Thursday , January 9 2025

News

DENR surveyor live-in partner kalaboso (Lolo brutal na pinatay)

LA UNION – Nakapiit na sa San Fernando City Jail at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mag-live-in partner na suspek sa brutal na pagpatay sa 61-anyos lolo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Tanqui, San Fernando City, La Union. Ang mga suspek ay sina Richard Cabigun, 22, surveyor ng DENR, residente ng Brgy. Pagudpud, San Fernando …

Read More »

P2 fare hike hirit ng transport groups

PLANONG maghain ng petisyon ngayong linggo ang ilang transport groups para hilingin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil sa pasahe, sa gitna nang panibagong oil price hike. Ayon sa grupo, target nila ang karagdagang P2.00 sa kasalukuyang minimum fare na P8.00. Sinabi ni Efren de Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ang panibagong …

Read More »

Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)

Ipinasara ng pamahalaan ng Quezon City ang Manila Seedling Bank Foundation, Incorporated (MSBFI),  nasa EDSA-Quezon Avenue, dahil sa pagkakautang sa buwis, Lunes ng umaga. Ayon sa report, dahil sa hindi pagbabayad ng real property tax mula 2001 hanggang 2011 na umaabot ng P57 milyon kaya ipinasara ng Quezon City Hall ang Manila Seedling Bank. Dakong 6:00 ng umaga nang ikandado …

Read More »

‘Sinasapian’ sa Agusan dumarami

BUTUAN CITY – Nagkasa ang mga magulang, mga guro at principal ng Datu Lipos Makapandong National High School gayondin ang local officials sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur, ng mga hakbang upang matapos na ang anila’y pagsapi ng  masasamang espirito sa mga estudyante na nagsimula nitong Biyernes, Disyembre 6. Ayon kay Luzminda Pagalong, principal ng paaralan, mula sa 11 …

Read More »

Romualdez pinagbibitiw ni Roxas

IBINULALAS ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang kanyang sama ng loob kaugnay sa aniya’y pagpapabitiw sa kanya sa tungkulin ni DILG Secretary Mar Roxas sa pananalasa ng super typhoon Yolanda, sa Congressional Oversight Committee Hearing sa Senado kahapon.     (JERRY SABINO) IBINUNYAG ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na tinangka ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary …

Read More »

Malampaya funds gagamitin vs power rate hike

INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kina Energy Sec. Jericho Petilla, Executive Sec. Jojo Ochoa, Finance Sec. Cesar Purisima, Justice Sec. Leila de Lima at Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa na pag-aralan ang posibleng paggamit ng Malampaya funds para maibsan ang bigtime power rate hike. Ayon sa Pangulong Aquino, nais niyang matapos ang pag-aaral bago siya bibiyahe papuntang …

Read More »

Super Lotto jackpot lumobo sa P107-M

BIGO pa rin mapalunan ng mga mananaya sa Lotto ang jackpot prize ng 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang winning number combinations ay binubuo ng 10-36-44-35-19-39 na ang premyo ay nasa P107,698,860. Matatandaang nitong buwan ng Setyembre, isa ang maswerteng nanalo ng Super Lotto jackpot na ang premyo ay nasa mahigit P77.14 million. …

Read More »

Anak ng trader patay, 1 pa sugatan sa pamamaril

ZAMBOANGA CITY – Agad binawian ng buhay ang anak ng isang negosyante habang sugatan naman sa ligaw na bala ang isang babae sa insidente ng pamamaril sa Brgy. Tetuan sa Zamboanga City. Batay sa report ng Zamboanga City police office (ZCPO), tadtad ng tama ng bala ng M16 Rifle ang biktimang kinilala ng pulisya na si Al-Sabri Omar Jainuddin, 31, …

Read More »

P10-K bonus sa DoLE workers

INIANUNSYO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang P10,000 bonus ng mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DoLE) Ginawa ito ng Pangulong Aquino sa 80th anniversary ng DoLE sa Quezon City. Sinabi ng Pangulong Aquino, bilang insentibo ito sa kasipagan at dedikasyon ng mga kawani ng DoLE sa paglikha ng mga trabaho. Ayon sa Pangulong Aquino, partikular na …

Read More »

6th Presidential Award, tinanggap ng SMI

NATANGGAP ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang ikaanim na Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) – Exploration Category sa pagpapakita ng namumukod-tanging antas ng dedikasyon, inisyatiba at inobasyon upang mas mapahusay ang pamamahala sa kapaligiran, kaligtasan at kalusugan gayondin sa pagpapaunlad ng komunidad. Ayon kay SMI Executive Vice President Justin Hillier, buong pagpapakumbabang tinanggap nila ang pagkilala at ibinahagi ang …

Read More »

Padyak boy, patay sa tarak

PATAY ang  isang pedicab driver nang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang biktima na si Ronald Vargas,  38, ng Unit 30 Bldg. 7, Temporary Housing, Tondo. Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:15 ng madaling araw natutulog ang biktima nang pasukin ng …

Read More »

Evacuation, deployment ikinasa sa Yemen

ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 3 ang crisis alert sa bansang Yemen, sa gitna nang patuloy na pag-igting ng tensyon sa nasabing rehiyon. Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez, sa ilalim ng alerto, ipinaiiral na ng gobyerno ang “total deployment ban” ng overseas Filipino workers sa nasabing bansa. Binanggit din ng opisyal, nakahanda ang pamahalaan na …

Read More »

Bagong Umaga, Bagong Pag-asa, konsiyerto para sa biktima ni Yolanda

https://www.facebook.com/events/636237956418908/?ref=22 MAGSASAMA-SAMA ang mga kilala at iginagalang na musikero ng bansa sa Disyembre 14, Sabado, para sa walang humpay na awitan at tugtugan na laan para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang konsiyerto ay may titulong Bagong Umaga, Bagon Pag-asa na gaganapin sa Pagcor Theater, Casino Filipino,Paranaque (opposite NAIA Terminal 1), 7:00 p.m. Ang Bagong Umaga, Bagong …

Read More »

Parole ni Leviste gustong bawiin ni PNoy

IKINAGULAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang parole na ipinagkaloob ng Board of Parole and Pardons (BPP) kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t sinasabing nasunod ang proseso at nilalaman ng batas ngunit baka may mali sa pagpapatupad ng “spirit of the law.” Ayon sa Pangulong Aquino, paano masasabing nagpakita ng “good conduct” si Leviste …

Read More »

MAKIKITA sa larawan ang oras (9:17 ng umaga) na may petsang 11-26-2013 habang natutulog ang isang Immigration employee na pinaniniwalaang si Immigration Officer (IO) 2 Lugtu habang subsob sa trabaho ang kanyang mga kasama sa Immigration Regulation Division (IRD).

Read More »

ECE stude dumayb sa pool mula sa 24/f lasog

PATAY ang 20-anyos college student  matapos tumalon sa swimming pool mula sa sa kanyang inookupahang kwarto sa 24th floor ng Grand Tower II Condominium, Taft Avenue, Malate, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jethro Mark Pechon, 1st year college sa Technological Institute of the Philippines (TIP), kumukuha ng kursong  Electronics Communication Engineering (ECE), nanunuluyan sa Unit 2423 ng …

Read More »

Probe sa parole ni Leviste utos ni PNoy

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang iginawad na parole kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste, dalawang araw matapos siyang makalaya sa New Bilibid Prison (NBP). “I am not happy with the decision and I am having the whole matter investigated,” pahayag ng Pangulo na isinapubliko kahapon ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. Hinatulan ng hukuman ng …

Read More »

P2.2-T nat’l budget hihimayin ng Kongreso

NAKATAKDANG hihmayin ngayong linggo ng Kongreso ang panukalang P2.2-trillion national budget para sa susunod na taon. Ayon kay House committee on appropriations chair Isidro Ungab, kabilang sa inaasahang matatalakay sa gagawing bicameral conference committee meeting ay ang panukalang pagbuo ng “multi-billion rehabilitation fund” para sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, katulad ng bagyong Yolanda sa Visayas at 7.2-magnitude quake …

Read More »

Bilanggo habambuhay vs aborsyon

PAPATAWAN na nang mas mabigat na parusa ang sino mang magsagawa o masasangkot sa aborsyon. “Fetuses have been found in garbage cans, thrown and abandoned by their mothers only to be discovered by unknown and concerned citizens and reported by the media,” malungkot na pahayag ni Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila), na siyang may akda ng House Bill 3201. …

Read More »

TF binuo sa pagpatay sa radio broadcaster

BUMUO ng task force ang pulisya upang tugisin ang responsable sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Michale Milo. Si Milo, radio brioadcaster at supervisor ng PRIME Radio FM sa Tandag City sa Surigao del Sur, ay namatay matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang motorcycle-riding men. Sa inisyal na report ng PNP, pauwi na ang biktima sakay sa isang motorsiklo …

Read More »

Solar energy suportado ni Grace Poe

SINUPORTAHAN ni Senadora Grace Poe ang paggamit ng solar enery o enerhiya mula sa sinag ng araw bilang alternatibong mapagkukunan ng koryente. Ito ay dahilan na rin pahayag ng Meralco na aabot sa mahigit P4 ang ang dagdag singil kada kWh sa mga konsyumer simula ngayon buwan. Matatandaang inilunsad na rin ng Department of Energy (DOE) ang mga panuntunan at …

Read More »

2-anyos patay sa saksak ni nanay

LEGAZPI CITY – Patay ang 2-anyos batang babae matapos saksakin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Calapucan, Brgy. Poblacion, bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Zhira Ragasa, tinamaan ng saksak sa dibdid dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Nahuli naman ang ina ng biktima na kinilalang si Nerissa Ragasa, 28-anyos. Ayon …

Read More »

Army official patay, 2 pa sugatan sa enkwentro

BUTUAN CITY – Kinompirma ni Captain Christian Uy, spokesman ng Philippine Army 4th Infantry Division, isang Philippine Army junior officer ang namatay habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa enkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur. Inihayag ni Uy, ang tropa mula sa elite 3rd Special Forces Battalion ay idineploy sa Bgy. Buhisan, …

Read More »

300 MMDA personnel pararangalan

PARARANGALAN ang 300 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, isasagawa ang pagbibigay parangal matapos ang gagawing pagpupugay sa watawat ngayong Lunes. Pahayag ni Tolentino, ang pagbibigay parangal ay ang pagkilala sa ipinamalas nilang pagtulong sa clearing operation at pagtukoy sa mga namatay sa bagyo. …

Read More »

‘Peace Ark’ Barkong Ospital ng Tsina tumulong sa Yolanda victims

IPINADALA kamakailan ng gobyerno ng Tsina ang kanilang malaking barkong ospital, ang Peace Ark, para magdala ng tulong medikal at teknikal sa mga naging biktima ng napakalakas na bagyong Yolanda na nanalasa kamakailan sa mga probinsiya ng Leyte, Samar, Cebu, Iloilo at Bohol. Sinabi ng Embassy ng Tsina sa bansa na ang Peace Ark, ang kauna-unahang 10,000 toneladang class barkong …

Read More »