Thursday , November 21 2024

Sports

Sinag balik-aksyon ngayon

PAGKATAPOS ng isang araw na pahinga kahapon dahil sa opening ceremonies, muling sasabak ngayon ang Sinag Pilipinas kontra Myanmar sa pagbabalik-aksyon ng men’s basketball sa 27th Southeast Asian Games. May dalawang panalo ang tropa ni coach Jong Uichico kontra Singapore, 88-75 at Cambodia, 107-57 at llamado sila sa laro kontra sa mga Burmese. Ngunit sinabi ng team captain ng mga …

Read More »

PBA coverage planong ibalik sa IBC 13

INAMIN ng tserman ng PBA board of governors na si Ramon Segismundo ng Meralco na maraming mga tagahanga ng liga ang  galit sa set-up ng Sports5 kung saan sa dalawang hiwalay na istasyon — TV5 at Aksyon TV 41 — pinapalabas ang mga laro. Dahil dito, pinag-iisipan na ng PBA na muling ibalik ang laro sa IBC 13 ngunit ayon …

Read More »

Van Opstal, Perkins mga pivotal players

MGA pambatong players mula sa nag-kampeon na teams sa De La Salle at San Beda ang bibigyan ng parangal ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa magaganap na 2013 Collegiate Basketball Awards sa Saisaki-Kamayan EDSA sa Linggo. Susukbit ng special awards sina Arnold Van Opstal at Jason Perkins ng Green Archers habang sa Red Lions ay sina Art dela Cruz, …

Read More »

Hog’s Breath hihingahan ang Jumbo Plastic

PANGANGALAGAAN Ng Hog’s Breath Cafe ang pangunguna sa duwelo nila ng delikadong Jumbo Plastic sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup mamayang 4pm sa Ynares Arena sa Pasig City. Sa unang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay magtutuos ang Big Chill at Cagayan Valley. Ito’y susundan ng salpukan ng Cafe France at Wang’s sa ganap na 2 pm. Ang …

Read More »

Hagdang Bato nagka-trauma

Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na nagka-trauma ang kanyang alagang si Hagdang Bato sa insidente na  naganap sa simula ng laban nito sa nakaraang 2013 PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Nang kumustahin ng Kontra-Tiempo si Hagdang Bato kay Mayor Abalos, sinabi  nito na nagkaroon ng trauma ang kanyang alaga dahil sa …

Read More »

Hagdang Bato natalo dahil bumangga ang mukha sa depektibong starting gate

NAKAUSAP natin si Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr tungkol sa nangyari sa kanyang super horse na si Hagdang Bato sa pagkatalo nito sa nakaraang  41st PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Galit  na Ikinuwento sa akin kung paano natalo ang kanyang kabayo si Hagdang Bato. Dumalo si Mayor Abalos sa imbestigasyon na …

Read More »

Aguilar may respeto pa rin sa TNT

KAHIT siya’y naging bayani sa panalo ng Barangay Ginebra San Miguel kontra Talk ‘n Text noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup, may respeto pa rin si Japeth Aguilar sa kanyang dating koponan. Nagtala si Aguilar ng 21 puntos, 12 rebounds at pitong supalpal sa 97-95 panalo ng Kings kontra Tropang Texters sa dumadagundong na Smart Araneta Coliseum kung saan …

Read More »

Big Chill, Hog’s Breath Llamado sa laban

KAPWA pinapaboran ang Big Chill at Hog’s Breath Cafe kontra mga naghihingalong kalaban sa  2013-14  PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City. Makakaharap ng Big Chill ang Arellano University/Air 21 sa ganap na 2 pm. Makakasagupa naman ng Hog’s Breath Cafe ang Derulo Accelero sa ganap na 4 pm. Ang Hog’s Breath Cafe ang …

Read More »

Masarap talunin ang Rain or Shine — Romero

NATUWA ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero nang tinalo ng kanyang koponan ang Rain or Shine, 90-88, noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup. Ito ang unang beses na nanalo ang Batang Pier kontra sa Elasto Painters mula noong sumali ang tropa ni Romero sa liga noong isang taon. Ilang beses na naglaban ang ROS at Globalport …

Read More »

Laban ni Rigondeaux nakaaantok

PAGKATAPOS ng mainit na palitan ng kamao nina James Kirkland at Golen Tapia sa Boardwalk Hall sa Atlantic City na gumising sa kuryusidad ng boxing fans, nakaramdaman naman ng antok ang mga manonood sa naging laban nina Guillermo Rigondeaux at Joseph Agbeko. Katulad ng ginawa ni Rigondeaux nang tinalo niya sa nakakainip na laban si Nonito Donaire noong nakaraang taon, …

Read More »

Barcelona hindi biro ang tinapos

Isang bagitong mananakbo na naman ang ating aabangan at panonoorin mula sa kuwadra ni Mayor Sandy Javier, iyan ay walang iba kundi ang kabayong si Barcelona na nagwagi sa kanyang maiden assignment nitong nagdaang Biyernes sa pista ng Sta. Ana Park. Sa halos buong distansiya ng laban ay nakapamigura lang ang sakay niyang hinete na si Jesse B. Guce at …

Read More »

Dipektibong starting gate dapat busisiin ng PHILRACOM

LIGTAS pa ba ang mga kabayong pangarera sa tatlong karerahan kung ang mga ito’y gumagamit ng mga dipektibong starting gate? Ito ang dapat busisiin  ng Philippine Racing Commissioner (Philracom) sa isinasagawang imbestigasyon sa  Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaugnay sa reklamong inihain ng kampo ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos matapos madisgrasyang matalisod ang super horse na si Hagdang …

Read More »

TV5 kontento sa bagong iskedyul ng PBA

MULING iginiit ng pangulo at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana na hindi babaguhin ang iskedyul ng mga laro ng PBA sa TV5 at Aksyon TV kahit ayaw ng maraming mga tagahanga ng PBA ang ganitong set-up. Sinabi ni Lorenzana na mas malinaw ang signal ng TV5 kumpara sa IBC 13 na dating istasyon ng liga na blocktimer noon …

Read More »

Cagayan Valley vs Jumbo Plastic

PAGSOSYO sa ikalawang puwesto ang pakay ng Jumbo Plastic sa salpukan nila ng Cagayan Valley sa 2013-14  PBA D-League Aspirants Cup mamayang 2 pm sa Blue Eagle Gym sa Quezon City. Sa ikalawang laro sa ganap na 4 pm ay magkikita ang Cafe France at Zambales M-Builders. Ang Jumbo Plastic, na hawak ni coach Stevenson Tiu, ay may 5-1 karta. …

Read More »

RTU kampeon sa 26th SCUAA-NCR Chess

NASIKWAT ng Rizal Technological University (RTU) ang overall championship sa pagtatapos ng 26th SCUAA-NCR (State Colleges and Universities Athletic Association -National Capital Region) Chess Team Competition Miyerkoles sa 3rd floor ng  Library area of Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) Villamor Campus in Pasay City. Nakopo ng RTU Thunders ang gold medals sa men’s at women’s chess team meet ng …

Read More »

Pamaskong padyakan ng Kyusi sa Linggo na

MATAPOS ang matagumpay na padyakan noong nakaraang Linggo ng isang Trial  bikefest, na pumalit muna sa isang mas malaking padyakan, opisyal nang hahataw ang pinakaantay na “Pamaskong Padyakan sa Kyusi Circle” sa darating na Linggo, Disyembre 8. Dahil sa dagsang kaganapang nangyayari sa paligid ng Quezon Memorial Circle, Elliptical Road, Lungsod Quezon tuwing weekend, naobliga ang mga punong-abalang sina    Antonio …

Read More »

Boosters nananalo kahit kulang ang sandata

PAHIRAP nang pahirap ang sitwasyong dinaraanan ng Petron Blaze para mapanatiling malinis ang record nito sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup. Aba’y mutik na silang masilat ng Alaska Milk noong Sabado pero nakakapit sila hanggang sa dulo upang mairehistro ang ikalimang sunod na tagumpay at manatiling tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa torneo. Bago ang panalong iyon ay …

Read More »

PacMan ‘di na lalabanan si Marquez?

PAGKARAANG na manalo noong nakaraang linggo si Manny Pacquiao kay Brandon Rios via unanimous decision, marami ang nagsasabing nagbalik na nga ang dating bagsik ng Pambansang Kamao sa ring. Sa Venetian Resort’s Coati Arena ay nasaksihan ng boxing fans kung paano pinaglaruan sa loob ng 12 rounds ng Pinoy pug ang future ng boksing na si Rios pagkatapos ng masaklap …

Read More »

Ildefonso nakatakdang maging free agent

DAHIL hindi pa binibigyan ng bagong kontrata ng Petron Blaze SI Danny Ildefonso, nakatakda siyang maging free agent sa ilalim ng bagong patakaran ng PBA. Ngunit kung si Ildefonso ang tatanungin, nais niyang makalaro uli sa Blaze Boosters kahit isang komperensiya lang bago siya tuluyang lumipat sa ibang koponan o mag-retiro. ”Gusto ko lang naman malaman kung may chance pa …

Read More »

RTU dinomina ang SCUAA-NCR boxing tourney

NASIKWAT ng Rizal Technological University (RTU) ang walong (8) gold medals para mag-overall champion sa men’s division ng boxing competition tungo sa panibagong banner year sa 26th State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA)-National Capital Region Games for 2013 na tinampukang “SCUAA NCR FOR A CAUSE” na ginanap sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) Villamor Campus sa Pasay City …

Read More »

Wala sa timing si BIR commissioner Kim Henares

NAG-ARAL kaya  ng music itong si BIR Commissioner Kim Henares? Aba’y wala kasi siya sa TIMING.  Habang kumakanta kasi ng pagbubunyi ang sambayanang mahilig sa boksing sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Bam Bam Rios noong nakaraang Linggo, iba ang kanyang kinakanta. Sukat ba namang salubungin ng paniningil ng BIR ang nagdiriwang pang si Pacman.  Hayun, imbes na pag-usapan …

Read More »

Ildefonso balak din kunin ng TNT

PAGKATAPOS ni Danny Seigle, si Danny Ildefonso naman ang pakay na kunin ng Talk ‘n Text. Isang source ang nagsabi na pinag-iisipan ng Tropang Texters na makuha ang serbisyo ni Ildefonso na hindi binigyan ng bagong kontrata ng Petron ngayong PBA season. At dahil limang Fil-Am ang puwede lang sa isang koponan ng PBA, plano ng TNT na pumasok sa …

Read More »

Jumbo Plastic pinabagsak ang Wang’s

SUMANDAL ang Jumbo Plastic Linoleum sa matinding pagratsada sa huling yugto upang padapain ang Wang’s Basketball-Athletes in Action, 75-59, kahapon sa PBA D League Aspirants Cup sa Blue Eagle Gym sa Lungsod ng Quezon. Nalimitahan ng Giants ang Couriers sa anim na puntos sa huling quarter upang makamit ang kanilang ika-limang panalo kontra sa isang talo. Naunang nakuha ng Jumbo …

Read More »

Hindi lang pang-depensa si Wilson

PUWEDE naman palang manalo ang Meralco Bolts kahit na malasin ang kanilang main  scorer na si Gary David. Ito ang kanilang pinatunayan noong Miyerkoles nang tambakan nila ang Air 21 Express, 112-79 para sa unang panalo nila sa tatlong laro sa PLDT myDSL Philippine Cup. Buhat sa 16-15 na abante sa pagtatapos ng first quarter ay lumayo ang Meralco Bolts …

Read More »