Friday , November 22 2024

News

10-anyos nalunod, 2 kapatid 1 pa ligtas sa tumaob na bangka

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 10-anyos batang babae habang nakaligtas ang dalawa niyang kapatid at isa pang kalaro nang tumaob ang sinasakyan nilang rubber boat sa karagatang sakop ng Dipolog City kamakalawa. Batay sa ulat mula sa Dipolog City police station, pumunta sa dalampasigan para maligo ang magkakapatid na sina Angelica Guaduario Ubando, 10; Andrea Guaduario Ubando, 9; Angela …

Read More »

Unit buyers ng Torre de Manila ‘di makakukuha ng full refund (Ayon sa HLURB)

WALANG full refund na makukuha ang unit buyers ng Torre De Manila na nais nang umatras. Matatandaan, ipinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatayo ng kinilalang “Pambansang Photobomber” ng Rizal Monument. Ayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), 50% na lang nang naibayad nila ang mababawi ng mga may-ari ng unit dahil nakabinbin pa ang usapin sa Korte. Hindi …

Read More »

Ambulansiya puno ng bala’t baril nasabat sa Bulacan

NASABAT ng pulisya na nagmamando sa checkpoint, ang isang ambulansiya na may kargang iba’t ibang uri bala at malalakas na kalibre ng baril sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, ang pagkakasabat sa ambulansiya ay bahagi ng ipinatutupad nilang ‘Oplan Lambat-Sibat’ at ito ay naganap sa M. Valte Highway, Brgy. …

Read More »

4.3-M voters walang biometrics – Comelec

NAGPASAKLOLO na ang Commission on Elections (Comelec) sa taong bayan upang mapaangat ang bilang ng mga sumailalim sa biometrics para makaboto sa darating na 2016 presidential elections. Ayon sa Comelec, umaabot pa ng 4.3 million registered voters ang hindi pa naisailalim sa biometrics. Binigyang-diin ni Comelec Chairman Andres Bautista, nanganganib na ma-disenfranchise ang botante kung hindi sumalang sa biometrics o …

Read More »

Mikey Arroyo nakalusot kay Mison (Kahit walang ADO)

SA GITNA ng mga reklamong korupsiyon sa Tanggapan ng Ombudsman, nagpahayag ng pagdududa ang ilan sa mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa katapatan ni Immigration commissioner Siegfred Mison kaugnay na ng sinasabing VIP treatment na ibinigay sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).  Sa isang panayam, sinabi ng …

Read More »

LGU dapat magpasa ng cultural properties– NCCA

IPINAALALA ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga lokal na pamahalaan ang atas na ilista ang lahat ng cultural properties sa kanilang nasasakupan upang maiwasang masira ito ng ano mang proyekto ng pribadong sektor. Ito’y kasunod ng pagpapatigil ng Korte Suprema sa kontrobersyal na Torre de Manila, tinaguriang ‘photo bomber’ ng bantayog ni Dr. Jose Rizal …

Read More »

PNoy ‘bukas’ sa pagbabalik ng peacetalk sa CPP-NPA (Matapos upakan)

BUKAS pa rin ang administrasyong Aquino na buhayin ang naunsyaming negosasyong pangkapayapaan sa komunistang grupo, ayon sa Palasyo. “Ang ating pamahalaan po ay nais isulong ‘yung prosesong pangkapayapaan at patuloy pang sinusuri ang iba pang posibilidad para sa pormal na pagpapanumbalik o resumption ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. …

Read More »

P274-M jackpot ng Grand Lotto solong tinamaan

NASOLO ng isang mananaya ang mahigit P274 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng bagong multi-milyonaryo ang winning combination na 35-01-08-27-30-06. Bago ito, tatlong buwan na walang nakapag-uwi ng jackpot sa Grand Lotto. Samantala, isa pang manlalaro ang tumama sa P36.2 milyon jackpot ng Megalotto 6/45 nitong Biyernes. …

Read More »

Higit 34-K residente apektado ng Mt. Bulusan

UMABOT na sa mahigit 34,000 residente ang naapektuhan ng ibinugang abo ng bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 6,884 pamilya o katumbas ng 34,280 residente ang naapektuhan sa limang bayan sa Sorsogon na kinabibilangan ng Barcelona, Bulusan, Irosin, Casiguran at Juban. Mula Hunyo 17, nasa walong paaralan na ang …

Read More »

Low pressure sa West PH Sea bagyo na

MAPAPABILIS na ang pagpasok ng tag-ulan nang maging tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea. Ngunit ayon sa Pagasa, nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) kaya hindi bibigyan ng local name. Papalayo rin ito sa kalupaan ng ating bansa kaya hindi dapat na ikabahala. Gayonman, maaari nitong mahatak …

Read More »

20 bahay natupok sa Quiapo

UMABOT sa 20 bahay ang natupok habang 40 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa Brgy. 391, Gonzalo Puyat St., Quiapo, Manila nitong Sabado. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Armando Zulueta. Nabatid na hindi agad naapula ng mga bombero ang apoy. “May kahirapan kanina dahil sa wind travel. Malakas ‘yung hangin, malakas …

Read More »

P4-M hiling ng mga naulila sa Kentex fire (Para mag-atras ng kaso)

HUMIHINGI ng P4 milyon ang bawat pamilyang namatayan sa nasunog na pabrika ng Kentex Manufacturing upang iurong ang mga kasong isinampa laban sa mga may-ari ng kompanya. Magugunitang iba’t ibang paglabag ang nasilip sa natupok na pagawaan sa Ubong, Valenzuela City na ikinamatay ng 72 indibidwal noong Mayo 13. Nanindigan si Atty. Remegio Saladero, abogado ng mga kaanak ng mga …

Read More »

Hilbay new SolGen kapalit ni Jardeleza

PORMAL nang inianunsyo ng Malacañang ang pagtatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Atty. Florin Hilbay bilang Solicitor General sa Office of the Solicitor General (OSG). Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinirmahan ni Pangulong Aquino ang kanyang appointment noong Hunyo 16, 2015. Si Hilbay ang papalit kay dating SolGen Francis Jardeleza na naitalaga na noong Agosto 2014 …

Read More »

Petisyon vs BBL inihain sa SC

ISANG petisyon ang inihain ng iba’t ibang grupo sa Supreme Court (SC) upang ipabasura ang Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) na siyang pundasyon ng isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL). Ang naturang apela ay isinumite ng Philippine Constitution Association, Tacloban Rep. Ferdinand Martin Romualdez, dating Senador Francisco Tatad, dating Defense Secretary Norberto Gonzales at mga arsobispong sina Ramon Arguelles, Fernando …

Read More »

CEBPAC, CEBGO flights inilipat

SIMULA Agosto 15, 2015, ang Cebu Pacific flights na gumagamit ng turbo-prop o ATR aircraft, katulad ng mula sa Maynila patungong Caticlan, Busuanga, Laoag at Naga, ay mag-o-operate sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4. Habang ang lahat ng Cebgo (dating Tigerair Philippines) flights ay mag-o-operate sa labas ng NAIA Terminal 3, simula sa nabanggit na araw. …

Read More »

Villar sumama sa ‘test run’ ng PNR Train

SUMAMA si Sen. Cynthia Villar sa Philippine National Railways (PNR) officials na nagsagawa kahapon ng trial run ng commuter line mula Tutuban hanggang Sta. Rosa, Laguna station. Bilang chair ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises at principal sponsor ng batas na nagpalawig sa corporate life ng PNR sa panibagong 50 taon, umaasa si Villar na matutupad ng …

Read More »

Session hall nirapido ng armalite (Vice Mayor, bodyguard patay)

  CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang vice mayor ng Jones, Isabela nang harangin ang mga bala ng M16 armalite rifle na ipinangrapido ng isang lalaki na sapilitang pumasok sa session hall ng lungsod na ito. Inihayag ni Atty. Jay-ar Valejo, legal consultant ng tanggapan ng pangalawang punong bayan, nagsasagawa sila ng sesyon nang puwersahang sirain ang pintuan ng nasabing …

Read More »

50-storey pambansang ‘photo bomber’ ipagigiba

  HANDA ang Maynila na gibain ang Torre de Manila kung ipag-uutos ng korte. Ayon sa local executives, kung iuutos ng Korte Suprema na ipagiba sakaling mapagdesisyon na labag sa batas ang konstruksiyon ng kontrobersiyal na 50-storey condominium. Gayonman, hinihintay pa ang magiging hatol ng korte bago sila gumawa ng aksyon sa halos 50-palapag na gusali. Wala pang nailalatag na …

Read More »

Roxas double digit Binay bumagsak sa survey

PATULOY ang pagbaba ng mga numero ni Vice President Jejomar Binay sa presidential surveys. Base sa huling Ulat ng Bayan ng Pulse Asia, bumagsak sa 22% ang bilang ng mga sumagot sa survey na boboto para kay Binay sa darating na eleksyon sa 2016 mula sa 30% na naging rating niya noong Marso.  Nanguna naman si Senadora Grace Poe na …

Read More »

C/Supt. Nana, 7 pulis pa kinasuhan sa Sandiganbayan (Press Freedom binastos)

NAKATAKDANG sampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang hepe ng  Manila Police District,  hepe ng NAIA PNP- Aviation and Security Group, at anim na opisyal pang pulis ng MPD kaugnay sa ilegal na pag-aresto sa dating presidente ng National Press Club sa kasong libel nitong nakaraang Abril, araw ng Linggo ng Pagkabuhay, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ang …

Read More »

Pag-angat ni Poe dedma sa Palasyo (Sa Pulse Asia survey)

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Palasyo ang pangunguna ni Sen. Grace Poe sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey sa 2016 presidential bets. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t ang resulta ng survey ay nagpapahiwatig kung sino ang napupusuang kandidato ng mga mamamayan, hindi prayoridad ng administrasyong Aquino ang 2016 elections. Nakatuon aniya ang atensiyon ng Pangulo at ng gabinete …

Read More »

Binay etsapuwera sa special cabinet meeting sa Palasyo

ETSAPUWERA sa special cabinet meeting sa Palasyo kahapon si Vice President at housing czar Jejomar Binay kahit na ang agenda ay pabahay sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., si National Housing Authority (NHA) general manager Chito Cruz ang nagbigay ng update hinggil sa housing reconstruction projects sa Eastern Visayas …

Read More »

Comelec dapat magmadali para sa 2016 polls — election lawyer

 INIHAYAG ng isang election lawyer na dapat nang ma-daliin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakasa sa 2016 elections.  Idiniin ni Atty. Romulo Macalintal, hindi pa rin natutukoy ng Comelec ang sistemang susundin sa pambasang halalan, nasa isang taon bago ito sumapit.  Dahil dito, iginiit ng abogado na mas mabuti pang ipagpaliban na lang eleksyon kung hindi matitiyak na magiging …

Read More »

Ex-LP official bagong hepe ng CHR

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang dating mataas na opisyal ng Liberal Party bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR). Pinalitan ni Atty. Jose Luis Martin “Chito” Gascon, dating director general ng LP, ang nagretirong CHR chairwoman Loretta Ann Rosales, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. Magsisilbi si Gascon bilang pinuno ng CHR hanggang Mayo …

Read More »