Friday , July 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Dapat bang suportahan ni Digong si Imee sa halalan 2025?

SIPAT
ni Mat Vicencio

SILIP NA SILIP ang diskarte ni Senator Imee Marcos at halatang ginagamit lang ang pakikipagkaibigan kay dating Pangulong Digong Duterte para suportahan ang kanyang kandidatura sa darating na 2025 midterm elections.

Lumalabas na tanging layunin ng ginagawang pagkampi ni Imee kay Digong ay makuha ang suporta ng malawak na grupo ng DDS at masiguro na muling maluluklok sa Senado.

Paeklat pa nga ni Imee… “Kahit ako na lang ang natitira, patuloy kong susuportahan si Digong.”

Sinundan pa ng paikot ni Imee… “Hindi lang dahil kaibigan ko si Digong, kaibigan ko talaga siya, higit lalo si Inday Sara.”

Pero nagkakamali si Imee kung sa tingin niya ay nabobola si Digong. Marami na kasi ang nagdududa sa sinseridad at loyalty ng senadora, at sinasabing dumidikit lang sa kampo ni Digong dahil hindi siya kasali sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr.

Ang matinding gera kay First Lady Liza Araneta-Marcos ang dahilan kung bakit hindi makaporma at etsapuwera sa kasalukuyang pamahalaan si Imee. Kaya malinaw, si Liza ang mortal na kaaway ni Imee at hindi si Bongbong. 

Nang pumutok nga ang away ni Digong at ni Bongbong sa isyu ng ‘bangag at adik,’ mapapansing tahimik lang si Imee, hilong-talilong at napakaingat sa mga binibitiwang salita at hindi pumapanig kahit na kanino. Sabi nga, playing safe si Imee. Ang gulang!

At tulad ni Digong, kailangang higit na mag-iingat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pakikipagkaibigan kay Imee dahil siguradong gagamitin lang din siya nito sa kandidatura ng senadora.

Malalim ang laro ni Imee at tiyak na hindi magpapatalo sa darating na 2025 elections lalo na kung ang suporta ng kampo ni Digong ay kanyang makukuha. Kaya nga, nasa desisyon ni Digong kung papaano niya sisibakin ang mga palundag at paikot ni Imee.

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Dragon Lady Amor Virata

Calixto ng Pasay ‘di kayang gibain

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG mayroon man may lakas ng loob na labanan …