Miriam nakalabas na sa ospital

NAKALABAS na sa Makati Medical Center si Senadora Miriam Defensor-Santiago makaraan isugod sa nabanggit na ospital nitong nakaraang linggo.

Batay sa ipinalabas na kalatas ng tanggapan ni Santiago, kamakalawa ng hapon nang umuwi sa kanilang tahanan ang senadora.

Si Santiago ay isinugod sa pagamutan nang humina ang katawan dahil sa kawalan ng ganang kumain bunsod ng kanyang sakit na kanser.

Sa pananatili ni Santiago sa pagamutan, hindi pinahintulutan ang sino mang dadalaw gayon din hindi tumanggap ng mga bulaklak.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling sa kanyang tahanan ang senadora.