro sa Smart Araneta Coliseum. Nakansela  ang nasabing laro nang pasukin ng makapal na usok ang venue dahil sa sunog na naganap sa isang construction site na katabi ng Big Dome. BAgama’t naapula ang apoy bandang …

Read More »

Bakbakang Casimero-Butler hindi matutuloy

John Riel Casimero Paul Butler

NANGANGANIB na matanggalan ng titulo ang three-division titlist na  si WBO bantamweight champion  John Riel Casimero  dahil sa paggamit niya sa sauna bago pa ang nakatakdang laban nila ng mandatory challenger na si  Paul Butler sa Biyernes sa Liverpool. Hindi na papayagan pa na umakyat sa ring si Casimero pagkaraan niyang  labagin  ang British Boxing Board of Control (BBBoC) medical …

Read More »

Fil-Am gumawa ng ingay sa US Chess

Donato Gamaro Chess

NAGPAKITANG-GILAS ang isang Filipino-American  sa 14th annual Foxwoods Open International Chess Championship na nagtapos nitong Abril 17, 2022 na ginanap sa Foxwoods Resort Casino & Hotel sa Connecticut, USA. Si Donato Gamaro ay  gumawa ng ingay sa Estados Unidos na nagtala  ng pinakamalaking tagumpay sa kanyang chess career. Kilala sa tawag na Gerry sa chess world na isang engineer at …

Read More »

Rocamora Susulong sa 2nd RB Potot Memorial Team Tatluhan

RB Potot Memorial Chess

PAGKAKATAON  ni Engineer Rocky Rocamora na ipamalas  ang kanyang husay sa pagsulong  ng 2nd RB Potot Memorial Team Tatluhan at Individual Chess Tournament sa Abril 23 hanggang 24 na gaganapin sa Atrium Limketkai, Lapasan sa Cagayan de Oro City. Ipatutupad sa team tatluhan tournament ang seven rounds Swiss na may 15 minutes at 5 second increments kung saan ang winning …

Read More »

David Benavidez hinahamon si Canelo Alvarez

David Benavidez Canelo Alvarez

MANANATILI si David Benavidez sa timbang na super middleweight hanggang sa masungkit niya ang isa pang  pinapangarap na major title bukod sa nasa kanyang posesyon. Nakatakda niyang harapin si David Lemieux para sa interim WBC super middleweight title sa May 21 sa Showtime mula sa Gila River Area sa Glendale, Arizona.  Misyon ng walang talong kampeon (25-0, 22KOs) ang ikatlong …

Read More »

World no. 5 Pole Vaulter Obiena flag-bearer ng ‘Pinas sa Vietnam SEAG

EJ Obiena

MANGUNGUNA sa hanay ng mga atletang Pinoy si World No. 5 Pole Vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer ng bansa sa pagbubukas ng 31st  Southeast Asian Games na lalarga sa MNy Diknh National Stadium sa Hanoi, Vietnam. Unang plano ng Philippine contingent na dalawa sana ang magiging flag-bearers ng ‘Pinas kasama ni Obiena si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz pero …

Read More »

‘Pistahan sa Mega 5-Cock Derby’ sisimulan  bukas sa Roligon Mega Cockpit

Pistahan sa Mega 5-Cock Derby

AARANGKADA  na bukas (Huwebes)  ang  pinakahihintay na “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby”  sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City para sa una sa walong 2-cock eliminations na nakatakda sa makasaysayang sabungan na itinayo ni Rolly Ligon noong 1988. Nasa 80 kalahok ang inaasahang maglalaban sa pangunguna ni Nico Fuentes (Datu Marikudo), Sherwin Aquino, Cesar Escabalon (Warluck GamebirdNWarriors), Daniel & Friends, …

Read More »