Friday , November 22 2024

Sports

Golovkin tinawag si Canelo na tumatahol na aso

Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

PANANAW ni Gennadiy Golovkin na hindi siniseryoso ni Canelo Alvarez ang magiging  trilogy fight nila sa Setyembre 17 sa T-Mobile Arena sa Paradise, Nevada. May nauna nang pahayag si Canelo tungkol sa magiging laban nila, na kompiyansa siyang pagreretiruhin niya si Golovin sa pagtatapos ng kanilang paghaharap na isasa-ayre ng DAZN pay-per-view. Buwelta ni Golovin (42-1-1, 37 KOs) na maituturing …

Read More »

Kazuto Ioka nakaresbak kay Donnie Nietes

Donnie Nietes Kazuto Ioka

MATAGUMPAY na naidepensa  ni Kazuto Ioka ang kanyang tangang WBO junior bantamweight title nang makabuwelta siya ng panalo via 12-round unanimous decision laban kay fellow four-weight world champion Donnie Nietes  sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo.  Ang official scores ay 120-108, 118-110 at 117-111. Sa panalo ni Ioka na rated No. 2 ng Ring Magazine sa 115 pounds ay naipaghiganti …

Read More »

Khabib posibleng lumaban muli kapag natalo si Makhachev kay Oliveira

Islam Makhachev Charles Oliveira Khabib Nurmagovedov Dana White

BAKANTE sa kasalukuyan ang UFC lightweight championship  pagkaraang sumalto sa official weigh-in  si ex-champion Charles Oliveira.  Dahil doon ay inaasahan na magkakaroon ng tsansa na magkaharap ang tinaguriang ‘Do Bronx’ laban sa No. 4-ranked title contender na si Islam Makhachev  ngayong taon. Mangyayari ang labang iyon kung hindi papapel si featherweight champion Alex Volkanovski. Si Oliveira ay patungo sa kasikatan …

Read More »

Manila dinurog ng Laguna sa PCAP chess

Angelo Abundo Young PCAP Chess

MANILA–Pinangunahan nina Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla,  Woman International Master Ummi Fisabilillah at International Master Angelo Abundo Young ang Laguna Heroes tungo sa 15-6 panalo laban  sa Manila Indios Bravos chess team na binanderahan ni GM Guillermo Colman Vasquez sa pagpapatuloy ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) tournament   virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Miyerkoles. Si Barcenilla, na …

Read More »

Kai Sotto pumirma sa bago niyang ahente na Wasserman

Kai Sotto Wasserman

INIWAN na ni Kai Sotto ang dati niyang agent na si Joel Bell pagkaraang mabigo siyang ma-draft sa 2022 NBA Draft.   At ngayon nga ay gumagawa siya ng hakbang para mapabuti ang kayang basketball career. Nung nakaraang Miyerkoles ay inanunsiyo ng 7-foot-3 na sentro na pumirma siya sa kilalang sports agency na Wasserman.   Ang Wasserman na nakabase sa Los Angeles …

Read More »

Canelo-Golovkin III magiging balikatan

Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin Miguel Cotto

PINARANGALAN si Puerto Rican star Miguel Cotto, dating world division world champion, sa Mexico nung Martes ng World Boxing Council. Sa panayam sa kanya, sinabi nito na para hindi  tuluyang malagay ang   kanyang bansang Puerto Rican  sa  pagkalubog sa boksing sa kasalukuyan, kailangang magkaroon ng matinding pokus ang bansa sa amateur boxing. “I am a product of the amateur school …

Read More »

Fury posibleng nagkaroon ng ‘brain damage’ sa naging trilogy nila ni Wilder

Tyson Fury Deontay Wilder

ISINIWALAT ni Tyson Fury sa kanyang social media account na meron siyang pasa, matinding pamamaga sa likurang bahagi ng ulo  at kinatatakutan niya na baka nagkaroon siya ng ‘brain damage’ pagkaraan ng trilogy fight  nila ni Deontay Wilder. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagretiro siya pagkatapos gibain si Dillian Whyte. Sinabi ni WBC heavyweight champion  na iniwan niya ang …

Read More »

Manlapas,  Sanchez bumida sa FESSAP Nat’l Interscholastic Table Tennis Championship

FESSAP Nat’l Interscholastic Table Tennis Championship

NAKAMIT nina Joshua Manlapas ng Makati-NETTO at J-am Sanchez ng Wadjad Tennis Tavolo ang minimithing slots para sa Philippine Team na isasabak sa  Jinjang World School Games matapos manaig sa boys and girls singles event sa katatapos na 2022 FESSAP National Interscholastic Table Tennis Championship sa Robinson Novaliches sa Quezon City. Tinalo ni Manlapas si Morison Torres ng Paco Citizen …

Read More »

Rhenz Abando pumalit kay Dwight Ramos sa line-up ng Gilas

Rhenz Abando Dwight Ramos

MANILA, Philippines – Kinumpleto ng reigning NCAA Most Valuable Player Rhenz Abando ang roster ng Gilas Pilipinas para sa 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia. Para kay Abando,  hindi niya itinuturing na panakip-butas lang siya sa pagkawala ni Dwight Ramos dahil sa injury dahil  naniniwala siya sa kanyang kakayahan na malaki ang maitutulong niya sa Gilas sa magiging kampanya …

Read More »

Floyd Mayweather bumili ng ‘private jet’  na nagkakahalaga ng $50M

Floyd Mayweather jr private jet

TODO ang pagpapasarap sa buhay ni Floyd Mayweather Jr,  isa sa pinakagaling na boksingero sa kasaysayan ng boksing,  nang bumili ito ng isang ‘private jet’ na nagkakahalaga ng $50M. Matatandaan na kamakailan lang ay bumili ng isa pang Rolls-Royce Cullinan  ang  pinakamayamang boksingero sa mundo gayong meron na siyang isa. Si Mayweather, 45, na tinaguriang ‘Money’ at tinatayang may $625 …

Read More »

Pacquiao aakyat  sa ring sa Disyembre

Manny Pacquiao DK Yoo

AAKYAT muli  sa ring ang ‘living legend’ at ‘all-time great’ Manny Pacquiao sa Disyembre.  Pumayag para sa isang exhibition bout si Pacquiao para  harapin si South Korean martial artist DK Yoo.   Nakatakdang pumirma ng kontrata ang dalawa bago matapos ang buwan.   Inanunsiyo na ni Yoo ang nasabing bakbakan sa kanyang YouTube channel. “I have told you I will fight against …

Read More »

Fabricio Andrade gustong makaharap si Stephen Loman

Fabricio Andrade Stephen Loman

NAULINIGAN ni Kevin Belingon sa sirkulo ng mixed martial arts na ibig  makaharap ni Fabricio Andrade ang kanyang teammate na si Stephen Loman  at  gusto niya ang tsansa ng kanyang kaibigan kung magkakaroon ng kaganapan ang paghaharap ng dalawang batang bantamweights. Pagkaraang magrehistro ng malaking panalo si Andrade laban kay Kwon Won II,  nilapitan niya si Team Lakay head coach …

Read More »

Inigo hari sa under-16 category tournament sa Tanjay City

Michael Jan Stephen Bonbon Inigo 2022 Tanjay City Fiesta Chess

MANILA–Pinagharian ni  Michael Jan Stephen “Bonbon” Rosalem Inigo ang katatapos na 2022 Tanjay City Fiesta Chess Tournament under-16 category tournament na ginanap sa Osmena Park, Tanjay City, Negros Oriental nitong Hulyo 10, 2022. Si Inigo, 14,  Bayawan City Science and Technology Education Center (BCSTEC) Grade 8 student ay tumapos ng perfect 7.0 points, angat kina Lennox Samson at Lance Nathaniel …

Read More »

AFAD may malaking adtibidad sa Hulyo 14-18

AFAD DSAS

MASISILAYANG muli pagkaraan ng  dalawang taong  pagkaantala bunsod ng pandemya ang pinakihihintay na  Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) Defense and Sporting Arms Show na may  malaking aktibidad at programa sa Hulyo 14-18 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City. Sa ika-28 edisyon,  ipinangako ng bagong pangulo ng AFAD na si Hagen Alexander …

Read More »

Dennis Rodman ‘di nagbayad sa kanyang doktor nang singilin siya  ng $25,000

Dennis Rodman

TUMANGGING magbayad ni Dennis Rodman sa kanyang doktor ng $25,000 para ilihim ang X-rays ng kanyang ‘private part’ na nabale. Kilala ang Hall-of-Famer na si Dennis Rodman sa kanyang matitinding aksiyon sa loob ng basketball court sa panahong magkasama sila ni Michael Jordan sa Chicago Bulls. Bagaman matatawag na pag-aari ng publiko ang mga basketball players, merong pagkakataon na gusto …

Read More »

Rafael Nadal wala sa kondisyon sa pagharap niya kay Kyrgios sa semis

Rafael Nadal Nick Kyrgios

INAMIN ni Rafael Nadal na hindi siya ‘fit’ para harapin si Nick Kyrgios sa  Biyernes sa semi-finals ng Wimbledon pagkaraang nadale siya ng ‘abdominal injury’ na muntik nang magpasuko   sa kanya laban kay Taylor Fritz. Kailangan ng second seed na manlalaro na  humiling ng ‘medical time-out’ sa 2nd set  at nagbalik ito na may bagsik.  Nanalo siya sa laban 3-6, 7-5, …

Read More »

Gibbons naniniwalang patutulugin ni Magsayo si Vargas

Mark Magsayo Rey Vargas Sean Gibbons Manny Pacquiao

NANINIWALA si promoter Sean Gibbons na kumpleto ang preparasyon  ni WBC featherweight champion Mark Magsayo para gibain si Mexican challenger Rey Vargas. Tiwala ang MP Promotions chief sa ‘punching power’ ni Magsayo at ang tuminding depensa nito  para wakasin si Vargas sa paparating na weekend sa Alamodome  sa San Antonio, Texas. “Mark’s the new face of Philippine boxing,” pahayag ni …

Read More »

Rudy Gobert nagsalita na kung bakit na-trade siya sa Timberwolves

Rudy Gobert Utah Jazz Minnesota Timberwolves

NAGSALITA na si Rudy Gobert kung bakit ipinagmigay  siya sa isang trade ng Utah Jazz sa Minnesota Timberwolves.  “I think the organization felt like we had passed our window,”  pahayag niya. Puna naman ng  mga miron sa NBA na  masyadong maraming kapalit si Rudy Gobert na ibinigay ng Timberwolves para makuha lang ang serbisyo ng sentro.  Ibinigay nila sa Jazz …

Read More »

Lima pang Chinese players positibo sa Covid-19

FIBA World Cup Asian qualifiers

BEIJING, July 6 (Xinhua) – Nagdagdag pa ng limang national players ang Chinese Basketball Association (CBA) sa listahan  na nagpositibo sa Covid-19 pagkaraang  maglaro ang China sa Australia para sa FIBA World Cup Asian qualifiers.  Karagdagan iyon  sa naunang ilang miyembro na tinamaan ng virus. May kartang dalawang panalo at dalawang talo ang China sa World cup Asian qualifiers at …

Read More »

Eduard Folayang gusto ng rematch kay Eddie Alvarez

Eduard Folayang Eddie Alvarez

SINABI ni Filipino superstar Eduard Folayang na meron silang ‘unfinished business’ ni Eddie Alvarez kaya nararapat lang na magkaroon sila ng rematch. Ang dalawang mixed martial arts legends ay nagkaharap na sa ONE: Dawn of Heroes na nagwagi si Alvarez via first-round submission  sa harap mismo ng Filipino fans nung Agosto 2019. Sa naging laban nila ay parehong nagpakita ng …

Read More »

Makhachev vs Oliveira gustong maikasa ni Khabib

Islam Makhachev Charles Oliveira Khabib Nurmagovedov Dana White

HANGAD ni Khabib Nurmagovedov  na magkaroon ng realisasyon ang labang Islam Makhachev vs. Charles Oliveira sa Brazil.  At naniniwala siya na tatapusin  ng una ang huli  sa sarili nitong istilong  Brazilian jiu-jitsu. Nangangampanya si Nurmagomedov para magkaharap sina Makhachev  at Oliviera para sa bakanteng UFC lightweight championship,  Tiwala siyang handang dumayo ang kanyang matalik na kaibigan na dumayo sa teritoryo …

Read More »

Dating Wimbledon champion Cash  inakusahan si Kyrgios ng pangdaraya

Pat Cash Nick Kyrgios

INAKUSAHAN ni dating Wimbledon champion Pat Cash ang kababayang Australian  na si Nick Kyrgios  ng pandaraya at paggamit ng masamang taktika para makakuha ng ‘psychological’ na adbentahe sa kanyang padarag na panalo sa 3rd-round laban kay Stefanos Tsitsipas, at ang kanyang ‘antics’ ay nakasira ng sport’s standing. Pinatawan  ng multang $10,000 si Kyrgios pagkaraan ng first-round match nang duraan niya …

Read More »

Haney haharapin si Davis pagkatapos niya kay Kambosos

Devin Haney George Kambosos Jr Tank Davis

HANDANG harapin ni undisputed lightweight champion Devin Haney ang WBA ‘regular’ 135-lbs champ Gervonta ‘Tank’ Davis sa susunod niyang laban pagkatapos ng  rematch nila ni  dating unified champion George Kambosos Jr. Mataas ang interes ng boxing aficionados na matutuloy ang tinatayang laban  sa pagitan nina Haney (28-0, 15 KOs) at Tank Davis (27-0, 15 KOs) at inaasahan na magkakamal ng …

Read More »

$3M  para sa makapagpapatunay na gumagamit ng PEDs si Israel Adesanya

Israel Adesanya

HINAMON ni Israel Adesanya  ang  mga nag-aakusa sa kanya na patunayan na  gumagamit nga siya ng Performance Enhancing Drugs (PEDs) at nakahanda siyang magbigay  ng $3 million  sa  makapagpapatunay nun. Ayon sa UFC middleweight champion na malinis ang kanyang kunsensiya at katawan sa anumang ipinagbabawal na droga. Maging ang USADA ay makakapagpatunay sa  isinagawa nilang ranmdom testing na malinis si …

Read More »