Monday , May 6 2024
Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang iba kundi si Senator Imee Marcos. Ang mga ngiti at saya na makikita sa kanyang mukha ay walang katotohanan at kabaliktaran sa kasalukuyang pinagdaraanan ng senadora.

Sa ngayon, si Imee ay hindi kasali sa kapangyarihang pinagsasaluhan ng mga nakapalibot sa kanyang nakababatang kapatid na si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.  Etsapuwera si Imee at maituturing na ‘saling-pusa’ sa administrasyon ni Bongbong.

Hindi iilan ang nagsasabing ang mahigpit na banggaan ni Imee at ni First Lady Liza Araneta Marcos, ang dahilan kung bakit hindi makaporma ang senadora matapos manalo bilang pangulo si Bongbong.

Matagal na ang sigalot nina Imee at Liza. Kapag sumasapit ang eleksiyon at kandidato si Bongbong, asahang may malaking gulo na mangyayari sa pagitan ng dalawang tinaguriang reyna. At nitong nakaraang eleksiyon, hindi na nga nakaporma si Imee at tuluyan na siyang binakuran ni Liza.

Lalo pang lumubha ang away ng dalawa nang manalo bilang pangulo si Bongbong. Pansinin kung papaanong iligwak si Imee. Basang sisiw sa ginanap na proclamation sa Batasan, parang hindi kasali, malayo at hiwalay sa kanyang pamilyang nagsasaya sa itaas ng rostrum ng session hall ng Kamara.

Nangyari rin ito sa inauguration ni Bongbong. Isolated din si Imee, bukod sa kakaiba at hindi angkop ang kasuotan ng senadora, halos hindi rin siya pinansin nina Bongbong at Liza.

Nitong nakaraang SONA, walang ipinagkaiba ang scenario. Pilit na isinisiksik ni Imee ang kanyang sarili pero halos wala sa kanyang pumapansin lalo ang mga kasama at nakapalibot kay Bongbong.

Ito kaya ang dahilan kung bakit galit at nagwawala si Imee? At para makaganti, sa panimula pa lamang ng panunungkulan ni Bongbong ay inupakan na kaagad ng senadora ang ginawang pag-veto ng pangulo sa Bulacan ecozone kasunod ng pagbatikos sa gagawing paglilinis ng mga smuggler sa DA.

At totoo rin bang halos lahat ng inirekomendang tao ni Imee para makapasok sa administrasyon ni Bongbong ay hindi nakalusot at ibinasurang lahat ng mga nagbabantay at ‘naghaharing uri’ sa Palasyo?

E, sino ang humarang?  Hindi naman siguro si Special Assistant to the President Ernesto “Anton” Lagdameo, Jr., dahil magkaibigan sila ni Imee. Lalong hindi naman si Executive Secretary Vic Rodriguez o si DILG Secretary Benhur Abalos. Hindi kaya si Liza na mismo ang humarang dahil sa mortal niya itong kaaway?

Kung titingnan mabuti, napakalungkot talaga ng nangyayari ngayon sa buhay ni Imee. Very sad na nilalalang ‘ika nga, solong gumagawa ng diskarte at pilit na pinagtatakpan ang kalungkutan sa pagiging abala sa kanyang social media tulad ng TikTok, Facebook, at YouTube.  

Kaya nga, hayaan ninyong ‘ididikit’ ko ang awitin ni Aretha Franklin na minsang inawit na rin ni Chiquito sa kanyang pelikula. Narito ang ilang linya ng awitin… “They see me night and daytime/ Having such a gay time/ They don’t know what I go through/  I’m laughing on the outside/ Crying on the inside…”

About Mat Vicencio

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …