Friday , November 15 2024

Opinion

Manigong Bagong Taon

AKSYON AGADni Almar Danguilan HAPPY New Year mga mahal namin walang sawang sumusuporta sa HATAW. Kumusta naman ang inyong pagsalubong sa bagong taon na 2022? Positibo ba ang inyong pagtanggap sa bagong taon na ipinagkaloob sa ating ng Panginoong Diyos? Dapat lang po dahil isa na namang oportunidad ito para sa atin. Akalain ninyo, sa kabila ng ating pagkukulang sa …

Read More »

Pekeng environmentalist sa Rizal

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles KUNG kasaysayan ang pagbabatayan, mga katutubong Aeta ang mga unang Filipino at ating mga ninuno. Nasa Filipinas na sila bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop na nagpatupad ng sistemang enkomyenda na ginamit ng mga Kastila sa pag-angkin ng malaking bahagi ng bansa. Sa ilalim ng sistemang enkomyenda, unti-unting itinaboy ang mga unang Filipino, bagay na …

Read More »

Maligayang Paskong-paksiw 2021

YANIG ni Bong Ramos

YANIGni Bong Ramos ISANG maligayang Pasko sa ating lahat sa kabila ng mga hirap at pasakit nating pinagdaraanan sa panahong ito ng pandemya. Ang Paskong-paksiw naman ay isang termino para sa karamihan ng ating mga kababayan na tuloy pa rin hanggang sa ngayon ang sakripisyo sa kanilang buhay. Ang Paskong ito ay hindi na tulad ng mga nakalipas na Pasko …

Read More »

Payout sa Quezon nauwi sa trahedya

AKSYON AGADni Almar Danguilan PERA na naging bato pa? Hindi naman. kundi ang masaya at exciting payout ay nauwi sa trahedya kaya, nariyan pa rin ang atik. Trahedya? May mga namatay ba? May mga malubha ba? E anong trahedya ang nangyari habang may nagaganap na bigayan ng salapi? Wait, huwag masyadong nerbiyosin at sa halip, relax lang po. Ano lang …

Read More »

Pasko para sa mga sinalanta ng Odette

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HABANG isinusulat ito, ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette ay halos umabot na sa 170 katao. Sa katatapos na COP26 Summit sa Glasgow, binigyang-diin ng mga siyentista na palakas nang palakas at lalong nagiging mapaminsala ang mga bagyo habang patuloy na tumataas ang temperatura ng planeta dahil sa climate change …

Read More »

Dapat pa bang pagkatiwalaan ang mga pulis?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAITANONG lang naman natin ito makaraang mangyari ang ginawa umanong panloloob at pagnanakaw ng ilang pulis sa bahay ng isang Japanese national at live-in partner nito sa Pasig City nitong Sabado. Hindi na ang tinangay nilang P10 milyong cash ang pinag-uusapan dito kung hindi ang ipinakita ng mga pulis sa publiko – imbes protektahan ang mamamayan …

Read More »

Naglahong P12-B para sa delubyo

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MATAPOS bayuhin ng bagyong Odette ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, nawindang ang lahat sa tinuran ng Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, wala nang pera ang gobyerno para ipantugon sa mga nasalanta ng delubyo. Taliwas naman sa sinabi ng Pangulo, mayroon pondo para sa mga kalamidad, ayon mismo sa Department of Budget and Management (DBM). Hindi barya …

Read More »

Ang nakalulungkot sa pagbasura ng Comelec sa nurses

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA KANILANG pag-amin, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong weekend, natambakan sila ng mga petisyon at mosyon kaya naman hindi magagarantiyahan ang mabilisang pag-iisyu ng mga resolusyon. Hindi naman sa walang pag-aapura ang mga komisyoner sa pagresolba ng mga kaso, ngunit bukod kasi sa mabusisi at komplikado nilang proseso, kailangan nilang makatupad sa …

Read More »

Baguio City, bukas na, maging ang mga ‘palaro’

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUHAY na buhay na naman ang Baguio City matapos buksan sa mga turista. Araw-araw ay libo-libo ang dumarating para magbakasyon. Sarap kasi ng klima ngayon sa lungsod. Brrrr, napakalamig. Hanggang Pebrero iyan. Sa kabila ng maraming requirements para makapasok at makapagbakasyon sa kilalang “Summer Capital” ng bansa, hindi ito alintana ng mga gustong mag-aliw-aliw sa lungsod. …

Read More »

JSY, the best boss that i’ve ever met

Bulabugin ni Jerry Yap

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko kayang ilarawan ang isang Jerry Sia Yap na nakilala ko ilang taon na ang lumipas simula nang kanya akong tanggapin bilang isa sa mga empleyado niya matapos lumisan sa dating peryodikong aking sinusulatan. Sa unang tingin ko sa kanya ay sobrang seryoso kaya’t inakala kong …

Read More »

FPJ, bida ka pa rin sa buhay namin

Sipat Mat Vicencio

SIPATni Mat Vicencio MAY kirot pa rin ang Disyembre sa kabila ng masayang simoy kapag sumasapit ang buwan na ito dahil sa Kapaskuhan, lalo na sa mga tagahanga, supporters, mga kaibigan at pamilya ng dinadakila nating hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe, Jr. Maaaring masasabi ng iba na naka-move on na sila sa pagpanaw ng kanilang idolo. Pero …

Read More »

Walang dating kay Duque

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MULING lumutang ang bulung-bulungan sa pagbaba sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque na matagal nang ipinasisibak sa puwesto bunsod ng mahabang talaan ng bulilyasong kinasasangkutan ng kanyang departamento. Sa lingguhang pulong ng mga Kalihim sa Palasyo, hayagang inalok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang puwesto ni Duque kay Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research Group – isang …

Read More »

COMELEC ‘di kasama sa dayaan tuwing eleksiyon?

Dragon Lady Amor Virata

Isumbong moKay DRAGON LADYni Amor Virata ITINANGGI ni Commission on Elections (COMELEC) spokesperson James Jimenez na kasabwat ang Comelec sa mga gustong manalo tuwing eleksiyon kapalit ng pera. Ayon kay Jimenez, walang dayaan na mangyayari kapalit ng salapi dahil automated machine ang ginagamit sa araw ng halalan. Deretsahang sinabi ni Jimenez na ang nagpapakalat umano ng isyu ay mga desperadong …

Read More »

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

Bulabugin ni Jerry Yap

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo ng Bayan, ang hard-hitting columnist na si Boss Jerry Sia Yap sa kanyang mga empleyado — isang pagkakataon at oportunidad na hindi ko naranasan at hindi ko nakita sa ibang mga nakasama at napasukan ko. Sa artikulong ito, nais kong balikan ang mga larawan na …

Read More »

Kapaskuhan ng BJMP, PDLs, magiging masaya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIYAK na magiging masaya ang Pasko ng persons deprived of liberty (PDLs) o ang mga nakapiit sa mga kulungan na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).  Bakit naman? E ‘di ba, pangsamantalang ipinagbabawal ang dalaw dahil sa CoVid-19? Tama, ipinagbabawal (muna) para maiwasan ang maaaring puwedeng mangyari sa mga piitan – ang …

Read More »

Sa gitna ng katahimika’t kaordinaryohan maririnig at makikita ang Diyos…

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG Salita ng Diyos nitong nagdaang Araw ng Linggo sa pamamagitan ni San Lukas (3:1-6) ay nagtuturo kung saan natin makikita ang Diyos at kung sino ang kanyang mga kasama’t pinagkakatiwalaan. Pansinin na binanggit sa mga talatang ito sina Emperador na si Tiberius Caesar ng Roma, ang Gobernador ng Judea na si …

Read More »

Balik-trabaho na tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA GITNA ng sadsad nating ekonomiya – napuruhan at inilugmok ng CoVid-19 pandemic – sa mga huling linggo ng 2021 ay mayroong nababanaagang pag-asa para sa ating magandang bansa. Marahil pupuwede nating ikonsidera sa kalagitnaan ng krisis, ang ating year-end deficit ay nasa P1.7 trilyon, mababa sa P1.9-trilyon taya ng Development Budget Coordinating Committee, …

Read More »

Forever grateful kay JSY

Bulabugin ni Jerry Yap

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si Sir Jerry S Yap. Napa-cool kasi niya, organize, marunong makibagay sa lahat — mapa-empleado (mataas man o mababa ang posisyon), kaibigan, o simpleng taong noon lamang niya nakilala. Ganito raw kasi ang taong marunong makipagkapwa. Walang pinipili, walang sinisino. Lahat pantay-pantay. Kaya naman kahit sino …

Read More »

Christmas party, yes na yes!

Dragon Lady Amor Virata

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata MAGANDANG balita ito sa mga nagsasagawa ng family reunion sa tuwing dumarating ang araw ng Kapaskuhan, dahil pinayagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lugar na nasa  ilalim ng Alert Level 2 (dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19) gaya ng NCR, basta pairalin pa rin ang itinakdang health protocols. …

Read More »

Talas ng Little Mayor

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng anay. Ito ang kuwento ng isang opisyal sa Lungsod ng Pasay kung saan maging ang anay – mahihiya sa katakawan ng isang kaanak ng nakaupong alkalde. Tawagin na lang natin ang nasabing opisyal sa pangalang Teretitat na nagpapakilalang pamangkin ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. …

Read More »

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

Bulabugin ni Jerry Yap

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at kaibigan, tatlong M ang iniwan niyang tatak sa akin. Si Sir Jerry ay isang taong matatag, maasahan, at may paninindigan. Sa rami ng pagsubok na kanyang sinuong sa buhay ay naging matatag siya kaya naging matagumpay na negosyante. Lahat ng nakadaupang-palad niya’y makapagpapatunay na nagsilbi …

Read More »

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMI na akong nabalitaang uri ng pagpatay, pero hindi ko akalain na sa ganitong panahon — 2009 —, at sa ganitong sibilisasyon mayroong (mga) opisyal ng gobyerno na kayang magpapatay ng 58 tao, higit sa kalahati ng bilang ay mga mamamahayag, nang wala pang isang oras. Kinilabutan at naduwal ako nang una kong matanggap ang balitang ito. God have mercy.— …

Read More »

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng problema sa mata dahil sa katarata na kailangang operahan sa lalong madaling panahon. Hindi naman sapat ang aking kinikita sa trabaho kaya naisipan kong humingi ng tulong sa kaibigang reporter na si Jojo Sadiwa,at sinamahan niya ako kay Boss Jerry. Hindi na nagdalawang-isip si Boss …

Read More »