2 pusher kalaboso sa P.5-M shabu

MAHIGIT P.5 milyon ng shabu ang nakompiska  sa dalawang naarestong drug pusher sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

Sa ulat kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., naaresto makaraang makompiskahan ng 300 gramo ng shabu sina Rizaldy Quinto, 34, ng Soldier’s Village, Tala, Caloocan City, at Aliah Barauntong, 33, ng Sta. Rita, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong 4 p.m. nang madakip ang dalawa sa parking area ng isang malaking mall sa Fairview.

Dinakip ang dalawa makaraang bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P360,000, ang ahente ng PDEA na umaktong na poseur-buyer.