Thursday , November 21 2024

Sports

PHILRACOM humingi ng suporta sa kanilang blood letting

Matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Region 8, at bilang panahon ng pagdadamayan,  isang napapanahong panawagan ng Philippine Racing Commision (Philracom) para sa kanilang programang  “Dugtong-Buhay” (blood letting program) na gaganapin sa darating na Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite. Naniniwala si Racing Director Commissioner Jesus B. Cantos na higit na kailangan ng mga nabiktima ng bagyong …

Read More »

Big Chill vs Lhuillier

MATAPOS ang come-from-behind na panalo kontra National University-Bano De Oro sa una nitong laro ay impresibo na ang naging performance ng Big Chill sa sumunod na dalawang games sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup. At nais ni coach Robert Sison na manatiling mataas ang kanilang intensity level kontra Cebuana Lhuillier mamayang 2 pm sa JCSGO Gym sa Quezon City upang …

Read More »

Red Lions tutulong sa mga biktima ng bagyo

IMBES na isang bonggang street party, magsasagawa na lang ng pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang San Beda Red Lions bilang selebrasyon sa kanilang muling pagkakampeon sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 89 noong Sabado. Sinabi ng team manager ng koponan na si Jude Roque na nakikisimpatiya ang buong komunidad ng San Beda sa mga …

Read More »

SCUAA-NCR for a cause

ANG 26th State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA)-National Capital Region Games for 2013 na tinampukang “SCUAA NCR FOR A CAUSE” ay tutulak ang opening program sa November 26 sa Quirino Grandstand, Luneta, Manila sa ganap na 3pm.   Guest of honor si Senator Pia Cayetano. Ilan sa events ng athletic meet ng state universities at colleges sa National Capital Region …

Read More »

Tapos na ang panahon ng Danny Boys

NANG ipamigay noong Martes sa mga sportswriters ang schedue ng laro para sa 39th season ng Philipine Basketball Association at line-ups ng mga koponang kalahok ay nirebisa kaagad ng karamihan ang listahan ng mga manlalaro. Tinignan kung ilan ang mga rookies sa bawat teams, kung ilan ang mga nagsilipat ng team at kung ilan ang nagbabalik buhat noong nakaraang season. …

Read More »

Minalas o may iba pang dahilan

Minalas lang ba o may iba pang dahilan ang hineteng si Unoh Hernandez ? Iyan kasi ang naging usap-usapan ng mga klasmeyts natin sa OTB na aking napasyalan at maging sa social group sa computer ay mainit din ang isyu na iyan. Ang tinutukoy kasi nila ay pagkatalo ng tatlong sakay ni Unoh na pawang mga outstanding favorite na sina …

Read More »

Tiger Run wagi sa Grand Sprint Championship

Tinanghal na “Sprint Champion ang alaga ni Mandaluyong City Mayor Benjamen “Benhur” Abalos matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban sa katatapos na Grand Sprint Championship  na ginanap sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite noong Linggo. Isang nakapipigil hiningang photo finish na panalo ang naitala ng Tiger Run laban kay Don Albartini sa 1,000 meters na karera. …

Read More »

Taha magiging back-up ni Fajardo

PUWEDE sanang makakuha ng manlalaro sa first round  ng nakaraang 2013 PBA Rookie Draft ang Petron Blaze matapos na ipamigay sina Mark Isip at Maggi Sison sa Barako Bull kapalit ng No. 5 pick overall. Pero hindi na namili pa ng rookie ang Boosters. Sa halip ay ipinamigay din nila ang No. 5 pick sa Global Port kapalit ng incoming …

Read More »

Lord of War angat sa grand Sprint Championship

Posibleng paboran ng publikong karerista ang Lord of War laban sa anim na iba pang mananakbo sa pagsikad ng 2013 Philracom Grand Sprint Championship na gaganapin sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Ang Lord of War ang itinuturing na bihasa sa maikling karera, na inaasahang higit na makakakuha ng suporta sa mga mananayang karerista. Makakalaban ng …

Read More »

Kulit Bulilit, The Lady Wins wagi sa PHILRACOM incentive race

Bagama’t naantala, naging matagumpay naman ang inilunsad na Philippine Racing Commission (Philracom) Incentive race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite nitong Linggo. Nagwagi sa 2 year old non-placer ng Philracom Incentive race ang Kulit Bulilit ni Arman Chua matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban. Tinalo ni Kulit Bulilit ang anim na kalaban matapos ma-scratch sa laban ang kalahok …

Read More »

Blackwater vs Boracay

IKALAWANG sunod na panalo at pagsosyo sa liderato ang puntirya ng Jumbo Plastic at Boracay Rum sa magkahiwalay na laro sa 2013 PBA D-League Aspirants Cup mamaya sa JCSGO Gym sa Quezon City. Makakasagupa ng Jumbo Plastic ang Cafe France sa ganap na 12 ng tanghali at susundan ito ng duwelo ng Boracay Rum at Blackwater Sports sa ganap na …

Read More »

NCAA Final 4, finals mapapanood sa TV5

MAG-UUSAP ang Management Committee ng National Collegiate Athletic Association sa Sports5 ngayong linggong ito tungkol sa pagsasahimpapawid ng mga laro sa Final Four at Finals ng Season 89 men’s basketball sa TV5. Ayon sa pinuno ng MANCOM na si Dax Castellano ng College of St. Benilde, ililipat ang oras ng mga laro ng NCAA sa alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 …

Read More »

Pagsibak kay Toroman sa Barako dinipensahan

NILINAW kahapon ni Barako Bull team manager Raffy Casyao ang isyu tungkol sa biglaang pagkasibak ni Rajko Toroman bilang consultant ng Energy Colas. Sinabi ni Casyao na maiksi lang talaga ang trabaho ni Toroman at talagang si Bong Ramos ang head coach ng koponan. “We chose to stick with the old system. We feel disrupting or adapting a new system …

Read More »

Tsina sisikaping makapasok sa FIBA World Cup

TATANGKAIN ng Tsina na maging isa sa mga wildcard na entries para sa 2014 FIBA World Cup na gagawin sa Espanya. Pormal na nagsumite ng aplikasyon ang mga Intsik na makapasok sa torneo pagkatapos na matalo sila sa quarterfinals kontra Chinese Taipei sa huling FIBA Asia Championships na ginanap dito sa Pilipinas noong Agosto. Bukod sa Tsina, tatangkain ding makapasok …

Read More »

NLEX handang umakyat sa PBA

PINAG-IISIPAN na ng North Luzon Expressway ang pag-akyat nito sa PBA bilang expansion team sa susunod na taon. Sinabi ng pangulo ng NLEX na si Rodrigo Franco na ang pagiging kampeon ng Road Warriors sa PBA D League ay isang senyales ng pagiging handa na maging ika-11 na koponan sa liga. “We have always made sure that this team is …

Read More »

Panalo ang Ginebra kay Slaughter

BALI-BALIGTARIN man ang mundo at paulit ulit na timbangin ang pros at cons, aba’y napakahirap namang ipikit ang mata at huwag piliin bilang No. 1 ang seven-footer na si Gregory Slaughter sa 2013 PBA Rookie Draft kahapon! Kahit na anong mangyari, aba’y hindi puwedeng hindi kunin ng Barangay Ginebra San Miguel si Slaughter! Kasi nga’y mayroong nagsasabi na puwede rin …

Read More »

4 na malalaking pakarera ng PHILRACOM sa pagtatapos ng 2013

Apat na malalaking pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang nakalinya ngayong buwan ng Nobyembre at Diseyembre sa pagtatapos ng taon 2013. Unang aarangkada ang 1,000 meters na Grand Sprint Championship na may nakalaang P1-milyon sa Nobyembre 10 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite. Maghaharap ang pitong kalahok na sina Fierce and Fiery, Si Senior, Don Albertini, Lord of …

Read More »

Heat kinatay ang Bulls

TINANGGAP muna ng Miami Heat ang kanilang championships ring bago nila tinusta ang Chicago Bulls, 107-95 sa pagbubukas ng 2013-14 National Basketball Association kahapon. Muntik malusaw ang ipinundar na 25-point lead ng two-time defending champions Heat dahil naibaba ito ng Bulls sa walong puntos, 95-87 matapos sumalaksak si Carlos Boozer may 2:47 minuto na lang sa Fourth period. Kumana si …

Read More »

Rios handa kay PacMan

TULUY-TULOY ang magandang preparasyon ni dating WBA lightweight champion Brandon Rios para sa magiging laban nila ni Manny Pacquiao sa November 23 sa Macau, China. Tiwala si Rios na nasa tamang landas sila ng preparasyon ni trainer Robert Garcia para talunin ang dating tinaguriang hari ng pound-for-pound. Naniwala naman si Garcia na ibang Manny Pacquiao na ang kakaharapin ni Rios …

Read More »

Donaire vs Darchinyan rematch magiging madugo

INAASAHAN na magiging madugo ang rematch nina Nonito Donaire at Vic Darchinyan sa darating na Nobyembre 9 na lalarga sa Texas. Parehong may gustong patunayan ang dalawang boksingero sa magiging paghaharap nila sa nasabing rematch pagkatapos ng mahigit na anim na taon, kaya inaasahan na ilalabas nilang dalawa ang lahat ng lakas sa arsenal para talunin ang isa’t isa. Nagharap …

Read More »

Pagdagdag ng koponan prayoridad ni Segismundo

NANGAKO ang bagong tserman ng Philippine Basketball Association board of governors na si Ramon Segismundo na pangungunahan niya ang planong expansion ng liga. Mula pa noong 2000 ay sampu ang mga koponan ng PBA dahil may ilang mga kompanya ang nawala at nabili ng ibang mga prangkisa tulad ng Globalport na nakuha ang prangkisa ng Coca-Cola habang nakuha ng Meralco …

Read More »

Almazan MVP ng NCAA

HALOS inaamoy na ni Raymond Almazan ng Letran ang pagiging MVP ng National Collegiate Athletic Association para sa Season 89. Ayon sa mga nakahawak ng statistics ng liga, milya-milya ang layo ng 6-7 na si Almazan mula sa mga humahabol sa kanya para sa parangal. Naga-average ngayon si Almazan ng halos 16 puntos, 12 rebounds at dalawang supalpal bawat laro …

Read More »

Miranda itinapon ng Petron

INAYOS kahapon ng Petron Blaze at Globalport ang isang trade habang ginaganap ang planning session ng PBA board of governors sa Sydney, Australia. Sa ilalim ng trade, ililipat ng Blaze Boosters si Denok Miranda sa Batang Pier kapalit ni Chris Ross. Naunang nakuha ng Globalport si Ross mula sa Meralco kasama si Chris Timberlake kapalit naman nina Gary David at …

Read More »

Kaso ni Koga iniimbestigahan na ng NCAA

NAGSIMULA nang mag-imbestiga ang National Collegiate Athletic Association sa kaso ng point guard ng San Beda College na si Ryusei Koga na umano’y naglaro sa isang ligang pambarangay kamakailan. Sinabi ng tserman ng Management Committee ng NCAA na si Dax Castellano ng punong abala ng College of St. Benilde na magkakaroon ng desisyon tungkol sa bagay na ito ngayong araw. …

Read More »