Thursday , June 4 2026
Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABIL
ni John Fontanilla

UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold out reunion concert ng Sexbomb Girls na Get, Get Aw! 1 and 2.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Rochelle ang labis-labis na kaligayahan at pasasalamat sa mga taong nanood ng kanilang magkasunod na concert.

Post ni Rochelle sa IG, “Hindi pa rin ako makapaniwala… Nasa cloud 9 pa rin ako hanggang ngayon! Totoo ba talaga ‘to?

“Hinamon n’yo kami — at buong puso namin itong tinanggap. At noong dumating kayo sa venue… sobra kayong nagpakita ng pagmamahal. 

“Hindi pa man nagsisimula ang opening, ramdam na ramdam na namin ang energy n’yo. Nagso-showdown agad! Perfect crowd. 

“Kaya lalo kaming ginanahan. Kung 100 ang energy namin, ginawa naming 300 — kasi ganoon kayo sa amin.”

Hindi nga nito maiwasang maluha sa tagumpay ng kanilang concert.

At oo, naiyak ako. Kahit anong tago ko, tumulo pa rin. Salamat dahil sinamahan n’yo kami mula noon… hanggang ngayon, Salamat sa lahat na lumaki kasama ang SexBomb,” sabi pa ni Rochelle.

Nagpasalamat din ito kay Dingdong Dantes na naging guest sa kanilang  concert.

“Hindi tayo binigo ng guests natin, ang lala!! Sa Primetime King Dingdong Dantes. Hataw kung hataw! Noong niligawan ka namin sa FF akala namin noong nag -oo ka ay joke lang.

“Tinototoo mo nga a ng ‘pag guest! Grabe ka! Kinarir ang lyrics,costume at kinarir ang performance. 

“Nostalgia ang paglabas po ninyo! Rehearsal pa lng.. tina-try ko maging ok pero na-starstruck po ako sa presence n’yo.

“At sa asawa ko, @art_solinap. Maraming salamat sa tulong mo bhe! Ang galing mo pa rin sumayaw! Hahah! Nakita mo lahat journey ko sa concert na ito. I love you. Naiyak ‘yan. Pinigilan n’ya lang,” wika pa.

Naging espesyal na panauhin din sa reunion concert ng Sexbomb sina  Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, at Antonio Aquitania na muli ring nagsama-sama bilang Sexballs na sumikat sa Bubble GangMark Bautista, Joshua Zamora, rapper Elias, at ang EB Babes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …