Wednesday , March 22 2023

Muntinlupa Assessor’s employee itinumba

TINAMBANGAN ang isang kawani ng Muntinlupa City Hall ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din si Wilfredo Pastrana, 47, biyudo, draftsman sa Assessor’s Office, residente ng Lot 6, Block 28-J, Huli St., Katarungan Village, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Sa ulat na natanggap ni Sr. Supt. Allan Cruz Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Bruger St., National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Papatawid ang biktima galing sa isang restaurant nang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka at agad siyang pinaputukan nang dalawang beses. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sinisilip ng Muntinlupa City police kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang draftsman sa Assessor’s Office ng lungsod ang pamamaslang.

(MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …

Cyber Security NICA NGCP

PH cyberattack defense mas pinatatag

MAYROON nang mas mahusay na depensa ang Filipinas laban sa mga pag-atake sa mga cybersystem …

TRAFFICKING IACAT

Utos ni FM Jr.,
ANTI-TRAFFICKING CAMPAIGN PAIGTINGIN NG IACAT, PAOCC

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at ang …

Robin Padilla Bongbong Marcos

Robin ‘di magmamakaawa kay Marcos para sa Cha-cha

WALANG balak makipag-usap o magmamakaawa si Senador Robinhood “Robin” Padilla kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Leave a Reply