SINISI ang Commission on Audit (COA) sa nararanasang kawalan ng makabagong motor license plates matapos ‘upuan’ at hindi aksiyonan ang tatlong desisyon ng Korte Suprema na nagsabing legal at konstitusyonal ang motor vehicle licensing program ng Land Transportation Office (LTO). Dahilan sa kawalan ng aksiyon ng COA, nababalam ang mahigit 10 milyong motorista na hanggang ngayon ay walang license plates. Sa …
Read More »Sanggol, 13 pa sugatan sa mini-bus na sumalpok sa poste
PAWANG sugatan ang 14 katao nang bumangga ang isang mini-bus sa poste ng koryente sa southbound lane ng Centennial Road sa Kawit, Cavite, nitong Linggo. Nag-overtake ang sasakyan ngunit hindi napansin ng driver ang poste, ayon sa disaster response office ng bayan. Tumakas ang driver ng mini bus at ngayon ay pinaghahanap ng pulisya. Ayon sa disaster response office ng …
Read More »Kolorum target ng ‘Kamao’
NAGBUO ng “Task Force Kamao” ang Department of Transportation (DOTr) na tututok sa mga kolorum na sasakyan sa buong bansa. Ayon kay DOTr Undersecretary for Land Transportation Tim Orbos, layunin ng colorum drive ng Task Force Kamao na siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero dahil wala silang katiyakan at mapapala sa nasabing mga sasakyan. Pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory …
Read More »Binti ng SumVac putol sa bus (Sa Quezon)
NAPUTOL ang kaliwang binti ng isang road safety volunteer makaraan mahagip ng isang pampasaherong bus habang sakay ng motorsiklo sa Gumaca, Quezon, nitong Linggo. Ayon sa ulat, nakatawag pa sa kanyang mga kapwa Ligtas SumVac (summer vacation) volunteers ang biktima gamit ang hawak na handheld radio makaraan siyang mahagip ng Raymond Trans bus, na may body number na 9418, sa …
Read More »Paa ng barker putol sa pulley ng SM sa Iloilo
ILOILO CITY – Naputulan ng paa ang isang barker nang mabagsakan ng nahulog na pulley mula sa tower crane sa ginagawang mall sa lungsod na ito, nitong Sabado. Dahil sa malakas na impact nang pagbagsak ng pulley, agad naputol ang paa ni alyas Sam, 17-anyos barker. Agad siyang isinugod sa Iloilo Doctors Hospital. Ayon sa ama ng biktima, hindi siya …
Read More »Murder suspect tumakas sa Malabon City Jail (Misis may BF na)
PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang murder suspect makaraan tumakas mula sa Malabon City Jail, kamakalawa. Agad nag-alok ang Bureau of Jail Management and Penology ng P20,000 cash reward para sa sino mang makapagbibigay ng kahit anong impormasyon para madakip ang suspek na si Arjay Aparri, alyas Nognog Cordero, 29, residente sa Blk. 9, Lot 34, Phase 2 A3, Brgy. …
Read More »P1-M alahas, cash muntik matangay ng kasambahay
HALOS P1 milyong halaga ng mga alahas at salapi ang muntik matangay ng isang kasambahay na isang linggo pa lamang naninilbihan sa kanyang amo, sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw. Bitbit ng suspek na si Judy Ann Duero, 21, tubong Harangan, Montalban, Rizal, ang isang digital na kaha-de-yero at palabas ng gate ng Araneta University Village sa Brgy. Potrero dakong …
Read More »Meat trader, 1 pa hinoldap itinumba ng tandem
NAGING madugo ang Easter Sunday sa Lungsod Quezon makaraan muling umatake ang riding-in-tandem na hinoldap at pinagbabaril ang magkaibigang magkaangkas sa motorsiklo sa Brgy. Batasan Hills, kahapon ng umaga. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula kay Supt. Rodelio Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, ang magkaibigang napatay noon din …
Read More »Bitay hatol ng Kuwait court vs amo ni Demafelis (Sa OFW sa freezer)
HINATULAN ng Kuwaiti court “in absentia” ang isang Lebanese at kanyang Syrian wife ng bitay kaugnay sa pagpatay sa isang Filipina maid, ayon sa judicial source. Inihayag ng korte ang hatol sa unang pagdinig sa kaso ni Joanna Demafelis, ang 29-anyos maid na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait. Ang hatol ay maaari pang iapela kapag …
Read More »2 promotor ng tupada, 1 pa patay sa duelo (Nitong Biyernes Santo)
PATAY agad ang dalawang gang leader at isang tauhan, habang lima ang sugatan makaraan magduwelo ang dalawa sa isang tupada sa Canlaon City, Negros Oriental, nitong Biyernes Santo ng hapon. Patay sa insidente sina Elmer Patinio, Glenn Galvan at Victor Bravo. Sugatan sina Jeric Patinio, Mark Glenn Galvan, Edmund Galvan, Alex Taburada, at Nemencio Bucog. Sa imbestigasyon ng lokal na …
Read More »Dismissal sa drug charges vs drug lords ibinasura ni Aguirre
INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Martes, iniutos niyang ang i-vacate ang dismissal sa drug charges laban sa hinihinalang drug lords na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim, upang maging “wide open” ang kaso para sa bagong mga ebidensiya at testimonya. “I issued an order vacating the dismissal of the case and ordered that the cases be wide …
Read More »Drug lords lalabas sa hoyo (Kaso kahit nasa automatic review)
PAKAKAWALAN ng Department of Justice (DOJ) ang bigtime drug lords kapag ibinasura ng prosecutors ang kanilang kaso kahit isinasailalim sa automatic review ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. Ipinagmalaki ni Aguirre sa press briefing sa Palasyo, kinatigan ng Korte Suprema ang nilagdaan niyang Department Circular No. 004 noong 4 Enero 2017 na nagsaad na kailangan pakawalan ang sinomang akusadong nahaharap …
Read More »PH ID system OK sa Senado
SA botong 17-2, inaprobahan ng Senado sa pangatlo at pinal na pagbasa nitong Lunes, ang panukalang naglalayong magtatag ng Philippine Identification System. Hindi pumabor sina Senators Francis Pangilinan at Risa Hontiveros sa Senate Bill 1738. Sa paliwanag sa kanyang boto, sinabi ni Hontiveros na nais niyang magkaroon ng “safeguards” partikular sa seksiyon na pahihintulutan ang gobyerno na ma-access ang private …
Read More »‘Wig protest’ pinagbibitiw si Aguirre
SUOT ang makukulay na wigs, nagpiket ang mga miyembro ng Akbayan party-list sa harap ng tanggapan ng Department of Justice kahapon, upang ipanawagan ang pagbibitiw ni Secretary Vitaliano Aguirre II. Ang panawagan ay isinagawa ng grupo kasunod ng pagbasura ng DOJ sa drug charges laban sa hinihinalang big time drug lord na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at …
Read More »Piston bigo sa transport strike — MMDA
BIGONG maparalisa sa inilunsad na transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang transportasyon sa Metro Manila kahapon. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago, ito ay dahil sa ipinalabas na mga alternatibong sasakyan ng pamahalaan, katuwang ang mga pribadong bus companies, libreng sakay ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa …
Read More »Kaanak ng plane crash victims naghain ng kaso
SINAMPAHAN ng kaso ng kaanak ng mga namatay na biktima sa plane crash sa Plaridel, Bulacan, ang may-ari ng eroplano. Sinabi ni Fe Pagaduan, ina ng pasahero ng eroplano na si Vera Pagaduan, mula noong Sabado ay hindi na nagpakita sa kanila ang may-ari ng eroplano. Ikinuwento niya ang huling mensahe ng anak at sinabing tila may ipinahihiwatig. Tiniyak ng …
Read More »PCOO koryente kay ‘Pres. Lodi’
NABIKTIMA ng ‘pekeng’ Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ipinadala ng News and Information Bureau (NIB), isa sa mga kawanihan sa ilalim ng PCOO, dakong 11:14 ng umaga ang transcript ng umano’y phone patch interview kay “Pangulong Duterte”sa programa ni Deo Macalma sa DZRH habang kausap si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na panauhin …
Read More »Articles of impeachment vs CJ Sereno aprobado
INAPROBAHAN na ng House Committee on Justice, sa botong 33-1 nitong Lunes, ang committee report na naglalaman ng anim na articles of impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kasunod nito, isasalang ang articles of impeachment sa plenaryo ng kapulungan. Sa articles of impeachment, nais ng komite na alisin sa puwesto si Sereno dahil umano sa hindi niya pagsusumite …
Read More »‘Ma’am Janet idiniin ng PNoy admin para iligtas si Abad
PABABAYAAN ng Palasyo ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang mga affidavit ni Janet Lim-Napoles bago maghayag ng kanyang paninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte. “Hinahayaan muna po ng Presidente na DOJ ang mag-determine kung makapapasok sa witness protection si Janette Lim Napoles dahil iyan naman po ang nakasaad sa batas,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Inamin kamakailan ng …
Read More »Patay sa Pavilion fire umakyat sa 5
NAREKOBER ng mga awtoridad nitong Lunes ang ikalimang biktimang namatay, kasabay ang pagdeklarang fire-out na ang sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat, ang ika-limang biktima ay kinilalang si Jo Cris Sabado, idineklarang nawawala makaraan magsimula ang sunog sa hotel pasado 9:00 am nitong Linggo. Nabatid na si Sabido ay kapatid ng isa pang …
Read More »Barangay, SK polls sa Oktubre matutuloy (Aprobado sa Kamara, malamig sa Senado)
APROBADO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangatlo at pinal na pagbasa nitong Lunes ang House Bill 7378, nag-uurong sa May 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa pangalawang Lunes ng Oktubre 2018. Kapag naging ganap na batas, ito ang pangatlong pagliban sa barangay at SK polls. Gayonman, naging ‘malamig’ ang Senado sa nasabing panukala. Nasapawan ng kabuuang 164 …
Read More »20 bahay, pabrika ng Banana chips natupok (Sa Kawit, Cavite)
UMABOT sa 20 bahay at isang pabrika ng banana chips ang natupok sa Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite, nitong Sabado. Hindi pa tiyak kung paano nagsimula ang sunog dakong 9:00 pm, ayon kay fire marshal, S/Inspector Hayceeline Obligar. Mabilis aniyang kumalat ang apoy dahil malakas ang hangin at gawa sa light materials ang mga bahay. Tinatayang P500,000 halaga ng mga …
Read More »Digong nag-aerial inspection sa sunog sa Manila Pavilion
NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Duterte ng aerial inspection sa nasunog na Manila Pavilion Hotel nitong Linggo ng hapon. Mula sa Baguio City matapos ang Philippine Military Academy graduation rites, lulan ng presidential chopper, nagtungo si Duterte sa Maynila at nagsagawa ng aerial inspection. Sinamahan siya ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go, na nagpadala ng mga retrato …
Read More »Pamilyang nabagsakan ng eroplano nakaburol na
NAKABUROL na ang limang miyembro ng pamilyang namatay makaraan mabagsakan ng eroplano ang kanilang bahay sa Plaridel, Bulacan, nitong Sabado ng hapon. Dinala ang mga labi ng pamilya Dela Rosa sa Santa Cruz Chapel sa Brgy. Lumang Bayan, sa naturang bayan, kahapon ng madaling-araw. Namatay sina Louisa Santos (lola), Rissa Dela Rosa (ina), Trisha dela Rosa, John John Dela Rosa, …
Read More »13 katao todas sa apoy (Sa Bulacan: eroplano bumagsak sa bahay; Sa Maynila: Waterfront Manila Pavilion Hotel nasunog)
UMABOT sa 13 katao ang namatay sa apoy makaraan ang magkasunod na trahedya sa Plaridel, Bulacan at sa Ermita, Maynila, nitong Sabado at Linggo. Sampu katao ang namatay habang dalawa ang sugatan makaraan bumagsak ang isang light aircraft sa isang bahay habang nanananghalian ang isang pamilya sa Purok 3, Brgy. Lumang Bayan sa Plaridel, Bulacan, nitong Sabado ng umaga. Kinilala …
Read More »