Tuesday , December 16 2025

News

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

Pilita Corrales

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na si Pilita Corrales sa edad 85. Ibinahagi ng apong si Janine Gutierrez sa kanyang Instagram page ang pagpanaw ng mahusay na singer kasabay ang paghiling ng dasal sa kaluluwa ng kanilang lola. “It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, …

Read More »

Campaign funds ni Rep. Zamora, ‘iniyabang’ ni Abby sa Taguig

Taguig

LANTARANG ipinagyabang ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘limpak-limpak’ na campaign funds ni incumbent Rep. Pammy Zamora sa ginanap na campaign sorties nito sa CEMBO, Taguig City na tila ipinang-aakit ng boto para sa kanilang kandidatura. Sa ginanap na campaign rally sa CEMBO, Taguig City, sinabi ni Mayor Abby na kaya may lakas nang loob siyang humarap sa taga-Taguig, dahil …

Read More »

Carlo Aguilar, nais itaas sa ₱50K-health benefits ng kalipikadong Las Piñeros sa Green Card Program

Carlo Aguilar

NANAWAGAN si Las Piñas City mayoral candidate Carlo Aguilar ng malaking upgrade sa programang pangkalusugan ng lungsod, simula sa panukalang itaas ang taunang medical benefit ng Green Card mula ₱30,000 tungong ₱50,000 kada miyembro ng pamilya, at palawakin ang libreng serbisyo sa gamot sa lahat ng barangay health centers. Ayon kay Aguilar, ang pinahusay na Green Card program na kanyang …

Read More »

Rep. Mitch Cajayon-Uy waging kongresista sa Caloocan District 2 — OCTA Research

Mitch Cajayon-Uy

NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Caloocan City si Incumbent Representative Mitch Cajayon Uy. Sa tanong na kung ang eleksyon ng Mayo 2025 ay isasagawa ngayon at ang mga sumusunod na indibidwal ay kandidato sa pagka-CONGRESSMAN/WOMAN NG DISTRICT 2 NG CALOOCAN CITY, sino po sa kanila ang inyong iboboto? …

Read More »

FIFA certification test ipinatupad sa Rizal Memorial Stadium Complex (RMSC) football field

FIFA certification test ipinatupad sa Rizal Memorial Stadium Complex (RMSC) football field

ISINAILALIM sa Federation Internationale de Football Association (FIFA) certification test nitong Huwebes ang bagong-gawang Football Field ng Rizal Memorial Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. Kasama ang mga kawani ng Philippine Sports Commission (PSC), dumalo si PSC Chairman Richard E. Bachmann sa pagsubok ng newly installed Limonta Artificial Turf football field na naging bahagi …

Read More »

TRABAHO Partylist, nangakong kikilos laban sa labor rights violations sa PH

TRABAHO Partylist 106

IPINAHAYAG ng TRABAHO Partylist ang matinding pag-aalala sa inilabas na ulat kamakailan na nagtala ng 83 kaso ng paglabag sa karapatang paggawa sa buong bansa. Nangako ang grupo na makikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno, mga unyon ng manggagawa, at mga pribadong sektor upang mas maprotektahan at maipatupad ang karapatan ng mga manggagawa. Batay sa ulat ng Federation of Free …

Read More »

P139-M basura scandal  
MALABON MAYOR, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

041125 Hataw Frontpage

HATAW News Team SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kaugnay ng P139-milyong kontrata sa basura mula sa pribadong kompanyang hindi naman ginawa ang kanilang obligasyon. Batay sa demanda ni Editha Nadarisay, residente ng Malabon, bago pa siya nagsampa ng kaso, siya at ang mga residente ay nagpada ng open letter kay …

Read More »

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

No Firearms No Gun

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng nationwide gun ban na kasalukuyang ipinapatupad sa ilalim ng Omnibus Election Code. Una rito, dakong alas-2:40 ng hapon ng Abril 8,  ay inaksyunan ng mga tauhan ng San Simon Municipal Police Station ang …

Read More »

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

cal 38 revolver gun

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, Bulacan kamakalawa. Sa ulat ni PLt.Colonel Voltaire C. Rivera, hepe ng Santa Maria Municipal Police Sation (MPS), habang nag papatrulya ang kanyang kapulisan ay naispatan nila ang dalawang kahina-hinalang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na nakaparada sa tapat ng Savemore Supermarket. Agad napansin ng mga pulis …

Read More »

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

Kerwin Espinosa

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, Leyte, ay binaril habang nakikipagpulong sa mga pinuno sa Barangay Tinag-an sa bayan ng Albuera Huwebes dakong alas-4:30 ng hapon, Abril 10. Ayon sa pulisya, naghihintay si Espinosa ng kanyang pagkakataon na magsalita nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman na nagtatago sa ceiling ng …

Read More »

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkakamit ng mga layunin ng tanggapan, aktibong isinusulong ng Pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) na si Abgd. Julius Victor Degala ang internal recognition program na ipinagdiriwang ang kanilang pagganap at dedikasyon sa serbisyo publiko. “We are proud to recognize the …

Read More »

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

PRC LET

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulation Commission (PRC), na itinatakda sa Setyembre ngayong taon ang pagpapatupad ng mga specialized licensure examinations batay sa mga teacher education programs. Para kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang matiyak na sinasalamin ng proseso ng licensure ang …

Read More »

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

Chiz Escudero Imee Marcos

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crimes Ambassador Markus Lacanilao.                Hindi lang desmayado kundi mapanganib, ayon sa Senadora, ang pagpapabayang makalaya si Lacanilao. Nauna rito, si Lacanilao ay pinatawan ng cited for contempt sa ginaganap …

Read More »

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

Vince Dizon DOTr

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas na paglalakbay ngayong panahon ng Semana Santa. Sa isang pulong balitaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sinabi ni Dizon na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang tumataas na demand ng pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong holiday …

Read More »

Bangkay ng scavenger natagpuan sa hukay ng DPWH sa Pasay City

Dead body, feet

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa isang hukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bahagi ng flood control project sa kanto ng Andrews Avenue at Domestic Road sa Pasay City kamakalawa. Positibong kinilala ang biktima na si Dante Alvarez y Villamor, 50 anyos, kilalang scavenger ngunit walang permanenteng address. Batay sa inisyal na impormasyon, habang …

Read More »

Manyakis na helper swak sa selda

Arrest Posas Handcuff

SA KULUNGAN bumagsak ng isang  manyakis na may kinahaharap na kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Bilang kautusan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na hulihun ang mga akusado na kabilang sa listahan ng ‘top 10 most wanted persons’ ay agad na ipinag-utos ang paghuli sa 28-anyos helper na sinamapahan ng …

Read More »

Sa P28-M drug bust sa Parañaque
Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

Sa P28-M drug bust sa Parañaque Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

NAPATAY ang sinabing high value drug suspect sa pakikipag-enkuwentro sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit apat na tauhan ng ahensiya ang sugatan sa buybust operation  na inilunsad sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City Miyerkoles ng gabi, 9 Abril. Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, 9 Abril, ikinasa ng Operating Unit ng PDEA …

Read More »

TRABAHO Partylist, pinarangalan mga manggagawang Filipino sa dakilang Araw ng Kagitingan

TRABAHO Partylist, pinarangalan mga manggagawang Filipino sa dakilang Araw ng Kagitingan

SA PAGGUNITA ng Araw ng Kagitingan, nagbigay-pugay ang TRABAHO Partylist sa katatagan at kabayanihan ng mga manggagawang Filipino, na inihalintulad sa sakripisyo ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa araw-araw na pakikibaka ng mga manggagawa sa kasalukuyan. “Ang diwa ng Araw ng Kagitingan ay patuloy na isinasabuhay ng ating mga manggagawa, ang ating mga makabagong bayani, na sa …

Read More »

Shamcey Supsup-Lee top 4 sa survey ng konseho sa Pasig City

Shamcey Supsup-Lee

NAKOPO ni Shamcey Supsup-Lee, independenteng kandidato para sa konseho ng Lungsod ng Pasig, ang ika-apat na puwesto mula sa 15 kandidato sa unang distrito ng lungsod, batay sa survey ng PasigPH na isinagawa sa mga rehistradong botante. Isinagawa ng PasigPH chapter ng Phil TechDev Transparency Survey,  na may SWS trust survey approval, ang kanilang research at interbyu mula noong 1-31 …

Read More »

ABP partylist pumalag laban sa pag-aresto ng China sa 3 Pinoy

Goitia ABP

KINONDENA ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist, at ng anim na civic-oriented groups na kinabibilangan ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Isang Bansang Pilipinas (IBP), at ang Kalipunan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL) ang ilegal na pag-aresto ng China sa tatlong Filipino …

Read More »

Debut ng unica hija ni Andrew E handang-handa na

Andrew E Mylene Jassley Fatima

HARD TALKni Pilar Mateo 18. DEBUT.  Transformation. Changes. Choices. Daddy’s Girl. The only girl sa tatlong magkakapatid. Boy. Girl. Boy. Thankful ang parents niya na she has grown into a very masipag, matalino, at responsableng nilalang. Walang sakit ng ulo na ibinigay sa mapagpala rin namang mga palad nina Andrew E at Mylene. Dalaga na nga si Jassley Fatima. Nag-aaral siya sa International School. International …

Read More »

Sa San Juan  
Jeep bumangga sa tindahan pedestrians sugatan

san juan city

BUMANGGA sa isang tindahan ang isang public utility jeepney (PUJ) na ikinasugat ng ilang pedestrian sa kahabaan ng F. Blumentritt corner N. Domingo St., sa lungsod ng San Juan, nitong Miyerkoles, 9 Abril. Ayon sa San Juan City Disaster Risk Reduction and Monitoring Office (CDRRMO) at ilang mga nakasaksi, naganap ang insidente dakong 7:50 ng umaga kahapon at ilang pedestrian, …

Read More »

Kotse bumangga sa concrete barrier, principal DoA sa hospital

Dead Road Accident

BINAWIAN ng buhay ang isang 46-anyos na principal nang bumangga ang sinasakyang kotse sa isang concrete barrer as Abuyog-Silago Road, sa bahagi ng Brgy. Nebga, bayan ng Abuyog, lalawigan ng Leyte, nitong Miyerkoles, 9 Abril. Ayon sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kotseng minamaneho ng driver na kinilalang si alyas Jiboy, 52 anyos, isang magsasaka, at residente ng Brgy. Canipaan, …

Read More »

Dalagita nawala sa Olongapo, ginawang sex slave sa Bulacan

041025 Hataw Frontpage

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 8 Abril, matapos matuklasang na ang isang dalagitang nawawala sa Olongapo City ay itinatago niya sa kaniyang bahay at pinagsasamantalahan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Manuel Bayaona, Jr., hepe ng Meycauauan CPS, nabatid na ang suspek ay isang 48-anyos na residente ng …

Read More »

Sa Nueva Ecija
2 puganteng rapist nasakote

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang lalaking nagtatago sa batas dahil sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Nueva Ecija nitong Martes, 8 Abril. Ayon kay P/Col. Ferdinand Germino, provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 0:29 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Bongabon MPS sa Bry. Palomaria, bayan ng Bongabon, sa nabanggit na …

Read More »