Saturday , January 11 2025

News

1 patay, 19 sugatan sa pagsabog sa Bilibid

PATAY ang isang preso habang 19 ang sugatan sa pagsabog sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng umaga. Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., nangyari ang pagsabog sa gate ng Building 5 Delta ng Maximum Security Compound. Habang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayo, granada ang inihagis sa lugar at target ang isang …

Read More »

37K sundalo’t pulis bantay sa Pope Visit

UMAABOT sa 17,000 sundalo at 20,000 police personnel ang magbibigay ng seguridad kay Pope Francis sa pagbisita sa Filipinas simula Enero 15 hanggang Enero 19, 2015. Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., nasa kabuuang 37,000 katao na security detail ang kanilang ide-deploy. Sinabi ni Catapang, ito ang pinakamalaking contingent na kanilang idineploy para sa pagbisita …

Read More »

Back pack bawal sa papal visit

MAHIGPIT na ipagbabawal ang pagdadala ng back pack, iba pang klase ng bag at payong sa mga dadalo sa gagawing misa ni Pope Francis sa Quirino grandstand sa Luneta sa Enero 18. Isa ito sa mga napagkasunduan sa pulong pangseguridad sa Palasyo na pinamunuan ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t …

Read More »

5-anyos paslit niluray ng houseboy

ARESTADO ang isang 44-anyos houseboy makaraan gahasain ang 5-anyos batang babae sa Block 44, Lot 32, Northville 8, Brgy. Bangkal, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Arsenio Macalan, alyas Jojo, habang itinago ang biktima sa pangalang Sherylyn, kinder pupil, kapwa residente sa nasabing lugar. Ayon sa nakatalang ulat ng pulisya, humahangos na nagsadya sa kanilang …

Read More »

Sniper ikakalat ng AFP

INIHAYAG ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapakalat ng mga sniper sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., aabot sa 100 snipers mula sa Philippine Army Special Forces ang ipupwesto ng militar sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Simula sa Sabado, Enero 10, 2015 ‘isasailalim na …

Read More »

Holdaper na lumaslas sa dila ng med stude arestado

NAARESTO na ang suspek sa pagholdap at paglaslas sa dila ng biktimang medical student sa Valenzuela City nitong Miyerkoles. Bago mag-10 p.m. kamakalawa nahuli ang suspek na si Raymond Cabuhat, 30, habang nagsusugal sa Potrero, Malabon. Ito’y makaraan makunan ng closed circuit television (CCTV) ang suspek at tumugma sa sketch ng pulisya. Sa presinto, positibo rin itinuro ng biktima si …

Read More »

Abaya no show

Hindi sumipot si DoTC Secretary Jun Abaya sa pagdinig ng House Transportation Committee kaugnay sa ipinatupad na dagdag-pasahe sa MRT at LRT nitong Enero 4. Sa pag-arangkada ng pagdinig, inabangan ng mga kongresista ang pagdalo ni Abaya na siya sanang dedepensa sa desisyon ng kagawaran. Sinabi ni DoTC Usec. Jose Lotilla, may mahahalagang meeting si Abaya na kailangang daluhan na …

Read More »

Stepdaughter ‘trinabaho’ ng obrero

REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng isang obrero nang ipakulong ng kanyang stepdaughter makaraan pagparausan ang biktima habang natutulog sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City. Kinilala ang suspek na si Floromarine Leones, 35, ng Sampalukan St., Susano Road, Brgy. Deparo ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). …

Read More »

Bebot pinagamit ng shabu bago tinurbo

NAGA CITY – Matinding trauma ang nararanasan ngayon ng isang 20-anyos biktima makaraan gahasain ng isang lalaki sa Tayabas, Quezon. Ayon sa ulat, nasa loob ng bahay nila ang biktima nang mapansin na may tao sa kanilang kusina. Sa pagtataka ay tinungo ang bahagi ng bahay at doon nakita ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Juan. Napansin ng suspek …

Read More »

PNP dapat purgahin — Ping

8HINILING ni dating senador Panfilo Lacson sa officer in charge ng Philippine National Police (PNP) na si Deputy Director General Leonardo Espina na magkaroon ng cleansing process o purgahin ang hanay ng PNP sa bansa para maibalik ang dangal ng mga pulis sa buong bansa. Sa talumpati sa harap ng mga opisyal ng PNP kamakailan kaugnay ng PNP Ethics Day …

Read More »

Security plan sa Papal visit sinuri ni PNoy

PERSONAL na sinuri ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang security plan na inihanda para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, apat oras na pinulong ni Aquino ang mga opisyal na may kinalaman sa pagbibigay ng seguridad sa Santo Papa. Nagbigay aniya ng komento ang Pangulo sa …

Read More »

Kulong vs Celdran pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang parusang pagkakakulong sa tour guide at reproductive health advocate na si Carlos Celdran bunsod nang ginawang pag-iingay sa loob ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila noong 2010. Sa 23-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Carmelita Salandanan-Manahan ng CA 12th Division, sinasabing hindi nagkamali si Metropolitan Trial Court Branch 4 Judge Juan Bermejo Jr. nang hatulan …

Read More »

Trillanes umaksiyon vs dagdag singil sa tubig

INIHAIN ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Proposed Senate Resolution No. 1089 upang imbestigahan ang panibagong dagdag-singil sa tubig ng dalawang pinakamalaking water concessionaire sa Metro Manila, ang Manila Water Company at Maynilad Water Services. “Dapat ipaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), kasama ang Maynilad at Manila Water, itong dagdag pasanin na ito sa ating mga …

Read More »

Dila ng med student nilaslas ng holdaper

MUNTIK maputulan ng dila ang babaeng 29-anyos medical student nang laslasin ng isang holdaper makaraan magsisigaw ang biktima upang humingi ng tulong habang hinoholdap ng suspek sa Valenzuela City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Maria Regina Gabriel, estudyante ng Our Lady of Fatima University (OLFU), residente sa F. Bautista St., nilalapatan ng lunas sa pagamutan dahil sa sugat …

Read More »

Bus sumalpok sa MRT station, 6 sugatan

SUGATAN ang anim pasahero makaraan sumalpok sa poste ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ang sinasakyan nilang bus kamakalawa ng gabi sa Makati City. Sa anim na mga biktima, kinilala ng MMDA Rescue Team Unit ang tatlo na sina Rose Ann Ablaza, 23; Jose Gimoro, 56, at Allan Diamante, 53, isinugod sa Ospital ng Makati. Sinabi ni MMDA Traffic Constable Rolando …

Read More »

Bahay ng suspek sa indiscriminate firing sinalakay (Sa Ilocos Sur)

VIGAN CITY – Bigo ang pamunuan ng pambansang pulisya sa probinsiya ng Ilocos Sur na makompiska ang lahat ng mga baril na ginamit noong Bagong Taon sa Brgy. San Antonio, sa bayan ng Narvacan. Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) at regional intelligence division, ang nasabing barangay. Isinagawa ang raid sa pangunguna ni ISPPO …

Read More »

2 anak ng live-in partner, sex slave ng driver

ARESTADO ang isang dating family driver na ilang taon gumahasa sa dalawang anak na babae ng kanyang kinakasama sa Nagcarlan, Laguna. Hindi nakapalag ang suspek na si Ariel Manjares ng Brgy. Sta. Lucia nang hulihin ng mga pulis pasado 5 a.m. kahapon. Ikinasa ang operasyon makaraan samahan ng tiyahing taga-Maynila ang dalawang bata na magsumbong sa pulis nitong Martes. Ayon …

Read More »

Timpalak Uswag Darepdep ng KWF itatampok ang mga likha ng kabataang manunulat sa rehiyon

Sa unang pagkakataon, kikilalanin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga pinakamahusay na akdang pampanitikan na isinulat ng mga kabataan sa rehiyon sa timpalak nitong Uswag Darepdep. Para sa taóng 2014-215, tatanggap ng mga lahok para sa maikling kuwento at tula sa wikang Ilokano, Bikolano, Sebwano, at Mëranaw. Maaaring magsumi-te ng tag-isang entri para sa maikling kuwento at tula …

Read More »

US drone dapat suriin ng Pinoy experts — Solon (Kung spy o target)

HINDI dapat i-turn over ng Filipinas sa Estados Unidos ang US drone na natagpuan sa lalawigan ng Quezon kamakailan. Ayon kay House committee on national defense and security chairman Rodolfo Biazon, nananatili ang kanilang pangamba na nag-eespiya ang Amerika sa Filipinas. Sinabi ni Biazon, dapat dalhin ang US drone sa kampo Aguinaldo at ipaeksamin sa Filipino experts upang tukuyin kung …

Read More »

119 kakasuhan sa kartel ng bawang

AABOT sa 119 indibidwal ang kakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagsipa ng presyo ng bawang dahil sa kartel noong nakaraang taon. Kinilala ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ang isa sa mga kakasuhan na si Clarito Barron, dating direktor ng Bureau of Plant and Industries (BPI). Partikular na isasampang kaso ang paglabag sa …

Read More »

Medtech nagbaril sa sarili (Inaway ni misis)

ILOILO CITY – Nakatakdang isailalim sa autopsy examination at paraffin test ang bangkay ng isang medical technologist na sinasabing nagbaril sa sarili sa kanilang bahay sa DG Abordo St., Poblacion, Janiuay, Iloilo kamakalawa. Ayon kay Insp. Kenneth Bermejo ng Janiuay PNP, natagpuan patay ang biktimang si Ryan Servantes y Herbias, 36, sa kanyang silid nang tatawagin sana ng kanyang kaanak …

Read More »

US aerial target drone natagpuan sa Quezon (Pinaiimbestigahan ng Palasyo)

IPINASISIYASAT ng Palasyo sa Department of National Defense (DND) ang natagpuang US aerial target drone sa karagatan ng lalawigan ng Quezon. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hihintayin na lang ng Malacanang ang isusumiteng ulat ng DND hinggil sa pagbagsak ng US drome na may serial number BQ55079 na nasa pag-iingat na ng Patnanungan Police Station. Sa opisyal na …

Read More »

Human shield sa seguridad ng Santo Papa — Palasyo

MAAASAHAN ang kakaibang seguridad na ipatutupad kay Pope Francis lalo pa’t hindi siya gagamit ng Pope mobile. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bukod kay Pope Francis, babantayan din ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga mamamayang dadalo sa event. Ayon kay Lacierda, ‘human shield’ ang pangunahing proteksyong ibibigay ng PSG at mga security personnel para sa Santo Papa. Magugunitang …

Read More »

15-M deboto dadagsa sa pista ng Black Nazarene

INAASAHANG aabot sa 15 milyong deboto ang dadagsa sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Puspusan na ang pag-aayos sa Quirino Grandstand para sa pagdating ng Santo Papa at sa pahalik sa Pista ng Poong Nazareno. Doon din magsisimula ang traslacion. Bukod sa orihinal na imahen, isang replika ang ilalagay sa Quirino Grandstand para sa pahalik. Maaari ring …

Read More »

Bilibid ireporma — Trillanes (Eskandalo imbestigahan)

NAGHAIN si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng resolusyon upang tingnan ang  kasalukuyang sistema ng mga bilangguan sa bansa na sinasabing  nagbigay daan upang magkaroon ng espesyal na pagtrato sa high-profile inmates at sa mga illegal nilang gawain sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). “Malinaw na lumabag ang mga kawani ng NBP sa kanilang mandato nang hinayaan nila …

Read More »