Sunday , October 13 2024
World Dragon Boat Championships ICF

Sports tourism sa Puerto Princesa palalakasin ng World Dragon Boat tilt

HINDI lamang sports development sa dragon boat bagkus ang matulungan ang turismo ng Puerto Princesa City ang mabibiyayaan sa gaganaping hosting ng bansa sa International Canoe Federation (ICF) World Dragon Boat Championships na nakatakda sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4.

Ayon kay Leonora ‘Len’ Escollante, pangulo ng Philippine Canoe-Kayak Dragon Boat Federation (PCKDF) na tapik sa balikat sa programa ng asosasyon ang pagdagsa ng mga foreign athletes at world-class champions na sasabak sa torneo, gayundin mabibigyan nito ng pagkakataon ang lungsod ng Puerto Princesa na maipakita ang kagandahan ng lungsod, gayundin ang buong lalawigan na tinaguriang ‘Last Frontier’ sa kaniyang pagdalo sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Len Escollante PCKDF
INIHAYAG ni Leonora ‘Len’ Escollante, pangulo ng Philippine Canoe-Kayak Dragon Boat Federation (PCKDF) ang hosting ng bansa sa International Canoe Federation (ICF) World Dragon Boat Championships na nakatakda sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4. sa Puerto Princesa, Palawan. (HENRY TALAN VARGAS)

Kabuuang 2,000 atleta at opisyal mula sa mahigit 30 bansa ang kompirmadong lalahok sa torneo  na kauna-unahang isasagawa sa bansa sa unang pagkakataon. Darating sa bansa ang mga super power sa sports tulad ng Germany, China, Poland, Slovania, Indonesia at Russia.

“Kaya naman po at lubos ang aming pasasalamat sa tulong at suportang ibinigay ni Puerto Princesa City Mayor (Lucillo) Bayron. Isa pong malaking tulong sa ating mga atleta at sa programa ng PCKDF na palawigin ang sports sa pagsasagawa ng malalaking torneo na tulad nito,” sambit ni Escollante.

Ayon kay Escollante, naihanda ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa at ng local na tourism department, sa pakikipagtulungang ng iba’t ibang progresibong asosasyon kabilang ang Indigenous people community ang iba’t ibang palabas at aktibidad upang masiguro ang tagumpay ng torneo.

“Nagpapasalamat din kami syempre sa Philippine Sports Commission, sa Immigration department, Customs at sa Armed Forces of the Philippines na tulong-tulong para mas maging madali ang preparasyon natin sa hosting,” pahayag ni Escollante.

Iginiit ni Escollante na maliban sa hinihintay na pagdating ng mga sports quipment tulad ng paddle at bangkang gagamitin, halos lahat ay nasa tamang kaayusan, kabilang ang pagpapaganda ng gagamiting venue – ang Metro Walk area ng lungsod.

Aniya, kabuuang 40 bagong bangka ang gagamitin sa torneo na may kabuuang 52 events, tampok ang mixed 10-seater smallboat na siyang sentro ng paligsahan dahil ito ang aprubado ng ICF na qualifying meet para sa gaganaping World Games sa susunod na taon sa China.

“Syempre, bukod sa pagiging matagumpay na host, target natin na makakuha ng podium finish at pinakaimportante para sa ating koponan yung mixed – 6 na lalaki at 4 na babae – na gagamiting qualifying meet para sa World Games,” ayon kay Escollante.

Sa kabila ng presensya ng naturang mga kampeon, kumpiyansa si Escollante sa katatagan ng atletang Pinoy na walang patlang ang ensayo sa kanilang main venue sa Taytay, Rizal, gayundin sa Cebu at sa Manila Bay sa Roxas Boulevard.

Aniya, malaking tulong din sa kanilang preparasyon ang sinuportahang byahe ng PSC sa koponan sa interational competitions sa nakalipas na taon. (HATAW Sports News)

About hataw tabloid

Check Also

Tao Yee Tan Marian Capadocia LA Canizares Pia Cayetano Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Wagi sa Asia Pacific Padel Tour – Singapore; Tan-Capadocia unang All-Filipina Champions

Kampeon ang Padel Pilipinas at National Team Members na sina Tao Yee Tan at Marian …

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

PNB Every Step Together Rebranding Campaign of the Year copy

PNB’s ‘Every Step Together’ named as Rebranding Campaign of the Year 

Philippine National Bank (PSE: PNB) was given the recognition, Rebranding Campaign of the Year in …