Wednesday , April 17 2024

11 magsasaka kinidlatan (1 patay, 2 sugatan)

VIGAN CITY – Isa ang patay at dalawa ang sugatan makaraan tamaan ng kidlat ang 11 magsasaka na nagtatanim ng palay sa Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon kay Chief Insp. Simon Damolkis ng PNP Sta. Cruz, nangyari ang insidente sa Brgy. Lantag, bayan ng Sta. Cruz.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Bonifacio Fabro, Jr., 23, habang ang dalawang sugatab ay sina Ramsey Fabro, 26, at Carlo Magno, 24-anyos.

Sa imbestigasyon, nagtatanim ng palay ang tatlong biktima kasama ang walong iba pa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, kumulog, kumidlat at nakakita umano sila ng malaking apoy.

Dinala sa Ilocos Training Medical Center sa La Union ang dalawang sugatan para malapatan ng lunas.

Himalang nakaligtas ang walong iba pa.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

041724 Hataw Frontpage

Sa Digong-China gentlemen’s agreement  
‘CAUCUS’ SAGOT NI TESDAMAN
Sa hiling na imbestigasyon ni Hontiveros

ni NIÑO ACLAN WALA pang katiyakan dahil ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva kanila …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

LTO Land Transportation Office

3.2-M backlogs sa plastic cards ng LTO makokompleto na

INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na …

Apollo Quiboloy Risa Hontiveros

Bakit hindi pa naaaresto?
QUIBOLOY MAPANGANIB — HONTIVEROS

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na isang mapanganib na tao si Kingdom of Jesus Christ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *