Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth

FranSeth sa balik MMFF: ginalingan at pinaghandaan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TAMPOK sa huling Spotlight Presscon ng 2025 ang mga Star Magic artist na mapapanood sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Kabilang sina Francine Diaz at Seth Fedelin-dalawa sa mga bida ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Matapos manalo bilang Movie Loveteam of the Year sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa My Future You, balik sa big screen ang tambalang FranSeth para muling magpasaya sa darating na Kapaskuhan.

From ‘My Future You’ na wala kami masyadong in-expect. Gusto lang talaga namin noon na ma-appreciate ‘yung ginawa namin lahat ng pinaghirapan namin para sa pelikula. Sabi nga namin last year, audition ulit namin ito sa lahat ng mga tao… Kailangan gagalingan natin,” pagbabahagi ni Francine.

And now, balik ulit ng MMFF, this time ‘Shake, Rattle & Roll’ naman. It’s a legacy hindi lang ng Regal pero tingin ko buong Pilipinas- bawat pamilyang Pinoy. And now parte na kami ng legacy na ‘yun,”dagdag pa.

Malaki ang inaasahan mula sa dalawa, lalo na matapos ang kanilang standout performance sa kanilang recent project na Sins of the Father. Isa rin sila sa mga well-established loveteam ngayon na patuloy na minamahal at sinusuportahan ng publiko.

Nagbahagi rin si Seth ng kanyang pasasalamat: “Gusto ko lang magpasalamat sa ABS-CBN, sa Star Magic family, and to Regal Entertainment dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok, problema, at lahat ng sa tingin namin hindi namin kaya solusyonan, hanggang ngayon, nandiyan pa rin silang nakasuporta sa amin.”

Ngayong holiday season, tiyak muling maghahatid sina Francine at Seth ng saya para sa mga Filipinong manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …